Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Maswerte ka ba sa Agosto?

01 August 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Namnamin ang magagandang bagay sa pang araw-araw na buhay dahil diyan nagmumula ang kaligayahan. Sa trabaho, pakiramdam mo ay para kang gumagapang sa hirap, pero ang totoo, tuloy-tuloy ang iyong pag-asenso. Huwag gaanong pahirapan ang sarili sa paghahanda sa kinabukasan, lasapin ang mga benepisyong tinatamasa ngayon. Nabibigatan ka sa iyong responsibilidad at laging inaalala ang nagawang pagkakamali; huwag nang sisihin ang sarili at piliting maging masaya. Lucky numbers: 17, 25, 31 at 40.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Matutukso kang pumasok sa magulong relasyon, mag-ingat at baka mabigo ka lang. Maswerte sa materyal na bagay dahil kakapal ang laman ng pitaka. Huwag nang magreklamo sa bagay na matagal  nang tinitiis dahil lalo lang bibigat ang pasanin; kumilos upang makaahon. May magandang pagkakataong darating, paghandaan ito at huwag nang malungkot. May matatamong tagumpay sa trabaho.  Lucky numbers: 11, 28, 32 at 41.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Susuwertehin ka sa iba’t ibang bagay at dadami ang iyong kakilala. Sa pag-ibig, dagdagan ang tiwala, sa halip na magselos at magduda. Makakaramdam ng pamimigat ng mga binti. Humingi ng payo sa kaibigan upang malutas ang isang mabigat na problema. Sa trabaho, maayos ang takbo ng lahat ng higit pa sa inaasahan mo. Masigla ang katawan at mataas ang enerhiya kaya marami kang magagandang ideya na mabubuo. Lucky numbers: 3, 15, 21 at 37.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Kontrolin ang pagiging agresibo dahil wala namang kumokontra at wala ka rin namang  awtoridad. Pananakit ng leeg at pamamaga ng tonsil ang mararanasan. Sa trabaho, lahat ng panukala mo ay papaboran, kaya may karapatan kang taasan ang ambisyon. Mahihirapan kang makipag-usap sa pamilya mo. Gaganda ang pinansyal na sitwasyon kaya umpisahan mo nang mag-invest sa maliliit na negosyo. May konting swerte rin sa sugal. Lucky numbers: 19, 23, 29 at 35. 

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Darating ang pagkakataon na lahat ng nasa paligid mo ay aayon sa lahat ng bagay. Harapin ang responsibilidad ng buong tapang at sipag at magagantimpalaan din ang lahat ng pagsisikap mo. Madali kang makakahanap ng suporta para magtagumpay ang layunin mo. Dagdagan ang pag-iingat sa pakikipag-relasyon. Mababawasan ang alitan sa pamilya, kaya magiging masaya ulit ang tahanan. Lucky numbers: 20, 22, 30 at 45.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Hindi matatag ang trabaho mo, pero may magagawa ka upang masiguro ang kinabukasan mo. Harapin ang mga problema bilang pagsubok na dapat pagdaanan, at hindi pagkatalo o kamalasan. Ang kalusugan ay nakasalalay sa iyong disposisyon, o lagay ng kalooban. Sa pag-ibig, iwasang gawin ang dalawang bagay ng sabay. Turuan ng disiplina ang mga anak, lalo na kung maliliit pa sila at nag-aaral, maging istrikto sa oras ng pagtulog nila. Lucky numbers: 16, 29, 34 at 43.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Kung kasama sa bahay ang karelasyon, iwasan ang mga mapaghamong salita. Maayos ang pangangatawan at kalusugan sa ngayon. Iwasang maging negatibo sa lahat ng bagay, sabihin ng maayos ang hindi mo gusto. Masaya ang pagsasama ng pamilya. Nasa iyo na ang mga bagay na kailangan upang matupad ang ambisyon mo at makagawa ng hakbang; ipakita mo kung ano ang kaya mong gawin. Lucky numbers: 6, 11, 18 at 37.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Malakas ang intuisyon mo sa mga tao at mga bagay, at naiintindihan mo kung ano ang totoo. Madali kang mairita at mainis, pero mawawala din ito kapag nakatulog ka ng maayos. Magtatagumpay ka sa trabaho. Iwasang mamuhay ng marangya at higit sa iyong kinikita. Marami kang responsibilidad at desisyong gagawin dahil ikaw ang takbuhan ng iyong mga kasamahan, at malaki ang maitutulong mo. Lucky numbers: 17, 33, 40 at 46.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Sakit sa balat ang mararanasan; dagdagan ang pagkain ng sariwang ng prutas at gulay. Unti-unting bubuti ang pinansyal na kalagayan dahil kabi-kabila ang magbabayad sa iyo ng utang. Masaya ang pamilya. Mas makakabuti kung bawasan ang pagiging istrikto at mapaghanap sa mga kasamahan sa trabaho upang maiwasan ang hidwaan. Maging maunawain at aminin din kung ikaw ang nagkamali. Lucky numbers: 9, 18, 36 at 42. 

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Hindi pa napapanahon ang paghingi ng umento o taas ng sahod, sa kabila ng magandang ipinapakita sa trabaho. Dagdagan ang tulog upang mabawasan ang nerbiyos na nararamdaman. Huwag nang palakihin pa ang usapin kung ang isang kaibigan ay hindi naging tapat sa iyo. Kilalanin ang mga kaibigang sinasamahan ng iyong mga anak. Kung single, alam mo kung paano mo magagamit ng husto ang iyong karisma. Lucky numbers: 10, 19, 25 at 40.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Tigilan na ang mga walang saysay na nakagawian mong gawin. Mag-ingat sa pagkalason sa pagkain at sa nakakahawang sakit. Magpapakita ka ng kawalan ng interes sa love life. Kung may pinangakuan, gawin ang lahat upang  matupad ito. Tahimik ang trabaho ngayon; tungkol sa turismo at show business ang mainit at masigla ngayon. Magiging mapalad ka sa pagi-invest at pagbili ng ari-arian. Lucky numbers: 6, 15, 22 at 41.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Sa trabaho, matatapos mo ang mga dapat mong gawin sa takdang oras. Huwag hayaang maloko ka ng ilang kaibigan; itulong mo na lang sa pamilya ang pera kesa mapunta ito sa wala. Gamitin ang libreng oras sa pag-aaral upang lumawak ang kaalaman. Babalik ang iniindang sakit ng likod, umiwas muna sa paglalaro ng tennis at ibang nakakapagod na sports. Maglakad-lakad na lang muna o mag-swimming. Lucky numbers: 12, 27, 31 at 39.

Don't Miss