Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang hinaharap para sa iyo

24 July 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Iwasan ang mahahabang biyahe, pero makakabuti ang pagpunta sa malalapit na lugar. Mag-ingat sa maliliit na aksidente; upang maiwasan ang nerbiyos, mag-ehersisyo sa malawak na lugar. Tagumpay ka sa trabaho at sa lipunan pero manatiling simple at mapagkumbaba. Magiging masaya sa pag-ibig at nanaisin mong ialay ang lahat sa minamahal; matutumbasan rin ito ng pagmamahal.    Lucky numbers: 3, 15, 26 at 38.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ang malaking proyektong inaasam ay unti-unti nang nagkakahugis, huwag madaliin upang hindi ito lumubog. Madali kang kapitan ng sakit ngayon kaya mag-ingat. Kung hindi naniniwala, huwag mahiyang sabihin ito, kahit pa taliwas ito sa paniwala ng nakakarami. Hindi maiwasang mag-alala sa isang personal na problema kaya hindi ka mapakali, huwag mangamba dahil madali mong makokontrol ang sitwasyon at manunumbalik din ang kapayapaan ng loob.  Lucky numbers: 19, 28, 31 at 43.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Mas magiging maganda ang resulta kung magiging mahinahon ka sa mga anak kaysa magalit. Mag-ingat sa posibleng pagdating ng malaking problema sa pera! Malaki ang tsansa na tumagal ang  relasyon mo sa mga bagong kaibigan. Kung laging mataas ang presyon ng dugo at maraming nararamdaman sa katawan, sundin lang ang payo ng doktor at maaayos din ang kalagayan. Lucky numbers: 17, 21, 30 at 40.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Makakasiguro ka sa magandang takbo ng trabaho at pakikipag-ugnayan, pero ang pagiging pabaya at kakulangan sa tiyaga ay may mabigat na kapalit. Ang love affair ay mamumukadkad. Kung nahihirapang matulog, bawasan o tigilan ang stimulants gaya ng kape o sigarilyo. Dagdagan ang pagkain ng gulay. Tamang panahon ito sa paglilipat. Marami kang makikilalang tao na malayo sa katangian mo, pero makakasundo mo at magbibigay sa iyo ng bagong pananaw. Lucky numbers: 15, 33, 41 at 45.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Magiging mapanukso ka ngayon, pero huwag asahang aayunan ka ng kapartner. Sa trabaho, hindi masasayang ang pinagpaguran at ilang mabubuting kasamahan ang tutulong sa iyo. May dahilan ka para matakot sa away o masangkot sa argumento. Mapipilitan kang tanggapin na wala ka nang matatakbuhan, pero magkakaroon ka pa rin ng pagkakataong makaalpas, kumilos ka agad!  Lucky numbers: 7, 29, 36 at 42. 

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Bigyan ng atensyon ang pangangatawan, kung hindi ay mahihirapan kang ibalik ang dating pigura. Iwasang maghangad ng labis at baka mauwi lang sa kabiguan. Huwag ding  maging mapaghanap sa mga taong malalapit sa iyo. Sayang kung hindi mo gagamitin ang mga bagay o katangian nasasa-iyo na. Kung nakaranas ng sobrang kagipitan, ngayon ay kakasihan ka ng swerte at mas magiging malakas at matibay ka kaysa dati.  Lucky numbers: 13, 27, 34 at 44.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Nasa posisyon ka ngayong tapusin na ang pananahimik at hindi umurong sa mga  delikadong usapin kaya matapang ka na ring hingin ang nararapat sa iyo. Lalakas ang kapit mo sa puwesto. Makakaranas ng problema sa bituka.  Ang relasyon sa pag-ibig ay lalong iinit. Mag-ingat sa pagbitaw ng malaking pera sa mga bagay na hindi ka sigurado; kung gusto mong mag-invest ng malaki, kumunsulta sa mga eksperto.   Lucky numbers: 9, 14, 26 at 41.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Marami kang dapat gawin, pero kulang ka sa sigla at inspirasyon; makakabuti ang kauting oras sa piling ng mga kaibigan para ganahan ka. Maging maingat sa pagmamaneho o paggamit ng makinarya dahil mabagal ang kilos mo ngayon. Maganda ang takbo ng iyong pananalapi. Magpakita ng diplomasya sa lahat ng pakikipag-usap. Tahimik sa trabaho, pero maging alerto sa mga pagbabagong magaganap. Lucky numbers: 18, 25, 31 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Tamang panahon na balikan ang pag-aaral, pagkuha ng pagsusulit o training course. Mag-ingat sa lahat ng pwedeng mauwi sa problemang legal. Umiwas muna sa shellfish, hilaw na gulay at produktong gawa sa gatas. Pagkakataon na rin na ito na patibayin pa ang relasyon sa magulang at mga anak. Maganda ang takbo ng pananalapi. Maganda at malaking pagbabago ang magaganap, at makikinabang ka ng husto; magkakaroon ka ng malalaking proyekto.  Lucky numbers: 16, 31, 32, at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Buong tapang mong haharapin ang mga problemang dumarating. Kung matatanda na ang magulang, lalong lalala ang tensyon sa pagitan nyo, dagdagan ang pasensya at unawa.  Mas magiging malambing ka sa karelasyon, pero mas magiging mapaghanap ka rin kaysa dati. Kung umiinom ng antibiotics, dagdagan ang pagkain ng yogurt na makakatulong sa bituka na naaapektuhan ng malakas na gamot. Lucky numbers: 9, 16, 20 at 29.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Iwasang mag-isip ng mga nakakalungkot na bagay. Sa trabaho, dagdagan ang atensyon at konsentrasyon upang makuha ang tamang resulta. Ingatan ang atay at baga; kailangan mo ng sariwang hangin at umiwas sa sobrang paninigarilyo at pag-inom ng alak at kape. Madali kang mainis kahit sa maliliit na dahilan at nababagalan ka sa takbo ng mga bagay, kaya iniiwasan ka ng mga kasamahan mo. Iwasang mag-init ang ulo. Lucky numbers: 8, 24, 28 at 42. 

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Marami kang bagong makikilala at matutuhan na makakaapekto sa iyong pananaw at paniniwala. Sa trabaho, maganda ang resulta ng pinagpaguran, manating realistiko. May senyales ng aksidente, umiwas munang magmaneho o doblehin ang pag-iingat sa linggong ito. Makakakita ka ng kapayapaan at kalinga sa tahanan. Maniguro sa tibay at kalidad ng bagay na binibili upang hindi magsisi. Huwag maging mapagmataas at bawasan ang pagsusuplada. Lucky numbers: 11, 16, 21, at 40. 

Don't Miss