Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Trabaho Negosyo Kabuhayan 2020

22 October 2020

 

Inaanyayahan ng DTI (Department of Trade and Industry) Hong Kong ang lahat na mga Pilipino na makibahagi sa Trabaho Negosyo Kabuhayan 2020 Series 1 webinar na pinamagatang “Bangko Sentral ng Pilipinas: Presentation About the Personal Equity and Retirement Account (PERA).”

Alamin sa webinar na isasagawa ngayong Linggo, Oct 25, mula 2pm, kung ano ang PERA at ang mga benepisyo nito. Ang mga interesado ay maari lamang na magrehistro sa: https://forms.gle/Hx6T64ZEwnUzj61y5.

Pagkatapos magrehistro ay maghintay lamang ng zoom link na ipapadala sa e-mail address ng bawat nagrehistro.

Ang PERA webinar ay handog ng DTI HK, sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

 


Don't Miss