Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Hindi pa huli para kay Mia

19 July 2018

Sa edad na 38 taong gulang ay nakahabol pa sa huling biyahe si Mia, na taga Dingle, Iloilo. Ikinasal siya noong Hunyo 9 sa isang lalaking nakilala sa pamamagitan ng isang programa sa radyo mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.

Binigyan siya ng kanyang amo ng 10 araw na bakasyon, na sapat lang para magpakasal sila ng kanyang kasintahan sa harap ng isang huwes. Kapag nag for good na raw siya pagkatapos ng kanyang kontrata ay saka na sila magpapakasal sa simbahan.

Dahil sa makabagong teknolohiya ay napanatili nilang matatag ang kanilang relasyon. Halos araw-araw silang mag-usap sa pamamagitan ng messenger na walang pinangangambahang malaking bayarin dahil ito ay libre.

Ilang araw bago ang takdang araw ng kanyang pag-uwi ay  namanhikan sa mga magulang niya ang kanyang nobyo at mga kapamilya nito. Wala namang tutol ang pamilya ni Mia, bagkus ay masaya pa sila dahil sa wakas ay nakatagpo din siya ng taong totoong nagmamahal sa kanya.

Kahit biglaan ang kanyang naging kasal ay masaya pa rin si Mia. Ang sabi niya, mas importante na nakapangasawa pa rin siya. Mas matanda si Mia ng pitong taon sa kanyang asawa, pero ang sabi nila, hindi naman importante ang edad dahil nagmamahalan silang tunay. Merly Bunda

Don't Miss