Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pinay, umaming ninakawan ang amo para may pambayad sa utang

16 June 2022

Ginawa ang paglilitis sa Eastern Courts

Pinatawan ng dalawang buwang pagkabilanggo ang isang Pilipina na umamin sa pagnanakaw ng anim na singsing ng employer dahil nabaon ito diumano sa utang nang ipagawa ang bahay ng kanyang ina.

Ito ang paliwanag ng abugado ni D. Pangilinan, 41, isang domestic helper, matapos nitong aminin sa Eastern Court kahapon ang pagnanakaw na naganap sa bahay ng amo sa Mid-Levels.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa pulis, ang pagnanakaw ay nangyari sa pagitan ng Nov. 27, 2021, at June 9, 2022. 

Napansin daw ng among Intsik na nawala sa kanyang silid-tulugan ang isang singsing na may 4-carat na diamond, isang singsing na may crystal, dalawang singsing na may berdeng jade, isang singsing na may perlas, at isang singsing na may palamuting diamond na hugis paru-paro. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang kabuuang halaga ng mga singsing ay $79,000.

Tumawag ng pulis ang amo noong June 13, at nakita sa mga gamit ni Pangilinan ang mga resibo ng ilang pawnshop na pinagsanglaan ng mga singsing.

Hiningi ng abugado kay Principal Magistrate Ada Yim na bigyan ng mas magaang na parusa si Pangilinan dahil napilitan lang daw siyang magnakaw upang makabayad sa mga utang na kinuha niya nang ipagawa ang bahay ng kanyang ina, at nagsisisi na siya.

Dahil agad siyang umamin, nabawi ang lahat ng mga singsing sa mga pinagsanglaan niya, kaya ang tunay na nawala sa amo ay mas maliit kaysa sa $79,000 na halaga ng mga singsing, dagdag ng abugado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maliban sa kasong ito ay malinis ang record ni Pangilinan simula nang dumating siya sa Hong Kong noong 2017 upang magtrabaho bilang DH sa una niyang amo.

Nagsimula ang hukom sa parusang tatlong buwan, na binawasan niya ng isang ikatlo (1/3), kaya ang naiwan ay dalawang buwang pagkakakulong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss