Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalarang hatid ng Hunyo sa iyo

01 June 2019


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Parang hindi ka napapagod dahil tuloy-tuloy ang kayod mo. Huwag magreklamong maikli ang buhay, sa halip, samantalahin ang sarap na dulot nito. Gumamit ng diplomasya sa mga delikadong sitwasyon. Ingatan ang relasyon sa pamilya - mag-ingat sa salita at gawa na maaring pagmulan ng malaking away. Lucky numbers: 7, 19, 33 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Maswerteng araw ang darating, at magiging positibo ang paningin mo sa lahat ng bagay. Tagumpay sa trabaho ang nakalaan, pero panandalian lang ito kung kulang ka sa tapang at tiyaga. May paghihiwalay sa kaibigan. Sa pamilya, gusto mong makontrol ang lahat, alalahaning ang tunay na lakas ay hindi nakukuha sa pagiging bayolente. Lucky numbers: 7, 11, 29 at 37.


Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.


BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Nanaisin mong muling makipagkasundo sa taong naka-alitan; ikaw ang gumawa ng unang hakbang. Sa trabaho, magiging matagumpay ang lahat mong gagawin. Sundin mo ang intuisyon mo, hindi ka magkakamali ngayon. Bantayan ang pananalapi dahil baka mapasubo ka sa mga gastusin. Lucky numbers: 16, 23, 35 at 41.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Tensiyon, away, intriga at kamalasan ang pagdadaanan mo sa panahong ito, pero huwag kang mawalan ng pag-asa. Walang problema sa pera pero mag-ingat na hindi mo masayang ito para lang sa konting sarap. Sa trabaho, makakatulong ang ehersisyo sa paghinga upang kumalma ang isipan at gumaan ang pakiramdam. Lucky numbers: 9, 13, 22 at 43.



PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!
KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Problema sa pera ang masakit na pagdaraanan na hindi mo maiiwasan, at hindi madaling malutas. Sa pag-ibig, magiging salawahan ka; hindi ka handang mag-seryoso at maging tapat sa iisang relasyon. Mag-ingat sa mga taong gusto ka lang gamitin at mapakinabangan. Mas magiging maalaga ka sa katawan mo ngayon, at hindi alintana ang pagod, mapaganda lang ang pisikal na anyo. Lucky numbers: 11, 19, 20 at 39.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Kailangan mo nang harapin ang problemang matagal mo nang iniiwasan. Mas mainit ang relasyon mo sa pamilya at mga kaibigan ngayon. Kung may karelasyon, pag-iisipan mong mabuti ang magiging kinabukasan ninyo. Para kang bato na pumipigil sa alon; walang sinuman ang makakapagpabago ng iyong isip at desisyon – laging diretso ka sa target, at lagi kang magtatagumpay. Lucky numbers: 5, 13, 21 at 38.


Call us!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Kailangang baguhin ang ugali mong laging ipinagpapaliban ang mga dapat gawin. Sa trabaho, makakapagsimula kang muli sa mas matibay na pundasyon. Ang pananakit ng sikmura ay muling mararanasan, at maaari ding magkaroon ng sakit sa balat. Mag-ingat sa reaksyon ng kapartner; ang selos na nararamdaman nito ay maaring sumabog at ikaw ang magiging kawawa. Lucky numbers: 14, 17, 28 at 39.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Tamang panahon ito para sa malakihang transaksyon at pag-aayos ng pamamahala sa ari-arian. Hindi mo pakikinggan ang lahat ng payo sa iyo dahil mas gusto mo ang sariling diskarte. Sa pag-ibig, masasayang sandali ang  nakalaan pero huwag ka munang magpaka-seryoso o magpatali. Ang asawa o isa sa mga anak ay maaring dumaan sa matinding depresyon; tulungan ito upang hindi lumala ang kalagayan. Lucky numbers: 15, 18, 19 at 36.


Call us now!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Kung may asawa, ang proyektong pagtutulungang mabuo ay lalong magpapatibay sa pagsasama. Iwasang kumampi sa kung sino mang nag-aaway sa pamilya lalo na kung mga kapatid mo ang sangkot. Iwasan din ang usaping legal sa ngayon. Magtiwala ka lang sa buhay upang dumating ang swerte mo. May gusto kang laging kainin, walang masama kung tikim lang, basta’t panatilihing balanse ang kinakain. Lucky numbers: 6, 17, 22 at 35.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Sa pag-ibig, huwag nang balikan ang dating away at sirain ang oras mo sa pakikipagtalo. Ang magandang pagsasama ay magdudulot rin ng magandang resulta sa trabaho. Bawasan ang labis na taba at tamis sa pagkain, at iba pang bawal sa iyo. May matatanggap kang hindi inaasahang tulong. Magandang oportunidad ang darating sa iyo. Lucky numbers: 9, 30, 35 at 42.


Call us!

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Tama lang na mag-alala ka sa mga anak, lalo na kung teen-agers ang mga ito. Mapapasabak ka sa kabi-kabilang okasyon, kaya ihanda ang tiyan sa dami ng pagkaing handa. Dahil sa paiba-ibang klima, mag-ingat at baka sumpungin ng hika kung mayroon ka nito. Laging tandaang dalhin ang gamot kahit saan ka magpunta upang maiwasan ang seryosong kalagayan kapag sinumpong ka. Lucky numbers: 1, 5, 13 at 25.


Call!

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Sa wakas ay masisilayan mo na ang bunga ng matagal mo nang inasam, isang bagay na magpapabago sa iyong buhay at magpapabawas ng mga alalahanin. May mga usapin tungkol sa pera at kumplikasyong legal, pero hindi ito magiging sagabal para maging masaya ka, masigla at puno ng enerhiya. Lahat ng gawin mo ngayon ay maganda ang resulta; huwag tumanggi sa mga imbitasyon, alok o pakikipag-usap, dahil baka makawala ang magandang pagkakataon. Lucky numbers: 7, 24, 26 at 37.

===
 I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Don't Miss