Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Bahay sa Peak ng mga amo ng Pinay, ninakawan ng $3m

02 January 2023

The SUN

Ang ninakawang bahay ay nasa 7 Peel Rise Road sa Peak

Ganoon na lang ang takot ni Nhelmz C. nang paggising niya sa unang araw ng bagong taon ay nakita niyang bukas ang lahat ng mga bintana sa bahay ng amo niya na nasa No 7 Peel Rise Road sa The Peak, at ang kaha de yero ay bukas at wala ng laman.

“Bakit New Year pa talaga nangyari,” sabi niya sa isang Facebook post ilang oras matapos ang insidente.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BUY NOW PRESS HERE

Kasalukuyang nasa Thailand ang mga amo niya noon, pero agad na naghandang umuwi nang malaman ang nangyari.

Agad na tumawag si Nhelmz sa 999, at ipinaalam din sa pulis ang nangyari. Sa sumunod na imbestigasyon ay sinabi ng amo niya sa mga pulis na nasa $3 million na halaga ng mga ari-arian ang tinangay ng mga magnanakaw.

Ayon kay Nhelmz, wala siyang narinig na anumang ingay noong nagdaang gabi ng December 31 kaya ganoon na lang ang gulat niya nang paggising niya bandang 7am kinabukasan ay nakita niyang butas ang salaming bintana nila sa basement.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Ginamitan nila ng cutter ang glass window,” sabi niya. “Mabuti na lang hindi sila pumasok sa room ko,” dagdag niya

Wala daw CCTV sa kanilang bahay kaya walang nakitang anumang pagkakakilanlan ang mga pulis sa mga magnanakaw.

Ayon pa kay Nhelmz sadyang ang vault lang ng mga amo ang target ng mga magnanakaw. Nakuha nila itong kunin mula sa kuwarto ng mga amo sa pangalawang palapag, at dinala sa terrace kung saan ito nabuksan.

HOW TO AVAIL? PRESS HERE

PINDUTIN PARA SA DETALYE 

Ang mga ginamit ng mga salarin na pambukas sa vault ay naiwan pa raw sa sahig.

Sa bigat ng vault, malamang na tatlo katao ang nagtulong-tulong para maibaba ito mula sa itaas at mabuksan nang halos walang ingay.

Kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang mga pulis.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss