Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Anong swerte ang hatid ng Disyembre

17 December 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Mababago lang ang materyal na kalagayan kung maingat kang susubok ng ibang bagay. Mag-ingat sa sari-saring emosyon na maaring pagdaanan: away, pagkabigo, pagkasira at iba pang masakit na sandali. Kalungkutan, kawalan ng gana at pagsuko ang pwedeng maranasan. Humanap ng paraan upang makapag-relax at makapag-isip ng maayos, katulad ng pamamasyal sa lugar na tahimik. Lucky numbers: 6, 15, 29 at 41.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ang relasyon sa mga kasamahan ang bibigyan mo ng importansya, pipilitin mong maging maayos at matiwasay ang paligid. Hindi ka patitinag sa gitna ng krisis at mga kumplikasyon, at mapapanatili mo ang panatag na isip na handang humarap sa lahat ng pagsubok. May magandang pagbabago sa personal na buhay. Magiging positibo ang lahat kung matatanggap mo ang opinyon ng mahal mo sa buhay, at maiwasang magkamaling muli. Lucky numbers: 13, 25, 39 at 46.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Sa ngayon ay wala kang ginagawang paghahanda para sa kinabukasan, basta ini-enjoy mo lang kung ano ang dumarating sa iyo. Bawasan ang matubig na prutas gaya ng ubas at kamatis upang maiwasan ang labis na tubig sa katawan. Dagdagan ang pagkain ng leeks, gulay na salad na may lemon, water cress at celery na nakakatulong sa pag-ihi. Nasa kamay mo na ang maswerteng baraha upang makamit ang tagumpay sa trabaho. Iwasan ang pagiging dominante sa relasyon. Lucky numbers: 7, 18, 22 at 42.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Masalimuot ang buhay may asawa ngayon kaya parang hindi mo na matagalan ito. Pakalmahin ang sarili at iwasang gumawa ng desisyon na maaring pagsisihan mo. May masasayang sandali na mararanasan, pero ang kakulangan ng atensyon sa mahal sa buhay ay magdudulot ng malupit at masakit na kapalit. Nanaisin mong mapagbigyan ang lahat pero hindi mo matutupad ang lahat ng ipinangako mo. Lucky numbers: 6, 18, 30 at 40.
.


TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Iwasang maging kampante at komportable sa ginagawa dahil magsasawa ka rin at maiinip, at baka masundan ito ng mga negatibong pag-iisip o depresyon. Gumalaw, kumilos, makilahok sa mga ibat ibang aktibidad at makipag-kaibigan. Mainit ang lagay ng trabaho, at kahit maliit na hindi pagkakaintindihan ay pwedeng sumiklab sa seryosong away. Pero walang makakapigil sa iyong pag-angat ng posisyon. Maswerte ang mga mamamahayag at manunulat sa panahong ito. Lucky numbers: 5, 14, 28 at 34.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Magiging masaya ka, pero parang ang trabaho at ambisyon ang pumipigil sa iyo na ma-enjoy ng husto ang buhay. Kung single, posibleng ang relasyon ay nagagamit lang upang makapagyabang, na magdudulot din ng sobrang gastos. Sa ngayon, iwasan muna ang mahahabang negosasyon o transaksyon dahil baka hindi mo kayanin. Maaring magkamali ka ng desisyon o mapilitan kang gumamit ng dahas upang makuha ang gusto mo, na hindi magandang solusyon. Lucky numbers: 6, 11, 27 at 36.



 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Ngayon ay mas bibigyan mo ng importansya ang mga kaibigan kaya magseselos ang iyong karelasyon. Piliting maayos agad ang hindi pagkakaunawaan. Iniiwasan mo ang mga pagbabagong nagaganap sa trabaho, na magiging sanhi ng problema. Labanan ang pagiging tamad o walang pakialam sa mundo, pagtuunan ng pansin at interes ang lahat ng ginagawa at maganda ang magiging resulta nito. Lucky numbers: 15, 22, 31 at 44.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Maraming beses kang maglalabas ng galit kaya maaayos ang ibang gusot at maipapakita mo sa malalapit sa iyo na hindi ka manhid sa mga nagyayari sa paligid gaya ng iniisip nila. Kung ikaw mismo ang gagawa ng trabaho upang ipakita ang tamang paraan, asahang may mga maiinis sa iyo. Kung single, maiimbitahan ka sa sunud-sunod na okasyon, at marami kang makikilala. I-enjoy mo ng husto ang pakikipag-kuwentuhan at tuksuhan. Lucky numbers: 17, 33, 37 at 40.



KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
May masakit na pagtatalong magaganap; magpakita ng pagpapakumbaba at common sense upang maayos ang gulo at bumalik ang unawaan sa pagsasama. Huwag ipautang ang iyong pera, at kung hindi maiiwasan, maniguro na maibabalik agad ito sa takdang oras. May isang bagay ang matagal mo nang minimithi kaya ngayon ay gusto mong pagbigyan ang sarili, pero mag-ingat na hindi mabaon sa utang. Lucky numbers: 3, 16, 25 at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Labis ang sigla mo ngayon kaya mapagsasabay mong gawin ang maraming bagay at matatapos mo agad ang lahat ng trabaho. Ngayon ay gagawin mo ang gusto mo sa iyong love life at wala kang pakialam sa sasabihin ng mga tao. Mag-ingat sa iyong kilos; may ugali kang iniipon ang inis at galit sa isang tao o kasamahan at pagkatapos ay pag-iisipan mong gantihan ito ng mas masakit. Lucky numbers: 11, 19, 36 at 41.



UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Punumpuno ang utak mo ng mga plano kaya may mga naiinggit sa iyo dahil marami kang nagagawa at masigla pa rin ang kilos. Samantalahin ito upang pag-isipan ang kalagayan ng buhay, trabaho at hinaharap. Masasagad ang nerbiyos mo dahil sa desisyon mong sumugal sa isang mahalagang pinansyal na bagay. Ang iyong pamilya ay makakaramdam din ng pagod sa sunud-sunod na kaganapan. Lucky numbers: 11, 29, 35 at 46.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Huwag mangapa sa dilim; linawing mabuti sa sarili kung ano ang gusto mong marating. Ang detalyado at malinaw na programa ang makakatulong upang mailarawan sa isip ang hinaharap na buo ang kompiyansa. Ituloy mo ang propesyon at huwag matakot sumubok. Sa negosyo, kung hindi ka takot kumayod ng husto, magtatagumpay ka. Kung naninigarilyo, malaki ang tsansa mong magkaroon ng lung cancer o stomach ulcer kaya tigilan na ito hangga’t maaga pa. Lucky numbers: 5, 12, 28 at 32.



















Don't Miss