Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Agosto

14 August 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94

Maganda ang resulta ng pinagpaguran. Pero, posibleng makaranas ng kabiguan sa relasyon. May banta ng pamamaga at hirap sa pag-ihi. Gagawa ka ng paraan upang makaiwas sa pagkabagot at kawalan ng sigla ng buhay. Manunumbalik ang kumpiyansa sa sarili dahil sa swerteng darating. Lahat ng hiling mo para sa pamilya at mahal sa buhay ay matutupad. Bisitahin at kumustahin ang mga magulang. Lucky numbers: 7, 15, 21 at 41.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maraming pagbabago ang magaganap sa linggong ito, harapin ito ng maayos at sumakay lang sa agos. Masasaktan ka dahil magkakagusto ka sa taong malabong magkagusto sa iyo. Gawing kapaki-pakinabang ang oras ng pahinga at huwag ubusin sa pag-inom o panonood ng TV. Ginagawa mo ang kaya mo upang maging masaya ang tahanan, pero tila hindi ito sapat at hindi ito pansin ng asawa mo kaya nagiging bayolente ang reaksyon mo. \Lucky numbers: 7, 26, 35 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Pagkakataon mo na upang makatikim ng swerte; subukan mong lumaro. Sa pag-ibig, madali mong mahahanap ang tamang kilos at salita upang humupa ang tensyon at mapakalma ang mahal mo. Ang pagkakaroon ng eczema ay maaaring dulot ng stress at nerbiyos na pinagdadaanan. Sa trabaho, hindi maiiwasan ang pagtatalo. Masusubukan mo ang katapatan ng mga kaibigan na handang suportahan ka. Lucky numbers: 21, 28, 30 at 38.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Masigla ang katawan at pag-iisip. Madali kang makakagawa ng desisyon at makakaisip ng paraan na makakatulong sa trabaho at pinansyal na kalagayan. Masaya ang relasyon mo ngayon kaya magaan ang pakiramdam mo. Nanaisin mong magsaya at mag-enjoy kapiling ang mga taong kasundo mo. Magaan kang kumain ngayon, at wala kang pakialam sa sasabihin ng iba; ikaw rin ang mahihirapan pagdating ng araw. Lucky numbers: 19, 29, 37 at 42.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Malulusutan mo ng maayos ang isang delikadong sitwasyon. Mag-ingat na masobrahan ang tiwala sa sarili sa lalo na sa pakikipag-usap tungkol sa malakihang transaksyon sa negosyo. Kung hinahanap ang sister soul, matutupad ang hangarin mo. Madali kang mapagod, bantayan ang kinakain, dapat ay balanse ito at magaan sa tiyan. Mahalaga sa iyo ang relasyon sa pamilya kaya pilipitin mong maging masaya ang tahanan; pero iwasang maging mapaghanap. Lucky numbers: 3, 19, 33 at 45.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Gusto mong pagsabayin ang trabaho at pagsasaya upang mag-enjoy habang nagta-trabaho, pero iwasan muna ito ngayon dahil baka ka mapasama; mas mainam na umiwas muna sa ipinagbabawal. Sa isang banda, hangad mo ring matuto pa at makatuklas ng bagong bagay, gawin agad ito. Ang suporta at samahan ng pamilya ay mahalaga sa iyo, at kahit hindi mo sinasabi o ipinapakita, alam ng mahal mo sa buhay na may puwang sila sa buhay mo. Lucky numbers: 11, 18, 35 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Malinaw kung ano ang gusto mo at matalas ang isip mo kaya madali kang makaalpas sa mahirap na kalagayan, kung hindi ka panghihinaan ng loob. Masasayang oras ang pagsasaluhan, kung magtatagal ang relasyon. Madali kasing mahulog ang loob mo sa mga bagong kakilala. Higpitang mabuti ang pagba-budget mo at iwasan ang sobrang gastos upang maiwasan ang nerbiyos tuwing katapusan ng buwan. Lucky numbers: 13, 25, 32 at 42.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Hindi makakasama ang pagkain ng pasta kaya huwag matakot na baka tumaba. Sa trabaho, matapang mong isusulong ang gusto mong gawin at hindi alintana ang mga problema, matupad lang ang hangarin mo. Mag-ingat lang na baka magkaroon ng seryosong hidwaan sa mas nakakataas sa iyo tungkol sa otoridad. May magandang balitang darating: sagutin ang telepono at abangan ang sulat. Lucky numbers: 16, 29, 38 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
May tsansa na mapasok ka sa isang relasyon na kahit walang patutunguhan ay magbibigay sa iyo ng saya. Pero maaring maging sanhi rin ito ng hindi inaasahang pagkasira at pagkasugat ng damdamin. Gagawin mo ang lahat upang malagay sa posisyon na wala kang pananagutan sa iba, kahit pa katumbas nito ang pagbaba ng katayuan. Kaya mong alisin ang hiya at magpakita ng tapang kung talagang kinakailangan. Lucky numbers: 6, 13, 37 at 43.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Mag-ingat sa kinakain, pero huwag pagdamutan ang sarili sa pagkaing gusto mo, huwag lang sobra. Huwag mong balewalain ang kapalaran, kumbinsihin ang sarili na iyan ang itinakda ng tadhana, at bunga ng iyong ginagawa. Huwag umasa na ang sugal ang magiging solusyon sa problema mo sa pera ngayon. Marami ang magpapatunay sa kabutihan ng iyong puso, na labis mong ikalulugod. Lucky numbers: 11, 29, 34 at 42.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Huwag mag-panic kung biglang tumaas ang cholesterol level mo, at huwag agad mag-diyeta nang hindi kumukunsulta sa doktor. Marami kang magagandang plano na gusto mong madaliin na masimulan agad. May ugali kang hindi kagandahan, na akala mo ay makukuha mo ang lahat ng gusto mo, lalo na sa love life. Huwag masyadong maging excited, at umasa agad; maging realistiko upang hindi ka masaktan ng husto. Lucky numbers: 20, 21, 30 at 36.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Makakaasa ka ng positibong resulta sa pinansyal na kalagayan, sa pamamagitan ng kontrata o alok na negosyo at proyekto. Maswerte ka rin sa sugal. Kung single, matatamo mo ang pangarap na pag-ibig, matatag na buhay at kaligayahan. Masaya para sa iyo ang mga taong malalapit sa iyo dahil sa nakikitang positibong pagbabago mo, - mas palakaibigan, mabait at mas mapagbigay ka kaysa dati. Lucky numbers: 19, 24, 37 at 40.

Don't Miss