Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Iisang kuwarto

03 May 2019



Ganoon na lang ang pagkadismaya ni Janina nang malaman na sa iisang kuwarto lang sila matutulog ng kanyang mga amo.

CALL US NOW!

Sa double deck silang lahat natutulog -- si Janina sa itaas at ang mag-asawa ay sa ibaba.

May panahon din na nag-aaway ang mag-asawa at ang amo niyang babae ay nag-aalsa balutan kaya silang dalawa lang ng amo niyang lalaki ang natutulog sa kuwarto.

Call us!

Dahil bagong dating sa Hong Kong at marami pang utang na babayaran ay tiniis ni Janina ang kakatwang sitwasyon nilang tatlo.

May mga pagkakataon ding nag-aaway ng matindi ang mag-asawa at ang pagtatalo nila ay umaabot ng madaling araw kaya wala ding tulog ang pobreng katulong.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Ayon kay Janina, kinuha siya dahil buntis ang amo niyang babae ngunit bago pa siya dumating ay nakunan ito.

Kahit walang anak ang dalawa ay hirap pa rin sa trabaho si Janina dahil kailangan niyang magising ng alas singko ng umaga para magluto ng almusal at ipaghanda ng baon ang among lalaki.

Call now!

Sobrang tipid din ng mga amo sa pagkain at ang binibigay na almusal kay Janina ay kaunting siomai o isang pirasong tinapay sa almusal, at tuwing tanghalian ay kape at isang patatas o itlog, at sa gabi naman ay tira tira noong nakaraan na araw.

Sa pangatlong buwan ni Janina ay pinilit niyang mag-ipon bilang paghahanda sa balak na pag-alis sa trabaho.

Call us now!

Sinabi niya sa kanyang pamilya ang kanyang sitwasyon at inireklamo at pina-watch list ang kanyang mga amo dahil sa kanyang kundisyon sa pagtulog at kakulangan sa pagkain.

Pagkalipas ng limang buwan at may sapat na siyang ipon ay naghanap ng bagong amo si Janina, at saka nagbigay ng isang buwang pasabi sa mga amo.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Hindi sya pinayagan ng mga ito ngunit hindi na mapigilan si Janina.

Sobrang tuwa niya dahil hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng bagong amo na mabait at binayaran pang lahat ang mga gastusin niya sa paglipat niya ng trabaho.

CALL US

















Higit sa lahat, may sarili na siyang kuwarto ngayon.

Si Janina ay 35 taong gulang, may asawat anak at tubong Bulacan.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Mid-levels. — Rodelia Villar

===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
Call us now!

CALL US!

Call us!

Call us!

Call us now!

Don't Miss