Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

John Lloyd at LJ, panalo sa 39th Gawad Urian

30 June 2016

Sa unang pagkakataon ay nanalo bilang best actor si John Lloyd Cruz sa Urian awards. Nangyari ito sa 39th Gawad Urian na ginanap noong June 21 sa Kia Theater sa Quezon City.
Nanalo si John Lloyd para sa pelikulang Honor Thy Father, at naging nominado rin sa para sa pelikulang A Second Chance.
Unang panalo rin sa Urian ni LJ Reyes nang makamit niya ang parangal bilang best actress para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan. Tinalo niya ang beteranong aktres na si Nora Aunor, na naging nominado para sa pelikulang “Taklub’.

Ang mga nanalo:
Best Picture: Taklub
Best Actor: John Lloyd Cruz (Honor Thy Father)
Best Actress: LJ Reyes (Anino sa Likod ng Buwan)
Best Director: Jerrold Tarog (Heneral Luna)
Best Supporting Actor: Bernardo Bernardo (Imbisibol)
Best Supporting Actress: Ana Abad Santos (Apocalypse Child)
Best Editing : Jerrold Tarog (Heneral Luna)
Best Music: Jake Abella ("ARI: My Life with a King")                                                 Best Sound: Mikko Quizon ("Heneral Luna")                                                                Best Production Design: Ben Payumo ("Water Lemon")                                                     Best Screenplay: Robby Tantingco ("Ari: My Life with a King")                                      Best Cinematography: Pong Ignacio ("Heneral Luna")                                                  Best Short Film: "Wawa"                                                                                                            Best Documentary Film: "The Crescent Rising"                                                        Natatanging Gawad Urian award: Romy Vitug
Ang mga naging hosts ng programa ay sina Iza Calzado, Zoren Legaspi at Butch Francisco.
Sa panayam kay LJ pagkatapos ng programa, sinabi niyang huli na niyang daring role ang “Anino sa Likod ng Buwan. Lumalaki na raw kasi ang kanyang anak na si Aki (anak niya sa dating boyfriend na si Paulo Avelino) at marami nang mga tanong. Ang isa rin sa ibinigay niyang dahilan ay nagpabinyag na raw siya bilang Christian noong nakaraang taon, kaya pipiliin na daw niya ang kanyang mga projects. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi na siya gagawa ng projects na susubok sa kanyang kakayahan bilang aktor.
Malapit na muling mapanood si LJ sa bagong TV series na ginagawa niya sa GMA Network. Sana nga ay mabigyan siya ng magandang project ng kanyang home studio dahil tila napag-iwanan na siya ng ibang mga baguhang Kapuso actors, dahil madalang na siyang mapanood sa TV, at kontrabida o suporta lang ang kanyang papel. Mabuti na lang at nauso ang mga indie films, kaya naipapakita pa rin niya ang kanyang husay sa pag-arte.                                
Kasamang dumalo ni LJ sa Urian awards ang boyfriend niya ngayong si Paolo Contis.

SUNSHINE, HINDI PAYAG SA ANNULMENT
Palaban si Sunshine Dizon sa paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Timothy Tan. Dinaan niya sa social media ang galit niya sa asawa at kinakasama daw nito ngayon, na ayon kay Sunshine ay itinira pa sa itaas na palapag ng gusaling tinitirhan ngayon ni Sunshine at dalawang nilang anak.
Ang pahayag ni Sunshine: “You used to be my best friend, my partner in everything. We used to talk about everything and anything. Now I wake up from this dream and everything turned to nothing. It was all for nothing. It was all a lie.
“My nightmares began exactly June of last year. I’ve given you several chances, I swallowed everything for the sake of Doreen and Anton, I tried my best and gave my all. You have disregarded your responsibilities and turned into a monster, all the lies and deception. I have worked hard on my own to survive this family. You just sat there and did nothing. Did you really think I was that stupid? Did you really think I would just cry in one corner and do nothing? Too bad this stupid girl isn’t stupid after all. I will not make excuses for you nor lie. You have shamed your family, you have shamed your children. You will get what you deserve. If you really have balls face the consequences of your actions. You ruined two families. You ruined the lives of our children. For almost a year you had the audacity to live with that woman in the same building where your own children live. I have refused to give interviews out of respect for your family but instead you go ahead and do it on your own. There is no forgiveness for what you did. No annulment for you. I will seek justice. I will see you both in court.”

