Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo

16 January 2019

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Ang problema ay parte na ng buhay, kaya huwag mabahala na hindi ka makakalas sa bumabagabag sa iyo sa mga panahong ito, dahil lilipas din iyan. Alalahanin na ang kalusugan ay mahalaga, dahil ito ang masasandigan mo sa iyong pagbangon. At upang madagdagan ang malalim ka katatagan, harapin ang pag-iisa nang buong tapang, dahil ang sarili lamang ang maasahan.  Lucky numbers: 3, 5, 9 at 22.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Isang oportunidad ang sasagi sa iyong buhay. Maging mapagmasid, dahil mabilis itong magpapakita at mawawala, kaya huwag magpatumpik-tumpik at sunggaban agad. Kailangan mong mag-handa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kaalaman, gaya ng pagnenegosyo, upang ang kinita ay mas mapalago. Ugaliin ding magtipid upang makaipon ng kapital na panimula sa pinaplanong negosyo. Lucky numbers: 7, 32, 41 at 43.



DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Hindi maiiwasang magkaroon ng pagtatalo  sa mga kasamahan sa bahay. Ugaliin lamang na mapanatiling malinis ang pagsasama kahit nag-aaway, dahil sa bandang huli, may mga maghahanap lang ng butas upang magibabaw sa mga pagtatalong ito. Hindi na baleng mapagbigyan ang katunggali, dahil kung sa loob mo ay alam mong kaw ay nasa tama, ikaw ang mas makakatulog ng mahimbing sa gabi na walang bumabagabag na pagsisisi. Lucky numbers: 3, 8, 17 at 33.
 
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
May isang tao na matagal nang may paghanga sa iyo. Nasa sa iyo na kung papatulan mo o hindi papansinin ang kanyang pagpaparamdam, pero kahit ano ang desisyon mo ay magiging tama, dahil nasa sa iyo rin ang kahihinatnan ng pagsasamang ito. Kung anuman ang dumating na kaoalaran, ingatan lamang ang sarili upang maiwasang masaktan nang labis at mabigyan ang sarili ng pagkakataong makabawi, kung ang relasyon mang ito ay umasim.  Lucky numbers: 9, 21, 27 at 42.
.


TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Subukang ikalat ang interes sa mga bagay na labas sa araw-araw mong gawain. Hindi lamang makapagbibigay ito ng kailangan mong pagbabago ng tanawin, makakasagap ka rin ng mga bagong kaalaman na malay mo ay magiging kapaki-pakinabang o kaya ay  maging sentro ng iyong kabuhayan sa hinaharap. Isipin na ang bawa’t araw na lumilipas ay isang hakbang sa iyong magandang kinabukasan, ay ang bawa’t gawain ay isang patak ng sementong naiipon at unti-unting nakabubuo ng gusali.  Lucky numbers: 1, 15, 22 at 38.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Ang tunay na kaligayahan ay hindi dumarating kung ito ay hinihintay lamang. Kahit ano ang pinanggagalingan ng iyong kaligayahan – kung ito man ay materyal na bagay o hindi —  ito ay dapat pinapangarap, idinadalangin, pinagha-handaan, at pinaghihirapang matamo. Ang tagumpay ay hindi lumalapit kung hindi pinagsisikapan. Ugaliing magtakda ng target at maglaan ng tamang atensiyon at tiyaga upang makamit ang minimithi.  Lucky numbers: 9, 15, 31 at 38.



 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Ang kinabukasan ay nakasalalay sa kung ano ang iyong gagawin sa kasalukuyan. Upang makamit ang mas magandang bukas, ibuhos ang lahat nang makakaya sa bawa’t misyon sa buhay, hangaring matapos ang dapat gawin, at ialay lagi ito sa sandaigdigan. Ang ganitong pag-aalay ay masusuklian ng kapalit na mas malaki pang kahalagahan.  Lucky numbers: 11, 26, 24 at 38.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Ang pagtitimpi ay hindi nangangahulugan ng pagkaduwag kundi kapuri-puring pagkontrol sa sarili. Kailangan ito ng matinding disiplina sa sarili. Kung kinailangang magtimpi, huwag isiping ikaw ay natalo sa isang enkwentro. Isipin na ikaw ay wagi dahil mas marami kang magagawa at mararating kung hindi papansinin ang mga balakid sa pag-usad ng iyong buhay, na umuubos lang sa iyong oras at pasensya.  Lucky numbers: 8, 16, 21 at 37.



KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Kapag may nakamit na karangalan, o pinansiyal na pabuya mula sa iyong ka-trabaho o pinagsisilbihan, tanggapin ito nang malugod at may pasasalamat. Huwag ibale-wala ang mga natatanggap na papuri, dahil nagbibigay ito ng kaligayahan hindi lamang sa iyo kundi sa pinanggagalingan nito. Ang papuri ay kalimitang sinisundan ng mas malalim na pagkakaunawaan sa pagitan mo at iyong mga kasamahan.   Ito rin ang nagsisilbing pampaningas at pampalawig ng inyong pagkakaibigan.  Lucky numbers: 9, 12, 18  at 44.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Iwasang maglabas ng paunang bayad sa mga gastusing babayaran ng installment, malaki man o maliit na bagay. Hindi lamang lalabas na mas mahal ang binili sa katapusan ng pagbabayad, matatali ka pa sa obligasyon na maaaring hindi mo mapasan sa kalaunan. Ugaliing pag-ipunan ang mga nais bilhin upang makuha ito sa mas murang halaga. Kapag ginawa to sa lahat ng bibilhin, ang matitipid mula dito ay maaaring ipambili ng mas maraming gamit.   Lucky numbers: 7, 13, 25 at 33.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Kung hindi ka pa nagsisimula, sa panahong ito ang tamang tiyempo para magsimulang mag-ipon. Marami ang paraan ng pag-iipon, pero ang pinaka-epektibo ay ang paglalaan ng halagang itatago, at ang matitira lang ang ilalaan sa gastusin. Magagawa ito ng sinuman, baon man sa utang o hindi. Kahit gaano kalaki ang kita, kung walang ganitong disiplina, walang kahihinatnan ang lahat ng kinita. Gayundin, kahit gaano kaliit ang kita, kung nagsisinop upang may maitabi sa bawa’t sahod, may mabubunot na malaki balang araw.   Lucky numbers: 22, 24, 29 at 40.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Lahat ng bagay ay may katapusan. Huwag malungkot kapag dumating sa katapusan ang isang relasyon. Imbes na magmukmok, hugutin mula sa sarili ang lakas na harapin ang kasunod na kabanata ng buhay, dahil masasalo mo ito kung ikaw ay handa nang sumalo. Ang orasan ay nagpapagaling ng sugatang puso, pero tandaan na ikaw lang ang may kakayahang mapaiksi o mapalawig ang pagpapagaling na ito. Malaya kang makakapili kung mas gusto mong manatiling malungkot, o maghanap ng bagong bukal ng kaligayahan. Lucky numbers: 18, 19, 22 at 42.

Suportahan po natin ang ating mga sponsor:













Don't Miss