Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Napakabait ng amo

09 July 2018

Kamakailan ay natuklasan ng mga doktor na nasa stage 3 na ang cancer na dumapo kay Bella.

Dahil dito, inakala ng Pilipina na papauwiin na siya, katulad ng ginagawa ng ibang mga amo kapag nalamang malala na ang sakit ng kasambahay.

Ngunit kakaiba ang pagkabusilak ng puso ng kanyang mga amo. Hindi siya pinauwi, bagkus ay dinala pa sa isang pribadong ospital para doon magpa chemotherapy. Kung maari nga lang daw na dalhin siya sa Amerika upang ipagamot dahil may kapatid na doktor doon ang kanyang amo ay gagawin nila.

Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Bella sa mga amo dahil wala na daw siyang mahihiling pa at napakabuti nila.

Dahil sa kanilang suporta at palaging pagsasabi na gagaling pa siya ay hindi nawawalan ng pag-asa si Bella. Uuwi lang daw siya kapag magaling na siya. Si Bella ay dalaga at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa New Territories. – Marites Palma

Don't Miss