Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ano ang hatid ng Nobyembre sa iyo

01 November 2016

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Abala ka sa maraming bagay kaya wala kang panahon na makihalubilo at magsaya kasama ang mga kaibigan. Huwag sayangin ang oras sa pakikipagtalo sa ilang miyembro ng pamilya. Huwag magpadalos-dalos sa pagdedesiyon lalo na kung pag-ibig ang nakataya.  Maganda ang pasok ng pera. Hindi masamang laging maghangad ng mabuti para sa sarili pero minsan ay kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng mga taong nakapalibot sa iyo.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Masaya ang buhay pag-ibig sa linggong ito. Aani ng papuri kahit sa mga munting bagay na nagawa para sa kapwa.  Matiwasay ang sitwasyon sa loob ng tahanan dahil alam mo na kung paano pakibagayan ang mga bata. Masalimuot ang usapin tungkol sa mana at maari itong makarating sa korte. Huwag ipagpaliban ang pagbisita sa dentista para maiwasan ang mas malalang problema.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Dahil inspirado, mas madaling maisakatuparan ang mga plano. Mag-ingat sa pagbitiw ng mga salita upang maiwasan ang matinding hidwaan sa isang kaibigan. Maari nang bilhin ang inaasam na kagamitan sa bahay. Madalas ang pag-atake ng matinding sakit ng ulo kaya huwag pabayaan ang sarili.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Sa pagitan ng mag-asawa, laging isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa at huwag hayaan na pera ang maging dahilan upang magkaroon ng bahid ang inyong relasyon. Muling buhayin ang nananamlay na relasyon at bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makabawi ng pagkukulang.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Iwasan ang mamantikang pagkain upang hindi lumala ang problema sa apdo.  Madaling makibagay kaya hindi hadlang ang pagdagsa ng maraming pagbabago. Kung may problema sa trabaho, subukang mag-isip ng bagong ideya bilang tugon.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Huwag nang ipagpaliban sa ibang araw kung may naisip na proyekto. Kung palalampasin ang pagkakataon, maaring mawala sa sirkulasyon at mahihirapan nang umahon. Hayaan munang humupa ang sitwasyon na kinasasadlakan bago ibuka ang mga labi at magbigay ng reaksyon para hindi magsisi bandang huli. Huwag lasunin ang isip ng mga negatibong bagay para hindi lumala ang problema. Matiwasay ang sitwasyon sa loob ng tahanan.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Iwasan ang mga bagay at pagkain na maaring magdulot ng sakit sa balat tulad ng alcohol, sigarilyo, pagkaing de-lata at mga minatamis. Sa paghahangad na makahanap ng mapupusuan, huwag magpadala sa bugso ng damdamin dahil kusang babagsak ang bunga kung hinog na. Samantalahin ang pagkakataon na kumita ng pera habang malakas pa at matutuong mag-ipon ng sapat para sa sarili.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Maganda ang pasok ng pera sa linggong ito. Samantalahin ang libreng oras para ilagay sa ayos ang mga sagabal sa daan.  Madaling mahanapan ng solusyon ang balakid para makamit ang tagumpay sa trabaho. Matindi ang pagnanais na kontrolin ang sitwasyon sa loob ng tahanan pero magiging dahilan ito ng matinding iringan. Maghintay ng tamang panahon bago bilhin ang bagay na inaasam.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magandang pagkakataon para mamuhunan dahil malaki ang maaring pumasok na pera. Kung anuman ang bumabagabag sa isipan, maglaan ng panahon para hanapin ang tunay na pag-ibig o kaligayahan. Imbes na sayangin ang oras sa mga walang kuwentang lakad, gamitin ang ekstrang oras para mag-isip o magbuo ng plano sa buhay. Para sa mga mahilig magsulat, magandang pagkakataon ang kusang tatambad.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Dahil magulo ang isip, maraming pagkakamali ang magagawa na maglalagay ng trabaho sa panganib. Patuunan ng pansin ang trabaho at huwag makisawsaw sa ginagawa ng iba. Panahon na para madiskubre ang nakatagong talino at galing, at matamasa ang epekto nito. Maaring umatake ang matinding nerbiyos kaya dadalawin ng mga nakakatakot na panaginip. Subukang mag relax. Matiwasay ang relasyon kung matutunang itago ang hindi makatwirang pagseselos.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Masigla ang pangangatawan dahil sa regular na ehersisyo. Huwag hayaan ang sarili na malulong sa mga materyal na bagay na maaring magsanhi ng paggawa ng walang kuwentang aksyon. Malalampasan ang mga pagsubok sa buhay kung mananatiling matatag at determinado. Sa kabila ng kasaganahan sa buhay, hindi pa rin nawawala ang mga agam-agam. Matutong makibagay para walang hadlang sa kaligayahan.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Magandang suwerte ang kakatok sa iyong pintuan kaya tiyakin na laging handa.  Ngayon na ang tamang panahon para lumagay sa tahimik! Kung walang magandang lalabas sa mga labi, mas mabuting tumahimik upang hindi masira ang  reputasyon. May namumuong tensyon sa pagitan ng magkakaibigan. Huwag magpadalos-dalos sa desisyon kung sino ang kakampihan. Intindihing mabuti ang sitwasyon at laging ilagay ang sarili sa posisyon ng iba para madaling mayos ang gusot.

Don't Miss