Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ano ang hatid ng Agosto?

18 September 2018

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Nalilito ka dahil gusto mong kumilos at ipagpatuloy ang ginagawa, pero takot ka ring mabigo. Kung hindi gaanong mataas ang inaasam, maiiwasan ang mahirap na sitwasyon pero posibleng makawala ang maraming oportunidad, kailangang magdesisyon ka! Huwag magpautang sa kaibigan ng hindi masyadong pinag-isipan, baka hindi na makita uli ang pera o ang kaibigan, o pareho. Walang gaanong hadlang sa plano mo, pero kailangan ding mag-ingat. Lucky numbers: 9, 11, 23 at 46.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ubod ka ng saya ngayon kaya maganda ang paningin mo sa lahat ng bagay, at palagay mo ay kaya mong lutasin ang lahat ng problema at magiging maayos din ang lahat. Sunod-sunod ang swerteng darating na may katumbas pang  perang papasok, kaya maging ikaw ay hindi makapaniwala. Mas titibay pa ang relasyon kaya gugustuhin mo nang maging pangmatagalan na ito. Lucky numbers: 19, 30, 33 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Posibleng mabigo ang plano mo; ang magagawa na lang ay bawasan ang perwisyo nito at tanggapin ng maayos ang resulta nito. Makakabuo ka naman ng bagong ideya upang maabot pa ang ambisyon mo; hindi ka matatakot sumubok ulit at malaki ang tsansang matupad ito. Magtatrabaho ka ng husto at magtatagumpay sa tulong ng mga kasamahan. Marami ang magugulat sa iyong pag-asenso; manatiling mapagkumbaba. Lucky numbers: 17, 29, 36 at 40. 

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Magkakaroon ng mabilis na pagbabago sa sitwasyon ngayon. Doblehin ang pag-iingat. Kung hindi maiwasang magbyahe, asahan na ang iba’t ibang aberya. Ang problema mo sa kasamahan ay makakaapekto sa relasyon mo sa malalapit sa iyo. Mag-ingat na mapasama sa napakaraming nabibiktima ng panloloko, iwasang pumasok sa isang magulong relasyon. Lucky numbers: 5, 12, 28 at 37.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Karisma, talino at alindog ang mga katangiang angkin mo kaya marami ang maiinggit sa iyo. Pero mag-ingat sa labis na kompiyansa sa sarili na maaaring maging dahilan ng mga pagkakamali. Ang masayang disposisyon ay sumasalamin sa magandang samahan sa pamilya. Huwag maging kampante sa magandang resulta ng iyong mga proyekto, mas mainam ang laging nag-iingat. Lucky numbers: 11, 29, 39 at 47. 

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Madali kang mairita, na malayo sa dating ugali mo na mahinahon at mabait; mahirap sabihin kung ano ang pinagmumulan ng init ng ulo, pero hindi mo maiwasan ang mainis dahil sa mga nangyayari sa linggong ito. Hangga’t maaari ay ayaw mo nang may kasama sa trabaho, pero wala kang magagawa kaya pagtiisan muna ang sitwasyon dahil magbubunga din ng maganda ang iyong pasensya. Pagod ang mga mata mo kaya apektado ang paningin. Lucky numbers: 11, 18, 35 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Kung gagawa ng intelihenteng pagkilos, ito ang tamang oras. Kaya mong mag-isip ng mga bagay ng sabay-sabay nang hindi ka nalilito. Kung gugustuhin mo ay kaya mong gawin na mapaganda ang katawan, pero kailangang paghirapan ito. Huwag mag-ambisyong magagawa mo ang lahat; alamin ang limitasyon mo kung nais mong mapanatili ang magandang kalusugan ng katawan at isip. Lucky numbers: 10, 21, 25 at 38.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
May oras na tinatamad kang kumilos, pero may oras ding gagawa ka ng kakaibang hakbang. Mapapagod ka sa mga kaganapan sa paligid mo at maging ang mga kasamahan mo ay malilito. Makakalimutan mo saglit ang magtipid at mapapagastos ka, pero hindi naman maapektuhan ang kalagayang pinansyal. Pero mag-ingat ng husto at iwasang pumasok sa delikadong transaksyon, o kumagat sa magagandang alok. Lucky numbers: 9, 22, 37 at 45.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Para kang nangangapa sa ngayon, pero mahahanap mo rin ang dating agresibong sarili upang makapagsimula kang muli, at nanaisin mo pang makipag-kumpitensya sa iba. May tsansa rin na magkaroon ng mga bagong kaibigan; magagamit mo rin ang personal na relasyon ng mga kaibigan upang makatulong sa iyong trabaho o negosyo. Ingatan ang mga tenga, protektahan ang mga ito sa labis na ingay. Lucky numbers: 12, 16, 31 at 43.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Nahahati ang puso mo sa pagitan ng pagkakaroon ng mas matatag na kalagayan, o ang mag-enjoy sa mga bagong karanasan sa piling ng mahal mo. Maiinis ang malalapit sa iyo dahil sa paiba-iba mong desisyon. Mag-ingat at baka dumaan sa matinding depresyon! Kumilos agad na maagapan ito upang hindi umabot sa nervous breakdown; iwasang magmukmok. Kontrolin ang pagiging agresibo at pabigla-biglang kilos, mahirap sa umpisa, pero kakayanin mo ito. Lucky numbers: 15, 24, 34 at 46.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Samantalahin ang pagkakataong ito na magkaroon ng positibong pananaw at kagustuhang mapabuti ang kalagayan sa paligid, kahit parang napakahirap nito. Sabay-sabay na magdadatingan ang mga bayarin. Makakahanap ka ng paraan na madagdagan ang kita, pero iwasang pumasok sa delikadong transaksyon, maghintay-hintay ka lang muna bago subukan ang swerte, pero huwag muna ngayon. Lucky numbers: 8, 13, 18 at 46. 

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Mas malaki ang tsansa mong manalo ngayon sa sugal kaysa dati, ito ay magpapasaya sa iyo kahit kaunti upang labanan ang nararamdamang labis na kalungkutan. Mag-isip ng magagandang bagay na gusto mong gawin. Mas magiging mapagbigay at maunawain ka, ituloy mo lang ito dahil ito ang daan sa kaligayahan. Piliting magkaroon ng kapayapaan ng loob at sa iyong paligid, ito ang magpapabago sa iyong kabuuang personalidad. Lucky numbers: 7, 19, 28 at 44.

Don't Miss