SARAH, HINDI RAW BUNTIS
Patuloy ang usap-usapan sa tunay na dahilan ng mahaba-habang pagbabakasyon ni Sarah Geronimo. Lately ay may mga commitments siyang hindi na nadaluhan, at nag-back out pa bilang isa sa mga coaches ng third edition ng The Voice Kids, kung saan ay pinalitan siya ni Sharon Cuneta. Ayon sa mga namamahala sa kanyang career, magbabakasyon ng ilang buwan si Sarah sa Amerika, dahil kailangan niyang magpahinga at ilang taon na rin siyang kumakayod ng husto.
Hindi maiaalis na mabahala ang kanyang mga fans sa tunay na kalagayan ni Sarah dahil iba-iba ang naglalabasang balita tungkol sa kanya, gaya ng buntis daw siya, na pinabulaanan naman ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli. Maging ang big boss ng Viva Entertainment, na nagma-manage sa kanya ay pabirong sinabi na “virgin” pa si Sarah, kaya siguradong hindi ito buntis. May nabanggit din na magpapagamot siya dahil sa isang karamdaman, pero hindi naman sinabi kung ano ang kanyang sakit. Wala naman daw dapat ikabahala dahil hindi malala ang kanyang karamdaman.
Si Judy Ann Santos, na isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Sarah ay natatawa na lang sa tsismis na buntis ito. Napagdaanan na daw niya na mapabalitang buntis ng kung ilang beses, kahit hindi naman totoo. “Unfair naman dun sa bata na hinusgahan agad siya na ganun. Hindi ba puwedeng sabihin muna na gusto lang niyang mag-break, gusto lang niyang magpahinga? Hindi naman lahat ng tao puwedeng magtrabaho nang dire-diretso. Gusto niyang mag-enjoy, ibigay natin sa kanya. Ang tagal naman niyang nagtrabaho nang dire-diretso.”
 “Para sa akin, I trust Sarah. And whatever she wants to do in her life, she’s 27, okey na yun, puwede na yun.”, ang dagdag pa ni Judy Ann.
May mga napabalita noon na balak balikan ni Sarah ang pag-aaral. Sana ay ito na lang ang totoong dahilan kung bakit siya pansamantalang mamamaalam sa showbiz.


JODI AT JOLO, HIWALAY NA
Nag-guest kamakailan si Jodi Sta. Maria sa show ni Boy Abunda, at doon ay inamin niya na hiwalay na sila ni Jolo Revilla, pero nananatili raw silang magkaibigan. Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol dito.
Kinumpirma din ito ni Jolo, at sinabing mutual decision daw nila ito. Nag-uusap pa rin naman daw sila, pero sa ngayon ay nakatutok daw siya sa kanyang trabaho bilang bise gobernador ng Cavite.
Matagal nang usap-usapan ang pagbi-break ng dalawa, pero noong unang bahagi ng June ay nakita silang magkasama sa isang bagong bukas na coffee shop, kaya ang akala daw mga nakakakilala sa kanila ay nagkabalikan silang muli. Ayon naman sa showbiz writer na si Lolit Solis, matagal nang away-bati ang dalawa sa loob ng apat na taon nilang relasyon. Nang “aksidenteng” nabaril ni Jolo ang sarili noong February 2015, ang naging haka-haka ng marami ay problema sa love life ang pinagdaanan nito.
Si Jodi ay nagpakasal noong 2005 kay Panfilo “Pampi” Lacson, Jr. (anak ni Sen Lacson) pero naghiwalay sila noong 2011. Sila ay may isang anak, si Thirdy, 10. Si Pampi ay may anak na sa karelasyon nito ngayong si Iwa Moto. Balitang hindi pa annulled ang kasal nila ni Jodi, kaya hindi pa sila pwedeng magpakasal ulit sa iba.
Si Jolo ay may anak din sa dati nitong girlfriend na anak ni Rosanna Roces.
Dahil isang mahusay na aktres ay hindi nawawalan ng projects bilang Kapamilya si Jodi. Naging top rated ang TV series niyang Be Careful with My Heart na pinagtambalan nila ni Richard Yap, (2012 – 2014) at sinundan ng isa pang hit na “Pangako Sa ‘Yo”, na naglunsad naman sa loveteam nila ni Ian Veneracion.
Bukod sa TV shows, nakagawa rin siya ng mga pelikula (All You Need is Pag-Ibig at Maria Leonora Teresa) noong nakaraang taon.
Ngayon ay ipapalabas na rin ang bago niyang pelikulang “The Achy Breaky Hearts”, katambal ang dati niyang mga leading men na sina Richard at Ian. Bagama’t marami ang kinikilig sa dalawang aktor, parehong happily married ang mga ito,

Don't Miss