Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Hulyo

29 June 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Masaya ang pagsasama at bubuo kayo ng proyekto para sa inyong kinabukasan; muling babalik ang init ng pagmamahal sa mga matagal nang magkarelasyon. Maging makatwiran sa pagtrato sa mga tao, pero magmatigas sa mga taong labis na agresibo. Kumain ng isdang malangis gaya ng salmon, mackerel at sardines at dagdagan din ang kain ng bawang at sibuyas na mainam laban sa sakit sa puso. Lucky numbers: 13, 24, 32 at 40.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Marami kang magagandang bagay na mapagtatagumpayan, pero mag-ingat din sa biglaang palit ng sitwasyon. Mag-ingat sa sobrang kompiyansa sa sarili at pagiging mapagmatigas. Ang gulong nalikha sa tahanan ay madali ring malilimutan at muling mananaig ang saya at kapayapaan. Sa pag-ibig, mag-ingat sa labis na selos na maaring sumira sa lahat ng bagay. Ugaliing kumain ng tama, at sa tamang oras upang makabawi sa nararamdamang pagod at kawalan ng enerhiya. Lucky numbers: 17, 22, 31 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Ngayon ay tatanggap ka ng promosyon o parangal at may mga bagong alok ding papasok. Kailangan mo nang alisin sa isip ang pag-aaalinlangan na nagpapabagal sa iyong pag-asenso. Agapan ang problema sa ngipin. Kontrolin din ang paggastos. Iwasan ang panandaliang romansa! Kung magse-seryoso ka lang, mahahanap mo ang tunay na pag-ibig, at magugulat ka dahil nandyan lang ito sa paligid mo. Lucky numbers: 12, 18, 29 at 31.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Mahirap kang pakisamahan dahil masyado kang sensitibo. Mag-ingat sa mikrobyo dahil mahina ang resistensya mo ngayon. Posibleng malugi ka ngayon, kaya hinay-hinay sa paggastos. Hindi maiiwasan ang hidwaan sa magulang at anak. Kung single, at tila walang katapusan ang kalungkutang nararanasan, huwag mawalan ng pag-asa, malaki ang tsansa na may magpapasaya na sa iyo ngayon. Lucky numbers: 20, 27, 32 at 37.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
May oras ka ngayon para bumuo ng mabusising proyekto na kailangan din ng mahabang pasensya. Wala kang itatago sa mga kasamahan, at marami kang makikilalang iba’t ibang klaseng tao. Mahalagang pagbabago ang magaganap sa trabaho, humingi ng payo. Kung nakakaramdam ng pagod at pamimigat ng katawan, kumunsulta sa doktor. Maaaring sanhi ito ng dating pagpapabaya sa katawan, pero walang dapat ipag-alala kung malulunasan ito agad. Lucky numbers: 11, 16, 28 at 40.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Gumawa ng hakbang upang mas maging kanais-nais sa mga tao dahil sa ganitong paraan ka mananalo. Mas gaganda ang kalusugan kung babawasan o titigilan ang paninigarilyo, at pag-inom ng alak at kape. Magiging inspirado ka pang magsipag at maging masigasig sa trabaho ngayon. Hayaan ang mga malalapit sa iyo na kumilos sa paraang gusto nila, at huwag silang pakialaman. Sa pagsama sa mga kaibigan ay may bago kang makikilala, pero hindi mo mapigilan ang makipagtalo dito. Lucky numbers: 7, 15, 21 at 36.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Sa trabaho, maging handa sa magandang pagkakataong darating. Makikilala mo rin ang taong matagal mo nang gustong makausap. Kwentahin ang gastusin na katumbas lang ng perang pumapasok. Ang love life ay mas lalong magiging kasiya-siya. Huwag gaanong umasa sa mga kaibigan. Mag-ingat sa pananakit ng likod at tuhod, iwasan ang pagbubuhat ng masyadong mabibigat na bagay. Lucky numbers: 5, 19, 34 at 45.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Magkakaroon ka ng hindi magandang relasyon sa matatanda o mababagabag ka sa kundisyon ng kalusugan nila. Ang pagkakaibigan sa bagong kakilala ay lalong lalalim at magpapasaya sa iyo. Sa trabaho, mag-ingat upang makaiwas sa panganib at patibong. Bigyan ng atensyon ang pananalapi. Kung may mahalagang problema sa pamilya, agad itong harapin at huwag patagalin, habang malinaw pa sa isip mo ang lahat. Lucky numbers: 14, 23, 37 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Ang lagi mong pagkontra sa maraming bagay ay nakakaapekto sa relasyon mo sa lahat. Sa trabaho, hindi inaasahang bagay ang magpapahina ng husto sa iyo. Dagdagan ang pag-inom ng tubig. Magandang balita tungkol sa mga anak. Masyado kang nag-aalalang masolusyunan ang problema sa pera, ang dapat gawin ay bawasan ang gastusin at subukang dagdagan ang kita sa ibang paraan; gamitin ang ibang talento. Lucky numbers: 12, 16, 25 at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
May kakayahan kang pag-aralan at ayusin ang sitwasyong pinansyal. Iwasang pangarapin ang marangyang buhay lalo na kung hindi ito pinaghihirapang abutin. Mag-ingat sa mga nanghihingi ng donasyon. Mataas ang motibasyon, bibigyan mo ng prayoridad ang trabaho at makakatulong ang pagiging ambisyosa at kasipagan upang bumilis ang pag-asenso, pero mag-ingat na ipagkamali ang inaasam mo sa katotohanan. Lucky numbers: 11, 26, 36 at 41.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Makakaranas ng nerbiyos na maaring may koneksyon sa problema sa panunaw. Sikaping mapalakas ang sense of humor. Mag-ingat sa pakikipag-usap tungkol sa buwis. Ang problema sa pamilya ang ipag-aalala mo ng husto. Sa pagtanggap ng pagbabago, mas lalaki ang tsansa mong magtagumpay. Bibigyan ng prayoridad ang iyong trabaho, dahil dito mo maipapakita ng husto ang iyong husay, pero masasaid ang enerhiya mo dito. Lucky numbers: 13, 24, 36 at 40.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Makakaranas ng kaunting depresyon; bigyan ng kasiyahan ang sarili, subukang ibahin ang mga ideya. Kung madaling mapagod at walang gana, makakatulong ang pag-inom ng magnesium supplement. Sa trabaho, kulang ka sa tapang at responsibilidad. Isang kaibigan ang bibigo sa iyo, daanin ito sa pilosopya. Kahit gaano ka-abala, bigyan ng sapat na oras ang mga anak upang gumanda ang relasyon. Mahalagang nakakausap sila at nasusundan ang mga interes nila at pag-aaral. Lucky numbers: 5, 18, 22 at 39.

Don't Miss