Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Naiwanan ng eroplano dahil sa hipag

23 April 2018

Pabalik na sa Hong Kong mula sa ilang araw na bakasyon sa Pilipinas ang maghipag na sina Helly at Lyn na naninilbihan sa iisang bahay, nang maiwanan sila ng eroplano. Huling huli na kasing dumating sa airport si Helly, na matagal na sa amo, samantalang si Lyn na ilang buwan pa lamang na naninilbihan ay maagang nagpunta sa airport, ngunit hindi maka check-in dahil ipinaubaya sa kasama ang mga dokumento.

Agad nilang tinawagan ang amo para ipinaalam na hindi sila nakasakay pabalik sa Hong Kong, at agad naman silang binilhan ng ticket pauwi, pero kapalit ng tig-isang buwan nilang sahod.

Masama man ang loob ni Lyn ay wala siyang magawa dahil kahit mas matanda siya sa hipag ay ito ang tumulong para makapagtrabaho siya sa Hong Kong. Gayunman, ang mga kakilala nila ay naawa kay Lyn dahil masyado siyang kinakawawa ni Helly.

Nariyang ayaw siyang pagamitin ng cell phone ni Lyn, bagaman hindi naman ito pinagbabawal ng kanilang amo. Ayon pa sa ilang mga kakilala nila, minsan ay binigyan nila ng telepono si Lyn para may magamit pero kinuha ito ni Helly at sinira.

Gusto daw kasi nito ay siya lang ang humahawak ng telepono, at pinapagamit lang ito kay Helly kung kailangan nitong makipag-usap sa pamilya.

Tuwing araw ng pahinga ni Lyn ay palagi siyang pinapauwi ng maaga ni Helly, dahil ayaw daw nito na nakikihalubilo ang hipag sa kanilang mga kaibigan sa Hong Kong. Dahil sa lagi siyang pinapauwi ng maaga ng diktador na hipag ay nagsabi si Lyn sa amo na huwag na lang siyang mag dayoff para kumita ng pandagdag sa  kanyang sahod. Nang malaman ito ni Helly ay gumaya para may dagdag din siyang sahod.

Ang isa sa ikinakagalit ni Helly sa hipag ay nawala daw iyong dagdag na $200 sa kanyang sahod buwan-buwan magmula nang magkaroon siya ng kasama. Nang ma-recontract siya kamakailan ay inalis ang dagdag na $200 at ibinalik sa minimum ang sahod niya.

Ang maghipag ay naninirahan sa bahay ng kanilang amo sa New Territories, parehong may anak at asawa. – Marites Palma

Don't Miss