Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Covers Oct. 16-31

17 October 2016


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
May magandang pagbabago sa pananalapi sa linggong ito dahil madadagdagan ang iyong kita. Kung may karelasyon, tamang panahon ito para sa seryosong usapan kung saan patutungo ang relasyon. Mahaharap ka sa importante at madaliang desisyon, mag-ingat at pag-isipan itong mabuti. Umiwas sa masikip, mausok at mataong lugar upang maiwasan ang pananakit ng ulo. Lucky numbers: 19, 21, 33 at 45.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93Gamitin ang common sense at intuisyon at hindi ka magkakamali ng desisyon ngayon. Piliting magkaroon ng positibong pananaw sa kabila ng mga problema. Ang malumanay na pananalita ay maaaring mag-ayos ng maraming bagay. Kulang ka sa inspirasyon at sigla ngayon, magpahinga muna at iwasan ang mga bagay na sagabal sa regular na pamumuhay. Lucky numbers: 7, 25, 33 at 40.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Walang dapat ikatakot sa paghingi ng payo sa matalik na kaibigan dahil matutulungan ka nila. Napapanahon ang pagsasaayos sa kalagayan sa trabaho, pero kailangang mag-ingat sa mga kasamahan. Pera ang dahilan ng magiging alitan sa mga kamag-anak; mag-ingat. Ibibigay mo ang lahat ng dahil sa pag-ibig pero kapag nagkaproblema, huwag sarilinin ito at huwag kaawaan ang sarili. Lucky numbers: 13, 18, 27 at 38.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Makakadama ng pagiging romantiko at pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Huwag nang buhayin pa ang patay nang love affair dahil muli ka lang masasaktan. Sa trabaho, iwasang makipag-away sa mga kasamahan. Upang hindi magkaproblema sa pera, kailangang magtipid ng husto. Muli ay may hihingi ng tulong sa iyo, huwag nang umasang mabayaran o tanawin itong utang na loob, pero hindi ito dahilan upang maglait ng tulong. Lucky numbers:12, 22, 35 at 37.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Nahihirapan kang makaipon, pero kailangan ito upang makaalpas sa problema. Sa tapang mong magsalita, matatameme ang sino mang kumausap sa iyo, kahit na maganda ang kanilang intensyon. Malaki ang tsansang makilala ang bagong partner na makakasundo mo. Alam mong kailangan mong kumayod ng husto upang umasenso, pero minsan ay maghinay-hinay rin sa trabaho upang hindi magkasakit. Lucky numbers: 18, 21, 25 at 43.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Mapapalawak mo pa ang iyong kaalaman at mas may oras kang makisalamuha sa mga bagong kakilala at kaibigan. Huwag dibdibin ang lahat ng bagay, kailangang dumistansya ng kaunti upang magkaroon ng mas malawak na pananaw. Mahaharap sa personal na problema na mahirap lutasin; pakinggan ang puso. Mahal mo ang iyong mga kaibigan, pero dahil sa isang mapanira, kailangang putulin ang relasyon dito upang hindi madamay ang iba. Lucky numbers: 8,16,28 at 37.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Madali kang makibagay kaya masasanay ka agad sa mga pagbabagong magaganap. Komportable ang pamumuhay ngayon pero magkakaroon ng problema tungkol sa mamanahin. Mas magiging malapit at maligaya ka sa love life ngayon. Iwasang mag-alala ng husto ng dahil sa konting problema sa kalusugan. Magpagamot at huwag gaanong alalahanin ang kalagayan dahil normal lang na magkasakit paminsan minsan. Lucky numbers: 12, 19, 39 at 45.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Mas mapapahalagahan mo ang pagiging prangka at tapat na mga kaibigan. Balikang muli ang mga nagawang desisyon na buong sigasig mong pinaglaban. Sa trabaho, nasa rurok ang pagkamalikhain mo ngayon kaya malaki ang tsansang makamit ang promotion na matagal mo nang inaasam. Magiging maingat ka sa paghawak ng pera ngayon; bilhin lang ang mga bagay na kailangan. Lucky numbers: 5, 13, 33 at 41.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Sa trabaho, mas magiging epektibo kung may mga kasama ka sa grupo kaysa kumilos kang mag-isa. Walang kahirap-hirap na mapapabilang ka sa isang eksklusiboMagkakaproblema ka kung hindi mo babaguhin ang ugaling ginagawang biro ang lahat ng bagay. Mag-ingat sa trabaho, habang mas umaangat ka, mas lalong dumadami ang naiinis sa iyo. Masigla ang katawan mo ngayon at masaya rin ang tahanan, pero mas mainam kung mas maipakita mo pa ang pagmamahal at pagiging mapagbigay mo. Huwag pigilan ang totoong nararamdaman mo. Lucky numbers: 14, 16, 19 at 27.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Panahon na upang makasulong sa buhay; magkakaroon ka ng dahilan upang kumilos, at maniwala sa kaya mo pang gawin. Maeengganyo kang mamili ng mga bagay, mag-ingat dahil may paparating na problema sa pera. Huwag gaanong alalahanin ang problema sa love life dahil kusa itong maaayos nang ayon sa gusto mo. Nasa tamang daan ka upang magtagumpay at walang makakapigil sa iyo. Mag-ingat sa mga naiinggit. Lucky numbers: 14, 19, 25 at 35.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Lahat ng bagay ay papabor sa iyo, samantalahin ito upang kumilos ng buong sipag at sigla. Mabibigyan pansin din ang pinagpapagurang trabaho. Tatanggap ka ng napapanahong tulong mula sa kamag-anak o kaibigan. Sa kabila ng distansya sa minamahal, mararamdaman mong hindi pa huli ang lahat; sundin mo ang iyong intuisyon. Lucky numbers: 16, 22, 28 at 41.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Makakaapekto sa iyong kalusugan ang problema sa pamilya. Pag-isipang mabuti ang gagawin upang makaiwas sa nakaambang panganib. Sa kabila nito, magiging kasiya-siya ang love affair mo ngayon. Maraming bagay ang pagdaraanan; dobleng ingat sa katawan ang kailangan. Umiwas sa anumang bagay na labis, lalo na sa pagkain at pakikipagrelasyon. Lucky numbers: 6, 15, 40 at 47.
Don't Miss