Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Man-hater

03 May 2019



Galit na galit si Nelie, 30, Ilokana, nang masaksihan ang pagmamaltrato sa kanyang ate ng asawa nito.

Tila bangungot sa kanya nang makita niya ang bayaw sa akto na pagtutok ng baril ng kanyang ate na nanginginig sa takot.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Bago pa ito, muhing muhi na siya sa kanyang bayaw dahil alam niyang binubugbog nito ang kanyang kapatid.

Dahil dito ay naging man hater siya, kaya lahat ng mga binata sa kanilang lugar ay nadamay dahil isinumpa niya sa kanyang sarili na  hinding hindi siya kailanman mag-aasawa ng isang kababayan.

Call us!

Medyo naibsan lang ang kanyang galit nang siya ay mangibang bayan.

Nanilbihan siya sa Mongkok at pinalad na magka employer ng westerner na mabait at maluwag sa trabaho.

CALL US NOW!

Siya ay pinahihintulutan kapag gusto niyang lumabas kaya naging daan ito para niya makilala ang isang turistang Norwegian na patay na patày sa kanya.

Sila ay nagkaroon ng komunikasyon maging sa pagbalik ng lalaki sa Norway.

Call now!

Kalaunan ay nagkaunawaan sila at bilang patunay na seryoso ang kanyang intensyon ay sinundan si Nelie ng katipan sa kanilang bayan, sinuyo, kinilala ang kanyang mga magulang, at bandang huli ay nag-alok ng kasal.

Call us now!

Agad naman siyang umoo, at sinundan ito ng isang beach-front wedding na ayon sa tradisyon ng mga Pilipino.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Ngayon ay dalaginding na ang kanilang anak at sa Norway na sila naninirahan.

Ayon kay Nelie, natutuwa siya na naging maswerte at maganda ang kanyang buhay.

CALL US

Naluluha lang daw siya tuwing inaalala ang sinapit na kanyang ate sa piling ng asawang barumbado. – George Manalansan

===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
Call us now!

CALL US!

Call us!

Call us!

Call us now!

Don't Miss