Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pinababa agad

20 June 2019


Ilang buwan pa lamang si Lovie sa kanyang mga amo ay ramdam na niya ang hirap. Napakalaki kasi ang bahay ng amo na may tatlong palapag, at may kasamahan siya sa bahay na iba ang lahi at parang amo na rin umasta dahil matagal nang naninilbihan doon.

Bukod sa madami ang trabaho ay hindi din siya binibigyan ng sapat na pagkain, na madalas ay laging wala sa oras.

Call us!

Minsan, ang almusal niya at tanghalian ay pinagsasabay na niya dahil alas 2 ng hapon na siya binibigyan ng pagkain. Dahil dito ay bumagsak agad ang katawan ni Lovie.

Lagi din kasi siyang pagod dahil kahit tanghaling tapat ay pinapalinis siya ng bubong, mga bintana at balkonahe ng bahay na may tatlong palapag. Samantala ang kasama niya ay papetik-petik lang sa trabaho.

Gumagawa ito kapag nakaharap ang amo, pero kung wala ay hindi na ginagawa ang trabaho. Minsan pa ay sa kanya pinatapon ang lahat ng basurang iniwan ng mga nag-ayos sa kanilang bahay.

Dahil dito ay naisipan niyang isangguni sa isang kaibigan ang planong magbitiw sa trabaho. Pinayuhan naman siya ng kaibigan na maghanap muna ng kapalit bago magpaalam sa amo. Agad namang sinunod ni Lovie ang payo sa kanya, at suwerte niya dahil may nagkagusto kaagad sa kanya na mukhang mabait.

Nakapagtrabaho na siya sa Gitnang Silangan at sa Singapore kaya madali siyang nakahanap ng bagong amo.

Call us now!

Pagkatapos niyang makipagpirmahan sa bagong amo ay kaagad siyang nagbigay ng isang buwang pasabi. Ngunit isang araw pagkatapos niyang magpaalam ay pinababa na si Lovie, at inutusan ng amo na umuwi na agad sa Pilipinas.

Hindi naman siya pumayag sa gustong mangyari ng kanyang amo, kaya binigyan din siya ng ilang araw na makapaghanda at makapamili ng maiiuwi niya sa Pinas.

Ayaw pa siyang bayaran noong una dahil siya daw ang umayaw, pero nangtawiran siya na may pasabi siya, at sila dapat ang magbayad sa kanya dahil pinapababa na siya agad. 

Call now!

Natakot namang di magbayad ang kanyang amo noong pinuntahan si Lovie  ng kanyang kaibigan para tulungan siyang maghakot ng mga gamit niya.

Sa bandang huli ay nakuha naman niya ang mga dapat niyang kabayaran kaya masaya na siyang uuwi, lalo at may babalikan naman siyang amo na pakiramdam niya ay mabait at makakasundo niya.

Ayon kay Lovie mainam din na humingi ng payo sa mga kaibigan para lumakas ang iyong loob para ipaglaban ang karapatan. Si Lovie ay 35 taong gulang, may asawa at anak at tubong Cagayan Valley. – Marites Palma
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Don't Miss