Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pasko nabulilyaso dahil nahiyang magbakasyon

08 January 2019

Magkasama sa bahay at naninilbihan sa mag-asawang Intsik na may tatlong anak ang magkapatid na sina Minerva at Melba.

Sampung araw bago sumapit ang Pasko ay kinausap si Melba ng kanyang among lalaki at tinanong kung gusto nilang magkapatid na magbakasyon.



Bibilhan daw sila nito ng tiket pauwi para makapag Pasko kapiling ng kanilang pamilya.

Ayon sa among lalaki, kapag sabay silang nagbakasyon ay mapipilitan ang asawa nito na sumama sa China.



Ayaw na ayaw kasi ng among babae na pumunta sa China at makihalubilo sa mga kamag-anak ng lalaki, at laging ang idinadahilan ay may dalawa silang kasambahay na maiiwan para magbantay sa mga bata.

Tuwang tuwa si Minerva dahil makakauwi sila ng sabay ng kanyang ate para mag Pasko kasama ang kanilang inang balo, at isa pang kapatid.



Ang kaso ay hindi ito natuloy dahil hindi pumayag si Melba sa gusto ng amo dahil nahihiya ito.

Napakamahal daw kasi ng tiket sa panahon ng kapaskuhan, at bago pa lamang sila sa kanilang mga amo.



Baka daw kasi isipin ng kanilang amo ay sinasamantala nila ang kabaitan nito, kahit pa ang ideya ay nagmula mismo dito.

Katatapos lang ni Minerva ng kanyang kontrata sa Malaysia, at nakarating sa Hong Kong ng walang binabayaran kahit magkano dahil bale direct hire siya ng amo ng kanyang ate.



Kahit naiinis ay walang nagawa si Minerva dahil nakatatanda sa kanya si Melba at malaki ang utang na loob niya dito dahil nakalipat siya ng Hong Kong ng walang ginastos kahit magkano.

Ang magkapatid ay parehong dalaga, tubong Pangasinan, at naninilbihan sa among taga Tin Shu Wai.- Ellen Asis

Suportahan po natin ang ating mga sponsor:










Don't Miss