Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Matalas ang dila

16 December 2019



Magkahalong galit at awa sa sarili ang naramdaman ni Tessa nang sabihan sya ng kanyang among babae ng ”stupid,  no common sense” at may pahabol pa na “shut up” at “f—k”, nang tinangka niyang mangatwiran minsan siyang pagalitan.

Inutusan kasi siya ng kanyang amo na linisin muna ang washing machine bago labhan ang damit ng mga bata, na sinunod naman niya.

Pero pagkatapos labhan ang damit ng mga alaga ay isinalang naman niya ang kanyang mga maruming damit.

Call us!

Pag-uwi ng kanyang amo ay agad siyang tinanong kung nilinis niya ang washing machine bago nilabhan ang mga damit ng mga bata,  at sumagot siya ng “Yes, ma’am”.

Subalit hindi nakontento sa kanyang sagot ang amo at kumuha pa ng tisyu para punasin ang loob ng washing machine.

Nang makita nito na nadumihan ang tisyu ay minura niya nang husto si Tessie,

Call us now!

Hindi na nakatiis si Tessa at ipinagtanggol ang sarili ngunit minura siyang muli ng kanyang amo.

Lagi silang nagtatalo ng kanyang among babae dahil tila wala na daw siyang ginawang tama.

Galante sana kung magregalo ang amo nguni’t kung murahin naman siya nito ay tila walang siyang dignidad.

Call now!

Sa kabila nito ay pilit pa ring tinitiis ni Tessa ang paninilbihan niya sa amo, at sa katunayan ay pumirma siya ng panibagong kontrata dito.

Katwiran naman niya, titiisin na lang muna niya ang pang-aaping ginagawa sa kanya habang hindi pa siya nakakaipon.

Gusto daw kasi niyang mapatapos ang kanilang pinapagawang bahay para makauwi na at makapiling ang mga anak. Si Tessa ay may tatlong anak at hiwalay sa asawa. Siya ay tubong Passi, Iloilo. – Emz Frial
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

CALL US NOW!
Call now!
Call us!

Call us now!
Call us!
CALL US NOW!
Call us!
CALL US NOW!
Call now!
Don't Miss