Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Showing posts with label Community News. Show all posts
Showing posts with label Community News. Show all posts

Aktibistang OFW, yumao matapos atakihin sa puso

Posted on 08 December 2022 No comments

Ng The SUN

 

Si Lilybeth ay aktibong miyembro ng Unifil-Migrante HK

Nagluluksa ang kilusang migrante sa Hong Kong dahil sa pagkamatay kahapon, Miyerkules, ng isa sa kanilang aktibong miyembro na si Lilibeth Perez Mulat sanhi ng atake sa puso.

Tamang tama lang na nakarating sa Hong Kong ang anak nitong si Princess bago idineklarang  wala ng buhay si Lilibeth na ilang araw na rin nakaratay nang walang malay sa Ruttonjee Hospital sa Wanchai.

Ayon kay Esther Bangcawayan ng Bethune House Migrant Women’s Refuge kung saan isang volunteer si Lilibeth ay nahilo lang daw ito habang naglalakad sa may  Wanchai Market noong Biyernes, Dec. 2, at agad na itinakbo sa ospital pero hindi na nagkamalay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Katatapos lang niyang maoperahan sa Pamela Youde Eastern Hospital sa Chai Wan para sa kanyang varicose veins at naka sick leave pa hanggang Dec 5 nang atakihin siya.

Base sa mismong post ni Lilibeth sa Facebook noong Nov. 30 ay tagumpay ang kanyang operasyon at nagpapagaling na lang siya.

Pero sa sulat ng doktor na tumingin sa kanya sa Ruttonjee ay kritikal na ang kundisyon nito dahil sa atake sa puso, at iminungkahi ang dagliang pagbisita ng kanyang pamilya para makita siya sa huling sandal.

“She has suffered from a cardiac arrest secondary to massive pulmonary embolism. Her condition is complicated with hypoxic ischemic encephalopathy, and she is in critical condition,” sabi ni Dr Anthony Yu.

“We suggest for her family members to visit her as soon as possible due to her grave prognosis.”

Agad namang naghanda sa kanyang pag-alis si Princess mula sa kanilang bahay sa Quezon nguni’t nabalam nang ilang araw dahil sinubukan munang nagpunta sa opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Maynila para humingi ng tulong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nabigo si Princess sa kanyang pakay dahil imbes tulungan agad ay sinabihan daw ito sa OWWA na sa Senado pumunta para mapabilis ang pag-asikaso sa kanyang hiling.

Agad namang sumulat si Bangcawayan sa OWWA sa Hong Kong para idaan sa kanila ang hiling ng pamilya ni Lilybeth at makiusap na rin na dalawin nila ang maysakit sa ospital “para malaman ang kanyang kundisyon at matulungan siya at kanyang pamilya.”

Pero ilang oras lang matapos ito ay nabalitaan nilang pumanaw na si Lilybeth, at si Princess ay nakarating sa Hong Kong para makita siya sa huling pagkakataon.

Paglalakad ang isa sa mga paboritong ginagawa ni Lilybeth sa araw ng pahinga

Agad na nagpahayag ng pagkalungkot ang mga grupong kaanib ng United Filipinos in Hong Kong, kung saan naging aktibong miyembro si Lilybeth.

Kamakailan lang ay umani ito ng papuri nang may sunduin itong isang migranteng na-terminate sa gitna ng bagyo, at hinatid ito sa Bethune House.

“Safe na si kabayan. Kahit bago walang makakapigil sa aking pagtulong,” sabi ni Lilybeth sa kanyang Facebook post, na nilakipan pa niya ng dalawang litrato ng kababayan na tinulungan niya.

Press for details

Ang kanyang kabaitan at determinasyon na ipaglaban ang mga karapatan ng kapwa migrante ay binigyang puri ng ilang mga kaibigan bilang pagtanaw sa kanyang naging buhay dito sa Hong Kong.

“Isa na namang kasama sa kilusang migrante ang naging bayani kanina,” sabi ni Eman Villanueva, chairperson ng Bayan Hong Kong at Macau, at secretary general ng Unifil.

“Si kasamang Beth ay nanindigan para sa kapakanan ng mga migrante at sambayanan. Naglaan ng kanyang panahon para paglingkuran ang kapwa-OFW," dagdag niya.

