Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

For the period March 16-31

15 March 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Sa negosyo, ang pagiging sensitibo ang maaaring maging sanhi ng pagkatalo, huwag hayaang makasagabal ang pagiging sentimental. Maging maingat sa trabaho, hindi ito oras upang makipagsapalaran. Gaganda ang relasyon kung magiging maunawain ka. Bantayan ang kalusugan ng anak, ipatingin sila agad kung may karamdaman. Mababalanse mo ang trabaho at social life kaya may mga makikilala kang makakatulong sa iyong trabaho. Lucky numbers: 11, 19, 25 at 40.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ang problema sa pamilya ay nakakaapekto sa iyong trabaho, kailangan mo ng kontrol at ayusin ang sarili. Iwasang lumaki ang ulo ng dahil sa maliit na tagumpay, mag-ingat sa ibubunga nito. Ang maikling bakasyon sa ibang lugar ay makabubuti sa iyo, at posibleng makilala ang taong magiging importante sa iyo. Ganado at mataas ang karisma kaya tiwala ka sa sarili, pero mag-ingat dahil may mga kakumpitensya ka. Lucky numbers: 9, 21, 31 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Iwasan ang nakagawiang pagbubuhat ng sariling bangko, mas epektibo kung magtrabaho ka na lang ng tahimik. Tamang panahon na mag-umpisa ng proyekto o bagong trabaho. Kung may asthma, dagdagan ang pangangalaga sa sarili. Palagay mo ay hindi ka naiintindihan ng pamilya mo. Gusto mong maging masaya ang lahat, pero unahin mo muna ang sarili at hindi ka naman sisisihin dito. Lucky numbers: 7, 22, 33 at 44.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Kailangan mong tiisin ang ilang bagay na kinaiinisan mo, pero dahil sa kagustuhan mong magtagumpay, malalampasan mo lahat ito. Sa usaping puso, may pagdaraanang sakit ng kalooban, pero maaayos din agad ito. Magkakaproblema ka sa isa sa mga anak. Masaya ka sa piling ng mga bago mong kaibigan, pero mas pahalagahan pa rin ang dati nang kaibigan. Lucky numbers: 13, 25, 37 at 41.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Dahil sa napaka-positibo mong pag-iisip, mas mapapatibay mo pa ang posisyon sa trabaho. Huwag hanapan ang kapartner ng mga bagay o katangian na wala sa kanya. Upang sumigla ang pagsasama, sumubok ng mga bagong bagay, gaya ng pamamasyal sa malayong lugar. Kung mabilis mapagod, bawasan muna ang mga bagay na pinagkakaabalahan. Higpitan ang paghawak ng pera, bawasan ang luho at bayaran agad ang utang. Lucky numbers: 11, 16, 23 at 32.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Malalim na pagbabago ang magaganap sa iyo; hindi ito madali, pero kapuri-puri ito. Maiinis ka sa asal ng mga anak, kontrolin ang sarili. Ang ipinapakita mong pagbibigay at pagmamalasakit ang magpapalapit sa loob ng iyong minamahal. Umiwas sa tsismis. Posibleng makaranas ng pananakit ng sikmura kaya bawasan ang labis na pag-inom ng kape at alak at pagkain ng maanghang at maasim. Maghapunan ilang oras bago matulog. Lucky numbers: 20, 28, 35 at 43.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Kung mailalabas ang ilang bagay na kinikimkim, mababawi mo ang dating lakas. Alisin lahat ang mga negatibo at pangit na bagay sa isipan. Maging diplomatiko at sa mga kasamahan sa trabaho. Malakas ang imahinasyon at marami kang gustong malaman at matutunan ngayon. Marami ka ring bagong ideya na gustong subukan. Maganda ang lagay ng pananalapi. Kumunsulta sa mga eksperto bago maglabas ng pera. Lucky numbers: 6, 13, 26 at 40.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Magiging romantiko ka ngayon, isang pagtatagpo ang magpapalutang sa iyo sa ulap. Kung may anak, bawasan ang pagiging istrikto dahil iba na ang panahon ngayon kaysa noong bata ka pa. Kung gusto mong sumaya, ipagpasalamat ang mga maliliit na bagay na natatamasa mo sa buhay ngayon. Maganda ang kalusugan ngayon, pero mag- dobleng ingat sa mga nakakahawang sakit. Lucky numbers: 15, 37, 38 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Gusto mong madaliin ang trabaho ito upang matapos agad, pero alalahanin din ang iyong limitasyon. Mag-ingat sa pagkain na makakasama sa iyong atay. Mag-ingat din sa kapabayaan; piliting maibalik ang kontrol sa sarili. Mag-ingat na mapasukan ng magnanakaw. May kaunting problema sa pagsasama, kailangang malalampasan mo ito upang bumalik ang dating tamis ng relasyon. Lucky numbers: 8, 14, 34 at 38.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Ngayon, parang ang lahat ng bagay at maganda at madali, kaya samantalahin ito. Magaan ang trabaho, pero huwag kalimutang mag-ingat din. Iwasan ang labis na pagkain ng karne, palitan ito minsan ng isda. Ito ang tamang oras na pagandahin ang loob ng bahay. Mas bibigyan mo ng oras ang mga kaibigan na ikaiinis ng iyong kapartner at pagmumulan ng pagtatalo. Lucky numbers: 10, 16, 22 at 31.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Bawasan ang dami ng kinakain lalo na yung matataba at matatamis. Ang mga bagay na ikauunlad mo ang pagtuunan ng pansin. Ngayon ay mag-uumpisa ka nang magtanong tungkol sa mga bagay, na makabubuti sa iyo. Huwag kaligtaan ang pamilya kahit abala sa maraming bagay. Sa biglang pagdami ng trabaho, huwag hayaang mabago ang kalidad at paraan ng pagta-trabaho, matatapos mo rin ito ng maayos. Lucky numbers: 16, 28, 36 at 44.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Maswerte ka sa pera at pakikipagsapalaran ngayon. Hindi mo kailangang magpakapagod upang makakuha ng magandang resulta. Makakaranas ng pananakit ng likod at mabilis na pagtibok ng puso; iwasang mapagod at mag-aalala ng husto. Masaya ang pamilya at maayos ang pagsasama, kaya umiwas sa tukso o makagawa ng mga bagay na ikakasira nito. Lucky numbers: 19, 35, 41 at 47.

Don't Miss