Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Maswerte ka ba sa Abril?

04 April 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Kailangang gusto mo rin ang trabaho, hindi lang dahil malaking tulong ito. Aakuin mo ang pagiging lider ng mga kasamahan, at paninindigan mo ang awtoridad mo. Maging positibo sa pananaw sa buhay at iwasan ang mga negatibong bagay. Maganda ang pagsasama kung makokontrol mo ang pagiging kritikal sa maraming bagay. Ugaliing kumain ng balanseng pagkain at ipasuri ang iyong cholesterol. Lucky numbers: 8, 13, 25 at 40.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Piliting maging positibo sa kabila ng kalungkutang nararanasan ngayon. Hirap ka rin sa pagtulog, subukang uminom ng pampakalmang tsaa gaya ng peppermint bago matulog. Magtiwala sa iyong intuisyon, sigurado at epektibo ito. Maswerteng panahon ito sa paglipat ng bagong tirahan o pagbuo ng tahanan. Malaki ang tsansa na magiging masaya ang pagsasama kung mapapapakasal sa linggong ito.   Lucky numbers: 20, 23, 39 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Mag-ingat sa ilusyon: pangatawanan ang desisyong ginawa at panindigan ang opinyon. Madali kang mapagod at malapit sa disgrasya gaya ng pagkahulog at aksidente, ingatan ang kalusugan. Kailangang harapin ang bagong problema o pagbabago sa trabaho. Gagawa ka ng paraan upang mapalakas ang pagkabuklod ng pamilya at maayos ang problema. Mag-usap ng masinsinan at pakingggan ang sasabihin ang bawa’t isa. Lucky numbers: 6, 15, 22 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Tamang panahon na magkaroon ng pag-uusap sa mga anak. Masaya ang pagsasama at makakaasa ka sa buong atensyon ng kapartner. Posibleng makaalitan ang isang kaibigan, huwag hayaang lumala ito. Bantayang mabuti ang gastusin at gumawa ng naaayong budget. Alagaan ang sarili upang hindi tumanda agad. Kilangan ang malinis na pamumuhay, bantayan ang kinakain at iwasang ma-stress.  Lucky numbers: 17, 21, 25 at 41.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng problema sa mahal sa buhay, malalampasan mo rin ito. Sa kabilang banda, ang love life ay magiging makulay. Maaaring sumpungin ng allergy at pagtatae sa mga panahong ito. Subukang magplano ng proyekto kasama ang mga kaibigan, kaysa sayanging ang oras sa inuman at mga kalokohan. Lucky numbers: 11, 16, 29 at 33.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Mag-ingat sa mga delikadong sitwasyon, gaya ng pagkakamali at pagkaantala ng sulat, hindi pagkakaintindihan sa oras at lugar ng pagkikipagkita, at iba pang dahilan. Maging maingat sa pakikipag-transaksyon tungkol sa pera o ari-arian. Dagdagan ang pasensya at unawa sa karelasyon. Magagamit mo ng husto ang magandang personalidad upang mapasaya ang mga kaibigan at dumami pa ang kakilala na makakatulong sa iyo.  Lucky numbers: 9, 18, 37 at 41.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Marami kang makikilalang pwedeng mapalapit sa iyo, ang kailangan mo lang gawin ay pumili. Iwasan ang pumasok sa delikadong transaksyon o sumugal sa stock market kung hindi kabisado. Kailangan mong pakalmahin ang sarili upang mabawi ang katahimikan ng isip. Walang matatanggap kung hindi pinagpaguran, ituloy ang laban! Ipipilit mo ang awtoridad sa malalapit sa iyo, pero nanaisin mo ring makasundo sila. Lucky numbers: 10, 15, 34 at 41.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Itutuon mo ang lahat ng atensyon mo sa isang bagay upang makamit ito sa lalong madaling panahon. Magkakaproblema sa pera, pero maaayos mo rin ito. Maiiwasan ang kumplikasyon sa pagsasama kung susubukan mo na mas maging mapagbigay kaysa laging tumanggap. Dahil sa labis na pagse-seryoso sa lahat ng bagay kaya bumibigat ang pakiramdam mo. Ipakita ang pagmamahal sa anak upang mawala sa isip nila na wala kang pakialam.  Lucky numbers: 8, 12, 28 at 36.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Kailangang magsalita at ipakita ang pagmamahal sa karelasyon. Lahat ng kontratang papasukan ay maganda ang magiging resulta. Magpakatotoo ka at huwag gayahin ang ibang tao. Isa sa mga anak mo ay ang kailangan mong pakinggan at unawain. Ang alitan sa kapitbahay ay maaayos sa diplomasya at respeto, pero kung hindi susunod sa usapan, daanin ito sa sulat. Lucky numbers: 9, 16, 34 at 37.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
May sapat kang tapang at sipag upang ituloy ang binabalak mo. Upang mapanatiling masaya ang pagsasama, magpakita ng kasiyahan at mag-ingat sa labis na pagseselos. Bawasan ang sobrang maanghang at maasim na pagkain. Maganda ang pasok ng pera ngayon, pero mag-ingat na masaid agad ito dahil sa walang patid na paggastos. Lucky numbers: 6, 17, 31 at 43.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Masaya at mae-enjoy ng husto ang love life ngayon. Kahit hindi ka mataba, iwasan pa rin ang pagkain ng sobrang matatamis, matataba at maalat na pagkain. Mahahanap mo ang katahimikan ng loob ngayon. Sa pamilya, huwag akuin ang lahat ng desisyon, hingin ang opinyon ng asawa mo. Maswerte ka sa papasukan mong trabaho o negosyo, pero mag-ingat na lumaki ang ulo dahil ito rin ang magpapabagsak sa iyo. Lucky numbers: 21, 26, 31 at 48.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Magandang pagkakataon upang makahanap ng suporta at bagong kakilala na makakatulong sa trabaho mo. Magiging emosyonal ka pagdating sa love life, pero kaya mong kontrolin ang sarili at makagawa ng maayos na desisyon. Ang pagbabantay sa mga anak ay aakalain nilang tanda ng pagiging istrikto mo, magpasensya muna. Angkop ang panahon sa pagbibiyahe, pero kung may balak na manirahan sa ibang bayan, ipagpaliban muna ito at ayusin ang mga problema. Lucky numbers: 14, 22, 37 at 41.

Don't Miss