Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Dahil sa lamig

21 March 2018

Taglamig na naman muli sa Hong Kong. Pero kahit hirap nang huminga sa kapal ng suot ay tuloy pa rin ang trabaho ng isang nangangamuhan. Ganito ang naranasan ni Jane na bago pa lang at hindi sanay sa lamig kaya laging apat na patong ang damit na suot. Ayaw daw kasi niyang magkasakit kaya todo sa kapal lagi ang kanyang mga suot.

Minsan ay kumati ang kanyang likod at sobra siyang nahirapan na kamutin ito dahil sa kapal ng kanyang damit. Dahil dito ay naisipan niya na huwag na munang magsuot ng bra para mas maluwag ang kanyang pagkilos. Tutal ay maliit naman ang kanyang hinaharap kaya hindi halata kung wala man siyang suot na bra.

Ang kaso ay dahil nasanay na siya sa ganito ay nakalimutan na rin niyang magsuot ng bra nang mag day off siya nitong katatapos na Linggo. Abala siya sa pamimili sa Worldwide Plaza sa Central nang mapansin niya na hindi pala siya nakapag bra sa kamamadali na makaalis noong umagang iyon. Napahagalpak ng tawa ang kanyang mga kaibigan nang sabihin niya ang nangyari.

Ngunit dahil malayo na siya sa bahay ng amo ay tinapos na niya ang maghapon na walang suot na pang-ilalim. Payo ng isa sa kanyang mga kaibigan, huwag na huwag huwag kalimutan ni Jane na magsuot ng bra kapag uminit na ang panahon at baka makita siya ng among babae at sisantehin siyang bigla.

Si Jane ay Ilongga, may isang anak at naninilbihan sa pamilyang Intsik sa Mid levels. – Ellen Asis

Don't Miss