Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Setyembre

04 September 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Magagalit ka sa ilang kaibigan, pero hayaan mo silang magpaliwanag muna bago ka magalit nang todo;  hindi mo pagsisisihan ang  pagiging maunawain. Dahil ikaw ay malikhain, ang pinakamahirap na gawain ay magagampanan mo ng maayos, ng higit pa sa inaasahan. Sari-saring problema ang mararanasan, kulang sa lambing ang asawa mo, problemado ka sa mga anak, ang mga kasamahan ay nabawasan ang kabaitan, at maging ang bayarin ay mas dumami pa! Lucky numbers: 9, 17, 25 at 43.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Kumalma ka, mas lalo mong pinalalala ang simpleng bagay, at kalat-kalat ang isip mo kaya nalilimutan mo na ang totoong hangad mo. Iwasan ang labis na pag-iisip sa mga bagay na gustong -gusto mong gawin, pero kulang ka naman sa aksyon. Malaking bagay na maswerte ka sa panahong ito. Gagaan din ang buhay dahil sa mga kaibigang handang tumulong sa iyo. Makakatulong ng malaki ang pakikilahok sa mga grupo at asosasyon. Lucky numbers: 18, 22, 33 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Makakaranas ng problema sa tahanan, posibleng alitan sa magulang o anak, ng dahil sa iba’t ibang dahilan. Maging malumanay sa lahat ng oras. Sa love life, makakaramdam ng pagkasakal sa relasyon; upang maagapan ito, subukang makipag-usap ng maayos sa kapartner. Kilala ka sa katapatan mo, pero huwag ka nang umasa na ang lahat ng kakilala mo ay magiging matapat din sa iyo. Lucky numbers: 11, 36, 37, 40 at 42.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Magkakaroon ng malaking pagbabago sa relasyon; pag-ibig sa unang pagkikita, mabigat na problema o biglang pagbabago ng damdamin. Mahaharap din sa sitwasyon na maaring pagmulan ng maraming katanungan, o gumawa ng mahalagang desisyon. Ingatan ang kalusugan, madali kang mapagod at mahihirapan kang gumaling agad sa sakit. Wala kang magagawa kundi harapin ang mga bagay na kinaiinisan mo sa trabaho. Lucky numbers: 1, 15, 26 at 39. 

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Mabubulabog ang pagsasama at pamilya. Piliting kontrolin ang sarili dahil alam mong wala kang panalo sa laban kung hindi ka handa. Gamitin ang sentido kumon at mag-dahan-dahan sa halip na daanin sa pwersa at biglaan ang gusto mong makamit. Mahina ang resistensya mo ngayon kaya madali kang kapitan ng sipon, ubo at ibang sakit. May swerteng dulot ang pagta-travel at negosyo sa ibang bayan. Lucky numbers: 6, 19, 20 at 40.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Hindi mo alam kung saan nagmumula ang pagiging iritable at mainitin ang ulo mo sa panahong ito. Mahihirapan kang magtrabaho ng may kasama o ka-grupo, pero kailangang gawin mo ito. Dagdagan ang pasensya at tiisin ang kalagayan; magbubunga rin ito ng maganda. Posibleng makaranas ng panlalabo ng mata sanhi ng pagod. Lucky numbers: 12, 20, 29 at 31.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Gaganahan ka sa trabaho kaya sasamantalahin mo na maraming magawa sa panahong ito.  May pagkakataon kang makasali sa pagtitipon o asosasyon, sundin ang hilig mo. Tamang panahon para sa malakihang pamumuhunan dahil mataas ang kumpiyansa mo sa sarili at hindi ka mag-aatubiling humingi ng pabor sa mga kakilala. Magi-enjoy ka ng husto sa piling ng kapartner kaya gusto mong magpakasaya sa pamamasyal. Lucky numbers: 14, 28, 37 at 41.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Magpakita ng kabaitan sa karelasyon at pamilya dahil kapag kumilos ka ng hindi maganda, kahit pa alam mong tama ka, ay magdudulot lang ito ng gulo. Mababawasan ang pagiging maaksaya at gastador mo at mas magiging mas maingat dahil gusto mong makaiwas sa malaking problema. Tamang panahon na mag-invest sa bahay at lupa. Kulang ka sa kumpiyansa sa sarili; para sa iyong kabutihan, alamin mo kung paano magagamit ang magaganda mong katangian. Lucky numbers: 7, 13, 28 at 43.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Hindi maganda ang pasok ng linggong ito sa iyo, na parang may pumipigil sa iyong pagsisikap kaya lalo kang pinanghihinaan ng loob. Ang marangya, komportableng buhay at magagandang bagay ang pagkakagastusan mo ng husto sa kagustuhang mapasaya ang sarili. Mahihirapan kang makibagay at lagi kang may sumpong kaya marami ang umiiwas sa iyo. Huwag hayaang may makialam sa personal mong buhay, bawasan ang pagsasalita at maging maingat. Lucky numbers: 5, 16, 27 at 45. 

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Sundin ang kutob mo dahil malaki ang tsansang tama ito, at mapaghahandaan mo ang magiging galaw ng kalaban. May abilidad kang mapaniwala agad ang iba sa iyong kuwento, kaya kung hihingi ka ng dagdag sahod ay malamang na mapagbigyan ito ng walang tanong-tanong. Ang alitan sa pamilya ay madaling malulutas kung ang bawa’t isa ay magiging kalmado at maingat sa pananalita. Lucky numbers: 17, 22, 34 at 42.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Kaya mong maging magiliw at palakaibigan na makakatulong upang dumami ang kakilala at kaibigan at mapanatili rin ang saya sa pamilya. Ingatan ang mga ngipin. Mapipilitan kang magtrabaho sa isang mainit na sitwasyon kahit hindi mo gusto, pero manatiling kalmado. Marami kang matutuhan at titibay ang loob mo sa ganitong sitwasyon, na magagamit mo upang maabot ang iyong ambisyon. Lucky numbers: 23, 25, 31 at 38.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Mahihirapan ka sa maraming bagay. Kung alam mong damay ka, manahimik ka lang muna kesa lumaban pa. Sa paglipas ng panahon, magiging kalmado rin ang lahat at wala ka nang idadaing pa. Iwasang bilangin pa ang mga nakarelasyon. Huwag sagarin ang pasensya ng pamilya dahil sa paiba-iba ng isip mo. Magtatrabaho ka ng husto upang maabot ang pangarap, pero mahalaga pa rin ang relasyon mo sa pamilya. Lucky numbers: 3, 18, 37 at 39.

Don't Miss