Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

‘I forgot’ lagi ang dahilan ng amo

16 February 2019

Nasanay na si Luz na laging huli kung suwelduhan, kaya tuwing katapusan ay inihahanda na niya ang sarili sa katagang “ I forgot” mula sa amo.

Dahil dito ang pakilala at lihim niyang tawag sa amo ay “Madam I Forgot.”

Hindi naman siyang nagkukulang sa pagpapaalala dito, at laging ang sagot nito ay mag wiwithdraw na sa bangko, pero pag-uwi sa bahay ay ngingiti lang ito kay Luz at sasabihin muli ang “Sorry,  I forgot. Tomorrow I will give you.”



Pero maraming tomorrow pa ang lilipas bago niya matanggap ang sweldo.

Ang nakakapagtaka, sa suweldo lang niya ito laging may amnesia, dahil pagdating sa mga utos at pinapagawa nito ay hindi nakakalimot.



Mabuti na lang at mabait naman ito kaya pinagtitiyagaan na lang ni Luz.

Pero may mga panahon na naiinis na rin siya dahil may mga bayarin siya na hindi makapaghintay kaya napipilitan siyang manghiram sa mga kaibigan upang may ipambayad pansamantala.



Si Luz ay dalaga, 40 anyos at naninilbihan sa mag-asawang Intsik na may isang anak at naninirahan sa Lohas Park. – Ellen Asis


Don't Miss