BASAHIN ANG DETALYE

“Igawad natin ang pinakamataas na pagpupugay kay kasamang Beth. Isang migranteng manggagawa, aktibistang pangkultura, naglingkod sa masang migrante hanggang sa kahulihulihan.”

Inalala naman ni Janette Carnay na “hindi madamot” sa pagtulong Lilybeth sa kanilang ka-miyembro sa Unifil, lalo na sa pagbabahagi ng kanyang husay sa pagsasayaw at pagtulong sa mga gawain ng grupo.

Inulila ni Lilybeth ang kanyang asawa at tatlong anak na babae.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Sali na sa buhul-buhol na istilo ng pag-guhit

Posted on 10 September 2022 No comments

 


Magkakaroon na ulit ang Guhit Kulay, isang grupo ng malikhaing OFW sa Hong Kong, ng workshop matapos ang dalawang taon ng pandemya.

Sa September 18 ay magbibigay ng workshop si Jacklyn Evangelista ng isang espesyal na istilo ng pagguhit, ang “scribble.” Ito ay ang mabilisang paggulit ng buhul-buhol na linya upang makagawa ng mukha ng tao.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE


Ayon kay Jacklyn, natutunan nya ang istilong ito dahil sa sitwasyon ng kanyang trabaho lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Laging nasa bahay ang mga amo at kulang ang oras nya sa pagguhit, kaya lagi syang nagmamadali.

Bilang isang ina at malayo sa pamilya ang pagguhit ang naging libangan niya upang maibsan ang kanyang lungkot at kahit pa tuwing araw ng pahinga niya ginagawa nynag produktibo sa pamamagitan ng pag-guhit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa taong 2022 ang “scribble” ang pangalawang workshop na ginawa ng Guhit Kulay.

Noong July 26, nagkaroon ng Basic Photography na itinuro ni Jhoan Estrera bago siya tuluyang umalis ng Hong Kong upang magtayo ng sariling negosyo na pagiging litratista ng mga kasal, binyag, at iba pang okasyon.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE


Ang “scribble workshop” ay gaganapin sa Bayanihan Center sa Kennedy Town sa Sept. 18, mula 10 nga umaga hanggang 12 ng tanghali.

Sa mga intresadong sumali mag WhatsApp lang sa numerong ito 59909724 -- Cris.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pinoy nabistong overstayer nang maaresto dahil sa away

Posted on 01 February 2022 No comments

 

West Kowloon Magistracy

Isang Pilipino ang nakulong matapos umamin sa West Kowloon Magistracy na nag-overstay siya sa Hong Kong nang mahigit dalawang taon.

Umamin si Jerome C. Yumul, 51, ng "Breach of condition of stay - overstay" sa harap ni Magistrate Colin Wong Sze-Cheung Noong Jan. 31 matapos basahan ng kaso na isinalin sa Tagalog ng isang interpreter.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa salaysay laban sa kanya, inaresto si Yumul noong Jan. 11 matapos masangkot sa isang away sa tabi ng Shek Kip Mei MTR Station. 

Sa Sham Shui Po police station kung saan siya dinala, itinawag ng pulis na nag-imbestiga sa kaso ang kanyang Hong Kong ID sa Immigraton Department at nalaman ditong ilegal na siyang naglalagi sa Hong Kong simula pa noong November 2019.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dumating si Yumul sa Hong Kong noong 2017 bilang domestic helper. Tatlong buwan lang ang itinagal niya sa employer nang materminate siya.

Nakakuha siya ng ilang visa extension mula sa sa Immigration Department dahil kinasuhan niya ang kanyang employer at dinidinig pa ito. Ang huli niyang extension ay noong Oct. 8, 2019.

CONTACT US!

Ayon sa salaysay, tumigil sa pagkuha ng visa extension si Yumul dahil nawala daw niya ang kanyang passport. Nang matapos ang huling visa na iginawad sa kanya ay naging ilegal na ang paglagi niya sa Hong Kong.

Ayon sa abugado ni Yumul, hindi daw nito naasikaso ang pagkuha ng visa para manatiling legal ang pagtigil nya sa Hong Kong dahil napaalis siya sa bahay na kanyang tinitirhan at nawala ang kanyang passport.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, napabayaan na rin niya ang kanyang kaso sa Labour Tribunal, na dahilan ng pagbibigay sa kanya ng visa extension.

