Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Covers Sept. 1-15

07 September 2016


DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Kung sadyang kailangan, hindi masamang humingi ng payo sa malalapit na kaibigan. Maayos at tuloy-tuloy ang pag-angat sa trabaho pero kailangang mag-ingat para hindi masingitan. Maaring magkaroon ng iringan sa malapit na kamag-anak dahil sa pera. Turuan ang sarili na muling magtiwala ngunit dapat laging paghandaan ang mga hindi inaasahang problema.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Sunod-sunod ang paghingi ng tulong ng mga kaibigan at kamag-anak pero siguraduhin na may maitabi para sa sarili. Maaring makasalamuha sa mga pagtitipon ang taong mapupusuan kaya maging bukas ang isip para sa mga pambihirang pagkakataon. Ingatan ang kalusugan at huwag isubsob ang sarili sa trabaho. Maglaan ng sapat sa oras para sa pahinga at pagtulog.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Malakas ang puwersang nag-uudyok para makamit ang pangarap sa buhay. Iwasang bumili o gumastos para sa mga walang kabuluhang bagay dahil may darating na malaking problema sa pera. Sa kabila ng naararanasang problema sa pag-ibig, huwag mag-alala dahil maaayos din ang lahat ayon sa iyong kagustuhan.  Tuloy-tuloy ang mararanasang pag-asenso pero kasabay nito ang pagdami ng maiinggit sa iyo. Huwag silang pansinin.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Sa lahat ng panahon ay maaasahan ang katapatan ng mga kaibigan. Pag-aralan nang husto ang problema bago sumabak sa importanteng desisyon para hindi magsisi sa bandang huli. Mararating ang tuktok ng tagumpay at maaring makamit ang inaasam na promotion sa trabaho. Kasabay naman nito ang problema sa relasyon ng mag-asawa. Mahing mahinahon. Magtipid ng husto.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Maraming tao ang kontra sa iyong mga plano pero hindi ito hadlang para ipagpatuloy ang nasimulan. Sa pamamagitan ng sipag at tibay ng loob, makakamit ang tagumpay at tatanggap ng maraming papuri. May darating na tulong mula sa kaibigan at kamag-anak sa oras ng pangangailangan. Pairalin ang tiwala sa bawat isa kahit nasa malayo ang minamahal para tiyak na laging matatag ang relasyon.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Malaking pagbabago ang maaring mangyari dala ng magandang takbo ng negosyo. Ang mag-asawa ay kailangang maglaan ng panahon sa isat-isa para mapag-usapan maigi ang mga plano sa buhay at nang sa sayon ay maging malinaw ang patutunguhan ng relasyon. Kung kailangang gumawa ng agarang desisyon, pag-aralan muna itong mabuti upang hindi mapahamak. Matinding pananakit ng ulo ang mararanasan kaya iwasan ang mataong lugar o magulong paligid.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Lalo pang lalawak ang saklaw ng koneksyon kaya asahan na marami ang mabubuksang pagkakataon. Dadami din ang bilang ng iyong mga kaibigan at kakilala. Huwag ibuhos ng buong-buo ang puso sa ginagawa upang mas madali ang kumalas kung kinakailangan. Kakainin ng konsensya ang isipan pero malaking tulong kung pakikinggan ang tibok ng puso. May matinding tensyon sa pagitan ng magkaibigan.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Maaring manumbalik ang romantikong nararamdaman dahil sa alaala ng nakaraan. Huwag sariwain ang naudlot na pag-ibig para hindi na muling masawi. May nagbabadyang kaguluhan sa pagitan ng mga kasamahan sa trabaho. Malaking pera ang kailangan kaya magtipid ng husto para mapilitang mangutang.  Magbigay ng bukal sa loob at huwag umasa na may matatanggap na kapalit.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Angkop ang panahon para gumawa ng desisyon base sa intuwisyon at sentido kumon. Panatilihing masaya ang disposisyon sa kabila ng mga problemang nararanasan. Sa mga mag-asawa, punan ng pang-unawa ang nakikitang pagkukulang ng bawat isa. Asikasuhing mabuti ang pangangailangan ng mga anak.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Apektado ang pisikal na kalusugan dahil sa suliranin ng pamilya. Pagtuunan ng pansin at sapat na panahon ang paglutas ng mga problemang bumabagabag sa iyong isipan. Maganda ang takbo ng buhay pag-ibig dahil sa pagdating ng masayang balita. Doblehin ang pag-iingat sa kalusugan . May malaking problema sa loob ng tahanan kaya magpamalas ng tatag dahil nasa iyo ang lakas ng buong pamilya.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maaring magkakaroon ng problema lalo na kung hindi mag-seseryoso sa buhay. Panatilihin ang depensa sa sarili sa loob ng trabaho dahil sa bawat matamong tagumpay ay nadadagdagan din ang bilang ng mga kaaway. Walang problema sa kalusugan pero huwag magpabaya para manatiling masigla ang isip at katawan. Matiwasay ang sitwasyon sa loob ng tahanan.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Huwag pilitin na magkaroon ng katuparan ang mga pangarap dahil panahon lang ang maaring magpasya. Unti-unti nang naghihilom ang sugat na dulot ng matinding pagkabigo. Babalik na ang lakas mula sa hindi maipaliwanag na pananamlay kaya kailangan ibaon na sa limot ang masamang alaala. Huwag magpadala sa silakbo ng damdamin.
Don't Miss