Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

2 Pilipina, itinali ng 3 magnanakaw kasama ng employer

02 October 2022

ng The SUN

 

Napapaligiran ng mataas na bakod ang ninakawang bahay sa 4 Essex Crescent Road

Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng mga pulis ang apat na lalaki na nanloob sa isang bahay sa Kowloon Tong at itinali ang dalawang Pilipinang domestic helper at kanilang lalaking amo bago tumakas, dala ang cash na RMB1 million.

Kinilala ng mga pulis ang may-ari ng bahay sa No 4 Essex Crescent Road, Kowloon Tong, bilang “Fung,” 44 na taong gulang. Ang kanyang dalawang domestic helper na parehong Pilipina ay edad 26 at 29.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon pa sa mga pulis, nakatakas ang mga nanloob na apat na lalaki na naka hood,  gwantes, at itim na t-shirt na pawang nasa 1.8 metro ang taas, at kasalukuyan pa ring pinaghahanap.

Wala ni isang nasaktan sa tatlo katao na itinali nila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Batay sa report ng pulis, tumawag sa kanila ang biktima bandang 1:02 ng umaga ng Sabado, at sinabing pinasok sila ng tatlong magnanakaw at tinangay ang tatlong safe sa bahay na may lamang RMB1 million at mga alahas.

Tumakas ang tatlo sakay ng isang kotse.

Ayon naman sa ibang balita, habang patakas ang mga magnanakaw ay nagawang tanggalin ng isa sa mga Pilipina ang kanyang tali, at sinubukan pang habulin ang tatlong lalaki, nguni’t bigla silang sumakay sa kotse at umalis sa direksyon ng Waterloo Road.

Sumunod na tinanggal ng Pilipina ang mga tali ng kanyang amo at kapwa domestic helper. Noon na nagawang tumawag sa pulis ni Fung.

Press for details

Ayon pa sa kwento, kasalukuyang nasa sala pa ng bahay si Fung at isang Pilipina samantalang nasa kuwarto na ang pangalawang Pilipina at natutulog nang bigla silang pasukin ng mga magnanakaw.

Nang dumating ang mga pulis sa bahay ay nakita nila ang isang lalagyan ng kutsilyo na ginamit ng mga magnanakaw. Tiningnan din nila ang mga CCTV sa lugar para sa pagkilanlan ng mga suspek.

Bumalik muli ang mga pulis bandang alas 9 ng umaga para mag imbestiga sa bahay at sa mga katabing lugar.

BASAHIN ANG DETALYE

Nilista ng mga pulis ang kaso bilang “burglary” o panloloob na may gamit na pwersa.

Samantala, ayon sa isa pang balita, bandang 5 ng umaga ay may nagtangka din daw pumasok sa isang kalapit na bahay sa No 2, Rutland Quadrant, pero nabigo. Ang tatlong magnanakaw ay nakatalon na sa pader ng bahay nguni’t nabigong pasukin ito.

CALL US!

Don't Miss