Hiningi rin ng abugado na huwag nang ikulong si Yumul.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ayon sa hukom, hindi wasto na walang parusang kulong sa ganitong paglabag ng Immigration Ordinance, na nagtatakda ng parusang pagkakakulong ng hanggang dalawang taon at multang $50,000.

Ibinaba na lang ni Magistrate Wong ang parusa sa anim na linggo.

DONATE TO THE MISSION FOR MIGRANT WORKERS

Posted on 09 April 2021 No comments

To those who wish to respond to the Mission for Migrant Workers' urgent appeal for cash aid as it marks its 40th year of service to migrant domestic workers in Hong Kong, here is the link to their campaign: 

https://www.migrants.net/40-gala?fbclid=IwAR3Y-nmtLrPW-Vi_dVTKuXQ9ArHW-EhrKtFbR4urAdBGkH0jJHm7JGvkQEQ

You may also transfer money directly to their bank account using this QR Code:


Or to their TNG account using this QR Code:


For Smartone users, you can also transfer $5 directly to the Mission each time you text the word "DONATE" to their  linked telephone number:






Polo moves back to United Centre this Sunday

Posted on 11 September 2020 No comments

By The SUN

ConGen Tejada and Labatt Dizon cut the ribbon to open the new Polo office 

Filipino migrant workers with transactions at the Consulate and its attached labor office will be doing their business in just one building, the United Centre in Admiralty, once again starting this Sunday, Sept 13.

This is due to the relocation of the Philippine Overseas Labor Office to the 29th floor Office B of the same building where the Consulate owns and occupies the entire 14th floor.

Pindutin para sa detalye!

The new Polo premises were inaugurated yesterday afternoon, Sept 10 by Consul General Raly L. Tejada and Labor Attaché Melchor B. Dizon in a short ribbon-cutting and blessing ceremony attended by their officers and staff. Fr Jun Jacobe administered the religious rite.

ConGen Tejada welcomed Polo’s return to United Centre in a message on the Consulate’s Facebook page.

Pindutin para sa detalye

“This enables the PCG and its attached offices to continue delivering efficient services while providing greater convenience for all Filipinos living and working in the territory,” he said.

“This represents the Philippine government’s commitment to meet the increasing demand and expectations of the Filipino community which is now the largest ethnic minority in Hong Kong.”

Call us!

As of July 31 this year, there were nearly 210,000 Filipino domestic workers in Hong Kong, the main users of the two offices’ services.

Polo’s return to United Centre makes it convenient for workers to do business with both government agencies as they no longer have to walk several blocks to and from either office when processing their papers.

Consulate & Polo staff bow heads in prayer during the office blessing

Filipino workers immediately welcomed the move.

PRESS FOR MORE DETAILS

“Salamat naman po mga beloved Sirs and Madams. At least yong mga tulad naming tumatakas sa amo eh di na pahanap-hanap pa kung saan ba ito, saan ba yan. At least iisa na. Congrats po at mabuhay kayong lahat,” said Minda Capacap in her comment on Facebook.

POLO moved out of the United Centre offices it shared with the PCG and into the 11th and 16th floors of the Admiralty Centre Tower 1 on Mar 1, 2015.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

But after the building management there raised the rent, then Labor Attache Jalilo dela Torre decided to move the Polo offices to the 16 and 18th floors of Mass Mutual Tower, now YF Life Tower, on Lockhart Road in Wanchai.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

The SUN contributor and Filcom’s surrogate mom nominated for key award

Posted on 08 July 2020 No comments
By The SUN

Villar poses with a banner of her beloved DWC

They call her “Nanay,” the Tagalog word for mother, and today (July 7) the surrogate mom of tens of thousands of Filipino domestic helpers in Hong Kong who make up the online group, Domestic Workers Corner, was jubilant.

Rodelia Pedro Villar said she shed tears of joy when her friend’s employer shared her today’s article in Hong Kong’s leading English-language newspaper, the South China Morning Post, about her being nominated for the Spirit of Hong Kong Award.

The annual award co-organized by the SCMP and property developer Sino Group was meant to “recognize remarkable people whose accomplishments may go unnoticed”.



The feat was made even more remarkable by Villar becoming the first Filipino in Hong Kong to be nominated for the award.

It also came just weeks after she made it as a fellow of Resolve Foundation Hong Kong, a highly selective program that provides empowerment training to community leaders who come from various ethnic groups and fields.

