Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Parangal kay Itay sa simbahan

17 June 2019

Image may contain: 11 people, people smiling, people standing
Ang mga tatay na pinarangalan
Isang sorpresang pagbati at pag-aalay ng munting regalo para sa mga tatay ang isinagawa sa RiverGrace International Evangelical Church sa United Christian College sa Shek Kip Mei noong Linggo, Jun 16, tanda ng pagdiriwang ng Father’s Day. Napasaya ang ilang tatay mula sa iba-ibang lahi nang tawagin sila sa harap ni Pastor Cynthia Aufrance at alayan sila ng regalo na LED flashlight.
Image may contain: 3 people, people smiling, people standing
Tuwang-tuwa si George sa kanyang munting regalo

Kabilang sa mga pinarangalan si George Manalansan, isang Pilipinong driver na nandoon para tumulong makipag-usap para sa napipintong pagbibigay ng outreach financial literacy ng kanyang grupong Card HK Foundation.

Call us!

Para kay George, mas naging espesyal ang pagdiriwang dahil sa sermon ni Pastor AuFrance tungkol sa mga ama na may pamagat na “Making of a Man.” Dito ay tinalakay daw ng pastora ang tungkol sa pinanggalingan, pag-uugali, naging pag-aalinlangan, sampu ng mga tagumpay ng ilang mahahalagang lalaki sa Bibliya katulad nina Abraham, Peter, John, Job at Samsom.
Natapos ang pagdiriwang sa isang masaganang salo-salo sa tanghalian na inihanda ng mga Pilipinang miyembro ng simbahan.

Lubos na napahanga si George sa  nakitang samahan ng mga miyembro ng simbahan dahil lahat daw sila ay nagtulungan sa paghahain, pagliligpit at pati paghuhugas ng pinagkainan.

Call now!
“Parang tunay silang magkaka-pamilya doon,” ang sabi ni George.
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Don't Miss