Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang iyong kapalaran

18 April 2019


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Umiwas sa softdrink at chewing gum, at kumain ng dahan-dahan upang maiwasan ang kabag at pagdighay. Tutulungan ka ng kapalaran na maiangat ang iyong kalagayan sa trabaho dahil magkakaroon ka ng sapat na tapang at tatag na makapagsalita ng maayos at may awtoridad. May tsansa ka ngayon na alisin ang mga negatibong ideya na nakakasagabal na maipakita ang totoong personalidad mo. Lucky numbers: 17, 22, 34 at 38.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Hihina ang resistensya mo dahil sa tensyong nararanasan. Posibleng dapuan ng trangkaso o lagnat, pero walang dapat ipag-alala. May magandang pagkakataon na dadating sa iyo; huwag itong pakawalan. Maging matapang na harapin ang katotohanan at huwag magpadala sa ilusyon, lalo na sa problema sa tahanan. Lucky numbers: 7, 19, 33 at 40.

Call us!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Lalabas ang mga negatibong ugali mo sa panahong ito. Kung wala kang ganang magtrabaho, o makipagsaya sa mga kaibigan at negatibo ang mga naiisip, kailangang kumilos ka agad upang labanan ito dahil baka ka magka-nervous breakdown. Ang mga nararamdamang sakit ay maaring nasa isip lang dahil maayos naman ang lagay ng kalusugan mo. Hanapin ang katahimikan ng loob, at magiging maayos din ang lahat. Lucky numbers: 11, 16, 25 at 41. .

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Ang paligid mo ay nakakadagdag sa pagka-irita at nerbiyos na nararamdaman, lalo na kung sa bahay nagta-trabaho, dahil mahaharap sa sunud-sunod na hindi magandang sorpresa. Hindi naman maaapektuhan ang sentimental na buhay dahil maalab pa rin ang ang pagmamahal mo. Mag-ingat sa mga manloloko, lalo na sa mga nagkukumpuni sa bahay. Lucky numbers: 24, 25, 37 at 43.

Call us now!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Magkakaroon ka ng malakas na atraksyon sa isang tao, pero mangingimi kang lapitan ito dahil natatakot kang maisnab; maging matapang, kausapin mo ito. Maganda ang kalusugan mo ngayon. Planuhing mabuti ang mga gagawin upang mabawasan ang pagod. Huwag aksayahin ang oras sa mga pambihirang ideya, at iwasang mag-invest sa mga delikadong negosyo. Lucky numbers:  3, 17, 33 at 44.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Kung may mga anak, mas magiging malapit ka sa kanila ngayon, at makukuha mo ang tiwala nila na magsabi ng kanilang mga problema. Magkakaroon ng pagbabago sa love life, magkakaroon ng mga problema, o magtatapat ng saloobin o magpahayag ng plano ng pagpapakasal. Masisira ang ilan mong paniniwala, pero magdudulot ito ng tapang para ma-enjoy ng husto ang iyong buhay. Lucky numbers: 13, 15, 29 at 39.

Call now!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Maikli ang iyong pasensya, kaya mas gusto mo pang kanselahin ang mga plano kung hindi agad ito matutuloy.  Iwasang mapagod ng husto sa trabaho dahil manghihina ng husto ang katawan. May hiwalayang magaganap at malulungkot ka ng labis, pero kung hindi na talagang magkakasundo, mas mabuti pang maghiwalay ng landas. Lucky numbers: 13, 16, 29 at 31.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Marami sa inyo ang magkakaroon ng magandang pagbabago sa buhay. Determinado kang huwag gawin ang imposibleng mga plano upang manatiling nakatapak ang paa sa lupa. Dahil sa kumpiyansa sa sarili, mas magiging matagumpay din ang love life. Ang pagpupundar ng ari-arian ay hindi lang dahil sa tsansa, dahil baka marami pang problemang pagdadaanan. Mag-ingat sa pakikipag-transaksyon. Lucky numbers: 9, 26, 32 at 45.

Call us now!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Maaari kang maakit sa isang taong ibang-iba sa ugali mo, at alam mong hindi nababagay sa iyo. Mahihirapan kang labanan ang nararamdaman. Hindi ka mapakali dahil sanay ka na marami ang ginagawa, na agad ay gusto mong tapusin. Ang problema sa pamilya ay kailangang masolusyunan agad upang maihanda ang sarili sa iba pang problemang darating. Lucky numbers: 16, 18, 27 at 42.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Masigla at mae-enjoy mo ang kalagayan mo ngayon. Pero hindi ka nakakasiguro kung tama ang mga desisyon mo dahil sobra kang kampante. May tsansa kang makilala sa iyong trabaho ngayon, pero baka maging balakid ito upang mas maipakita ang totoong husay mo kapag lumaki ang ulo mo. Ang maganda mong sense of humor ay magiging daan upang makakilala ng mga taong makakasundo mo. Lucky numbers:4, 19, 25 at 40.



TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Magtiwala sa kakayahan mo, at makakaasa ka rin sa tulong ng mga kaibigan kung kailangan mo. Sa kabila ng ginagawa mo, nag-aalala ka sa problema sa pamilya, na maaring bumalik ulit. Harapin ito ng buong tapang upang tuluyan nang matapos ang problema. Hindi matatag ang relasyon dahil sa mga away at kulang sa katapatan. Hindi ka pa rin sigurado, at patuloy na naghahanap ng gusto mo. Lucky numbers: 9, 13, 17 at 44.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Marami ang nangangamba sa kalagayan sa trabaho o mapilitang magbitiw dahil sa problema sa kalusugan. Maraming gumugulo sa isip mo ngayon kaya hindi ka makapagdesisyon ng maayos. Kung may ibibigay na trabaho sa ibang tao, huwag magtiwala agad, alamin kung ano ang nagagawa ito ng maayosupang maiwasan ang mga problema. Lucky numbers:  3, 7, 11 at 44.


===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



 
Don't Miss