Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Chinese horoscope, Apr 1-15

01 April 2019



BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Posibleng makaranas ng kabiguan, lungkot, at may alitan kaya minsan ay gusto mo nang sumuko. Mag-ingat! Hirap ka sa pagtulog; agahan ang kain sa gabi at iwasang kumain ng marami at pag-inom ng kape at tsaa. Ang galit ay makakaapekto ng husto sa trabaho at personal na buhay. Kailangang kontrolin ang sarili. Lucky numbers: 21, 35, 40 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Kung aayusin mo ang iyong buhay, lahat ng bagay ay magiging magaan. Masusulit ng husto ang iyong lakas sa pagsasakatuparan ng iyong mga plano, pero iwasang pilitin ang mga bagay kung hindi pa ito handa o hinog, lalo na kung nakataya ang iyong damdamin. Agapan ang pananakit ng sikmura na baka mauwi sa ulcer. Lucky numbers: 7, 19, 34 at 40.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Kontrolado mo  ang pisikal at intelektuwal na kalagayan mo ngayon, kaya malaki ang tsansa na magtagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, basta’t alam mo ang iyong limitasyon. Nasasaktan ka sa away na namamagitan sa mga kasamahan; may aral kang matututuhan dito. Kung hindi makatiis na hindi manigarilyo, limitahan ito hangga’t makakaya. Lucky numbers: 17, 18, 23 at 42.

CALL US NOW!

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Maganda ang lagay ng kalusugan at pag-iisip at alam mong balansehin ang oras sa trabaho at pansariling kasiyahan. Masaya ang loob ng tahanan at gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at irerespeto mo ang kagustuhan ng bawat isa sa kanila. Kung may mahalagang bagay na dapat bilhin, gawin mo na agad ito. Lucky numbers: 15, 20, 29 at 37.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
May bagong karanasan na posibleng magpabago sa iyong paniniwala at magkaroon ng mga katanungan sa maraming bagay. Lahat ng ito ay magpapagulo sa iyong isip. Kailangan mo ng mga bagong kaibigan at kakilala upang lumawak ang pag-iisip. Subukan mong magbakasyon sa ibang bansa upang kumalma at makahanap ng katahimikan. Lucky numbers: 14, 16, 26 at 39.

Call us!

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Mas magiging romantiko ka sa panahong ito, at nanaisin mong maging romantiko rin ang iyong kapartner upang masiyahan ka ng husto. Maging maingat sa iyong pananalapi gaya ng dati. Iwasang maglabas ng malaking halaga sa transaksyon na hindi ka naman nakakasiguro. Mahusay kang makibagay, makakatulong ito ng husto sa iyong mga gustong gawin. Lucky numbers:  5, 12, 27 at 38.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Malaki ang tsansa na maisakatuparan at magtagumpay ang iyong mga plano dahil malakas ang iyong intuisyon. Kung single, may posibilidad na magkaroon din ng love affair sa panahong ito. May makikilala kang tao na kapareho mo ng mga gusto at ugali, at makakasundo mo sa maraming mga bagay at magbibigay sa iyo ng bagong pananaw sa buhay. Lucky numbers: 6, 13, 22 at 46.

Call!

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Palagay mo ay hindi umaayon ang lahat sa iyo, at nahaharap ka sa sitwasyong hindi mo makontrol kaya nasisira ang tiwala sa sarili. Huwag mataranta, piliting labanan ang lungkot na nararamdaman. Huwag ding hayaang ma-impluwensyahan ng mga payo ng pamilya o ng malalapit sa iyo, na lalo lang magpapagulo sa sitwasyon; ikaw lang ang makakalutas ng iyong problema. Lucky numbers: 13, 33, 35 at 41.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Samantalahin ang kalmadong kalagayan ngayon upang tanungin ang sarili: naging makabuluhan ba ang aking buhay? Sinasayang ko ba ang oras sa walang kuwentang bagay, sa halip na pagtuunan ng pansin ang mas importanteng mga bagay? May matutuhan ka dito upang magkaroon ng kontrol sa sarili at magtagumpay sa gusto mong gawin. Hindi ka apektado sa sinasabi ng kapitbahay mo, pero mag-aalala ka para sa pamilya mo. Lucky numbers: 6, 19, 25 at 37.

Call now!

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Tensyonado ka sa panahong ito, at maaaring maging sanhi rin ng problema sa sikmura at pagdumi. Lahat ng ito ay dahil nagagalit ka kapag hindi nasusunod ang gusto mo. Ang problema sa pera ay dagdag din sa iyong alalahanin. Ang mga dating hinanakit ay magbabalik at lalamlam ang love life. Pero mahahawi din ang lahat ng ito, huwag lang palalain ang away. Lucky numbers: 11, 33, 39 at 44.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Ang mga alitan ay makakapekto sa pagsasama. Piliting ayusin ang hindi pinagkakasunduan. Kung single, matapang ka ngayong ilabas ang saloobin. Sa may mga anak, masaya ang pamilya ngayon dahil buo ang atensyon ng mag-asawa sa isa’t isa at maging sa mga anak. Hindi mo napapansin ang iyong pagkakamali, para kang mata na nakikita ang lahat pero hindi ang sarili! Lucky numbers: 10, 14, 28 at 31.

CALL US!


ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Magbubunga ang iyong kasipagan. Sa kabila ng kasiyahan, posibleng magkamali ka sa pagkilatis sa tao at sitwasyon; mag-ingat. Mag-ingat din sa sakit sa puso, iwasan ang mapagod ng husto at pagmamadali,  maghinay-hinay sa ginagawa. Unti-unti ay may nakikita kang hindi magandang ugali sa karelasyon, kaya nagdududa ka kung talagang mahal ka nito. Lucky numbers: 9, 13, 24 at 34.



===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


















Don't Miss