Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Magbasa ka kasi

06 May 2018

Hindi namin napigilang matawa nang mabasa ang isang balita na inilathala ng Inquirer, na nagsasabing ang Pilipino ang isa sa pinaka-mali ang pag-unawa sa nangyayari sa mundo.

Ayon sa Perils of Perception 2017 survey ng Ipsos, isa sa pinakamalaking kumpanyang gumagawa ng market research sa mundo, pumapangalawa lamang ang Pilipinas sa Brazil.

Ang basehan ng resultang ito ay mga tanong tungkol sa murder at suicide rates, terrorism death rates, at teenage pregnancy at health issues — mga tanong na may eksaktong kasagutan kaya madaling malaman kung ang sumasagot ay tama o nagdudunung-dunungan lang.

At hindi lang iyan. Ang mga Pilipino rin ay pumangalawa lang sa India sa pagging sigurado na sila ay tama, kahit sa katotohanan ay mali ang kanilang sagot.

May paliwanang ang gumawa ng pagsusuri kung bakit nangyayari ito. “We are often most incorrect on factors that are widely discussed in the media, such as deaths from terrorism, murder rates, immigration and teenage pregnancy,” ayon kay Bobby Duffy, ang managing director of Ipsos MORI Social Research Institute sa London. “There are multiple reasons for these errors – from our struggle with maths and proportions, to media and political coverage of issues, to social psychology explanations of our mental shortcuts or biases.”

Mayroon din kaming paliwanang kung bakit ganito ang Pilipino—mula sa aming sariling karanasan.

Tingnan mo ang aming Facebook page (hanapin ang The SUN Hong Kong) at makikita ang pagmamagaling ng Pilipino. May mga komento pa nga na malinaw na nagpapakitang hindi man lang nila binasa ang balitang kanilang tinutuligsa.

Hindi masamang magbigay ng opinyon. Magbasa nga lang muna para maintindihan ang sinasalihang diskusyon, at upang maiwasang ipakita na sila’y tanga.

May payo si James Madison Jr., ang ika-apat na pangulo ng Estados Unidos at isa sa sumulat ng Saligang Batas nito, sa mga pinipiling maging mangmang: “Knowledge will forever govern ignorance; and a people who mean to be their own governors must arm themselves with the power that knowledge gives.”


Don't Miss