“I was crying. I can’t describe how I felt, I was overwhelmed. All of a sudden, I realized that we have done so much in DWC,” Villar said in a telephone interview.
The SCMP article announcing Villar's nomination

She said she didn’t even realize the impact of what she and the group had been doing to help her fellow helpers because after one case was resolved, they’d move on to the next.

There is no respite to what DWC does, day in and day out, because of the many problems confronting Filipino domestic workers in Hong Kong.
Villar thanked the various groups that helped her find solutions to problems shared with her group by distressed migrants, including the Philippine Consulate and its attached agencies, as well as Hong Kong’s Equal Opportunities Commission.

DWC’s founder also extended gratitude for the support given her group by various non-government organizations like the Mission for Migrant Workers, Help for Domestic Helpers and PathFinders, which nominated her for the Spirit of HK award.

As well, she thanked The SUN, for which she had written about the plight of the countless migrant workers who had sought DWC’s  help, and had nominated her for the Resolve fellowship.


But Villar reserved her biggest “thank you” to all her fellow “admins” and members of the DWC, who have been very supportive of the group that started out only as a means to share cooking tips with newly arrived migrants in Hong Kong.

Over time, DWC’s “It’s All About Food” morphed into several sub-groups, including “DWC Help” which tackles hard issues faced by workers; “DWC Learning and Social Group” which provides tutorials on various subjects, including accessing the Consulate’s online sites; and the more personal “DWC Lovely Corner”.

Villar, who says she was too shy to be known by her real name when she started DWC, used the name "Lovely" to introduce herself to the group, and the name, along with “Nanay”, has stuck.
Villar, 42, and married, started DWC on Facebook in 2017 in her desire to connect instantly with her fellow Filipino domestic workers, especially newcomers who needed help adjusting to life in Hong Kong.

Coming from her native Antique province more than 17 years ago, Villar's own struggles coping with working and living in Hong Kong made her realize the importance of having a group where migrant workers could vent and ask for help, or even just sympathy.

In time, the mostly mothers who came to Hong Kong to earn a living scouring toilet bowls and putting up with insults, physical and sometimes sexual assaults from slave-driving employers, have found in DWC a refuge from their myriad of problems.

The helpers, homesick, burdened by their menial work, entangled in relationships they get into, menaced by debt, targeted by money launderers and mule-hunting drug cartels, have found a helping hand from fellow OFWs brought together by the group.
Members have become so at home with DWC that the page content has turned into a mix of everything, from work issues to personal hobbies and matters of the heart, such that urgent issues get buried under layers of other mundane cares that members brought up.

For a domestic helper who is on call 15 to 18 hours day, six days a week, keeping the network together is a mighty task, especially when pockets of revolt resulting from a clash in personalities, emerge.

Villar’s advocacy, however, is not confined to the Internet.
 
ConGen Tejada is all praises for Villar for her initiative in helping passport applicants
Two years ago, she led her group in volunteering their only free day in the week to helping various service and livelihood activities at the Philippine Overseas Labor Office, foremost of which was to help workers deal with the problematic registration for the overseas employment certificate.

Together with the then Labor Attache Jalilo dela Torre and various NGO leaders, Villar also helped organize outreach sorties to far-flung districts of Hong Kong. Apart from seminars on such topics as worker and gender rights and coping with depression, the team also provided free basic health services such as blood pressure an glucose testing, as part of Dela Torre’s HealthWise project.

Most recently, she offered to help buy self-stamped envelopes for Filipino migrant workers applying for new passports and do not have time during regular days to sneak out to the post office to secure them. Consul General Raly Tejada met up with Villar to personally thank her for her volunteer work. 

At any time of day or night, when she’s not busy doing house work, Villar takes calls or messages from distressed workers who were thrown out the house or tormented to their wits’ end by employers. She then coordinates their rescue, if needed, with fellow DWC admins and other groups that can be activated readily to help.

On the very rare occasions that she is free from these extracurricular cares, Villar could be seen with some of her “daughters” hiking Hong Kong trails, picnicking on some country park, or taking a dip in the sea.

It will be a big day for all of them says Villar, if she wins the highly coveted Spirit of HK Award.

(The award will be decided partially through online voting. Watch this space or the DWC Help Facebook page on how you can help Nanay Villar win the award).

Don't Miss