Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Hulyo

12 July 2019


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Magaan ang pakiramdam at puno ka ng pag-asa ngayon, kaya hindi  mo iindahin ang mga problema. Mag-ingat sa labis na pagtitiwala dahil hindi mo na napapansin ang tunay na pagkatao ng mga kakilala. Huwag palalain ang sitwasyon sa pamilya ng dahil sa labis mong pagtatampo. Lucky numbers: 16, 19, 31 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Maswerte ka ngayon dahil magtatagumpay ka sa mga gagawin mo. Hindi maiiwasan ang pagtatalo kung lagi mong inuuna ang trabaho kaysa pamilya o karelasyon. Mag-ingat na magka-problema sa pananalapi ng dahil sa mga maling desisyon. Doblehin ang pag-iingat sa pinapasukang transaksyon. Lucky numbers: 12, 13, 27 at 39.


CALL NOW!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Dadami ang mga kakilala mo na maaaring maging interesado rin sa iyong proyekto o mga ideya. Magiging maayos ang pagsasama ninyo ng kapartner o ng isang taong makikilala pa lang. Kailangan mong magtipid ng husto upang maiwasan ang malaking problema.  Lucky numbers:  11, 26, 28, at 41.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Gawing regular ang pang-araw araw na gawain at iwasan ang mga stimulants upang makatulog ng maayos. Mag-ingat sa mga inaalok sa iyo dahil baka hindi ito mapakinabangan sa bandang huli. Mas mainam na bigyan ng pansin ang iyong plano at sundin ito ng husto upang magtagumpay ka. Makakalipat ka ng bahay ng walang problema at makakatipid ka pa. Lucky numbers: 5, 17, 23 at 42.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Pagkakataon mo nang malampasan ang hadlang na nagpapahirap sa trabahong mo. Huwag hayaang maisahan ka ng mga kasamahan mo. Bababa ang resistensya mo dahil kulang ka sa ehersisyo. Malalambungan ng maitim na ulap ang emosyonal na kalagayan mo, pero makakaasa ka na sisikat din ang araw, at magiging masaya kang muli.  Lucky numbers: 7, 13, 22 at 44.

CALL US!

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Sigurado ka sa gusto mong mangyari at gagawin mo ang lahat para matupad ito. Pakinggan ang puso, ito ang mahusay na paraan upang malaman na tama ang magiging desisyon mo. Dahil masipag at praktikal ka, madali kang makakahanap ng solusyon sa mga problema. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho at responsibilidad, bigyan ng prayoridad ang pamilya, at hindi mo pagsisisihan ito.  Lucky numbers: 9, 25, 31 at 43.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Malinaw at matalas ang pag-iisip mo ngayon kaya maganda ang resulta sa mga pakikipag-usap mo. Matutupad din ang matagal nang inaasam ng dahil sa iyong tiyaga. Magagamit mo ang intuisyon mo sa iba pang mga bagay. Masusubukan ang tibay ng pag-ibig sa mga pinagdadaanan ngayon kung kailangang lumayo o pansamantalang iwan ang pamilya. Lucky numbers: 12, 33, 40 at 45.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Posibleng makaranas ng love at first sight na magdudulot ng saya bagamat walang pag-asa na tumagal ito. Sandali mong kakalimutan ang pananahimik dahil mas magiging matapang ka ngayon kaya marami kang magagawa. Mababawasan ang init ng samahan ng pagkakaibigan dahil masyado kang prangka. Mag-ingat sa pananalita mo at subukang magpakita ng diplomasya. Lucky numbers: 22, 29, 33 at 40.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Kailangan ang importanteng desisyon tungkol sa trabaho at ambisyon mo. Mas magiging aktibo ang social life mo na nakakatulong na mapalawak ang kaalaman mo at pang-unawa sa maraming bagay, at magkakaroon ka ng mas magandang personalidad. Bitawan na ang isang bagay na hindi maganda ang resulta gaya ng inaasahan mo. Lucky numbers: 7, 9, 11 at 43.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Kalat ang isip mo at madaling maiba ang atensyon mo sa dapat mong gawin. Piliting mag-focus sa trabaho. Iwasang basta maglabas ng pera lalo na kung para sa mga kaibigan dahil baka hindi na mabawi ito. Magkakaroon din ng tensiyon sa pagsasama dahil sa paiba-iba mong desisyon. May kaibigan kang magkakalat ng tsismis, malalampasan mo rin ito pero iwasan mo na ang kaibigang traydor. Lucky numbers: 13, 19, 20 at 36.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Kailangang kontrolin ang sobrang pagkain dahil maapektuhan ang kalusugan mo. Iwasang magkuwento sa kung sinu-sino dahil madaling kakalat ang tsismis at ikaw ang mapapasama ng husto. Magiging maayos ang pagsasama kung mag-iingat ka sa pananalita. Magpapakita ka ng simpatiya at kabaitan sa mga makakasalamuha mo. Kontrolin ang pabigla-biglang kilos at paggastos. Lucky numbers: 17, 21, 32 at 47.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maganda ang pasok ng linggong ito para sa iyong love life, pero magkaka-problema ka sa pera. Kumunsulta sa abogado tungkol sa usaping legal at huwag tangkaing ayusin ito ng mag-isa dahil baka mas lumala ang problema. Iwasang gumawa ng desisyon, lalo na kung mahirap itong mabawi. Makakaranas ng nerbiyos at pag-aalala. Lucky numbers: 15, 16, 29 at 37.


===
      I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL NOW!

Don't Miss