Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Maagang nakalimot

28 April 2019



Ilang buwan pa lamang si Nora dito sa Hong Kong pero nahalata na agad ng kanyang hilaw na hipag na unti unti na siyang nagbabago.

Noong bago siyang dating ay napaka close nila ni Rosana dahil kapatid ito ng kanyang nobyo na dapat ay asawa na niya, dangan lang ay wala pa silang ipon.



Para makaahon sila sa hirap ay tinulungan ni Rosana si Nora na makapunta dito.

Pero laking pagsisisi ni Rosana dahil hindi pa nakakaisang taon si Nora sa Hong Kong ay nakipaghiwalay na ito sa kapatid niya.



Kung alam lang daw sana ni Rosana na gagamitin lang siya ni Nora para makapag Hong Kong ay hindi na niya ito tinulungan.

Pagkatapos niya itong bihisan ay bigla na lang pala nitong iiwanan ang nagsakripisyong asawa.



Awang awa si Rosana sa kapatid na hiniwalayan ng mautak niyang hilaw na hipag na ayon sa balita ay nakahanap na ng bagong papa.

Si Nora ay tubong Cagayan Valley, 25 taong gulang at may isang anak, at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa New Territories.- Marites Palma
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Don't Miss