Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Kapalaran mo sa Setyembre

03 September 2019


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Maganda ang resulta ng pinaghirapan at pinagbuhusan ng panahon sa trabaho. Huwag maging bayolente kapag naubusan ng pasensiya sa mga anak; maghintay na maging kalmado muna ang lahat. Matahimik at malayo sa selos at away ang relasyon ngayon. Magpatingin agad kapag nakakaramdam ng pagbabago sa presyon ng dugo.  Lucky numbers: 6, 13, 24 at 39.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Makakasiguro ka ng tagumpay sa lahat ng gagawin mo kung mag-iingat ka sa hindi makontrol na imahinasyon. Bigyan ng prayoridad ang love life upang malasap ang sarap ng may kasama dahil kung hindi ay baka mauwi ito sa hiwalayan. Makakaranas ka ng labis na stress na makakaapekto sa iyong katatagan ng loob. Maganda ang kalagayang pinansyal. Matutong mamili ng tama na magiging susi sa iyong tagumpay. Lucky numbers: 19, 20, 25 at 42.

Call us now!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Makakaranas ng tension at nerbiyos. May mga pagtatalo sa mag-asawa tungkol sa pera. May bago kang makikilala na maaring magbukas ng bagong pagkakataon sa iyo. Masusubukan mo ang katapatan ng isa sa mga kaibigan mo. Maganda ang takbo ng trabaho mo at mapapangalagaan ng maayos ang iyong ari-arian, pero mag-ingat sa payo ng isa mong kamag-anak. Lucky numbers:  17, 23, 35 at 38. 

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Sa trabaho, hindi inaasahang swerte ang pwedeng mangyari; panatilihing bukas ang mga mata at tenga. Mag-ingat sa sobrang pagod sa trabaho. Iwasang maging mapaghanap at mahigpit sa mga kaibigan. Kung babawasan mo ang pagmamalaki, babalik ang magandang samahan sa pamilya at makakaasa ka ng suporta sa mga kamag-anak. Harapin ang mga isinantabing problema lalo na kung tungkol sa pera, lalo na ngayong medyo mahina na ang kita. Lucky numbers: 5, 11, 17 at 34.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Protektado ka ngayon, at walang seryosong bagay ang magpapahina ng loob mo. Piliting maging maingat sa pakikipag-usap sa asawa o kapartner upang makaiwas sa malaking away. May posibilidad na tumaas ang cholesterol level, magpa-blood test at bawasan ang pagkain ng karne at mamantikang pagkain. Makakaasa ka ng suporta sa kaibigan upang matapos mo ng maayos ang isang bagay na mahalaga sa iyo. Lucky numbers: 21, 30, 33 at 44.

Call us!

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Magagamit mo ng husto ang pagiging malikhain mo. Isang kasamahan ang magtatangkang gawan ka ng hindi magandang biro. Ang matagal nang problema sa pamilya ay malulutas na, at ikatutuwa ng lahat. Mag-ingat sa kilos at salita upang hindi ka magkamali at nang mapanatili ang katiwasayan sa trabaho. Makihalubilo sa mga mas bata sa iyo at huwag pansinin ang sumpong ng ibang kasamahan. Lucky numbers: 9, 12, 19 at 29.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Iwasang galawin ang pera ng pamilya para lang masunod ang luho, kundi ay malaking gulo ang haharapin mo. Kailangang tuparin ang ipinangako mo kahit mahirap, dahil nakasalalay dito ang kredibilidad mo. Igalang ang mga nakakatanda. Kung hindi mapigilan ang pagtaba, subukang magpa- therapy. Magiging maalab ang love life, at mas magiging mas malapit kayo ng karelasyon. Lucky numbers: 6, 13, 28 at 37.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Ibayong sigla, preskong pakiramdam at mataas na enerhiya ang mararanasan ngayon. Sa love life, pakawalan ang sarili mula sa nakaraan para maging masaya ka na sa relasyon mo ngayon. Mag-ingat sa mga sekta ng relihiyon na hihingi ng pabor sa iyo. Walang silbi na mainis pa sa dating nangyari, dagdagan ang pasensya at maayos din ang lahat. Mae-enjoy mo ng husto ang social life. Lucky numbers: 6, 15, 27 at 42.

Call us!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Huwag maniwalang biktima ka ng kamalasan dahil mas di hamak na maganda ang kalagayan mo kesa sa iba. Bigyan ng konsuwelo ang pamilya, imbitahin ang magulang o mga biyenan na lumabas, at dagdagan ang oras sa mga anak. Iwasang mamili kung uutangin ito dahil baka ka lalong mabaon. Hirap kang makipag-usap sa mga kaibigan kaya minsan ay nagdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan. Lucky numbers: 11, 19, 26 at 39.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Makakapag-isip ka ng malalim kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay, na maaaring maging sanhi na lalo kang kainisan ng malalapit sa iyo. Ayusin ang hidwaan sa maayos na pakikipag-usap at walang karahasan. Sa trabaho, mas mainam na manahimik lang muna. Malakas ang pang-akit mo at hirap kang umiwas sa tukso, pero kung may asawa, mahihirapan itong mapatawad ka.  Lucky numbers: 18, 25, 32 at 40.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Nahihirapan ka pag walang ginagawa kaya abalahin ang sarili at humanap ng bagay o gawain na pagkakalibangan. Kung hirap kang magbawas ng timbang, kumunsulta sa doctor o dietician. Ihinto ang paninigarilyo. Maisasakatuparan ang ambisyon mo at magagawa ang ilang proyekto kaya huwag mag-alinlangang makipagsapalaran. Lucky numbers: 9, 16, 23 at 43.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Makakahanap ka ng mga bagong kaibigan dahil sa iyong kabutihan. Magiging masaya ang love life mo. Tamang panahon na para sa magandang transaksyong pinansyal. Sa pamilya, mapipilitan kang sundin ang sinasabi ng kamag-anak, pero subukang makipag-areglo. Mas magiging maingat ka sa iyong kalusugan. Lucky numbers: 7, 14, 28 at 37.

Don't Miss