Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Hulog ng langit

07 July 2019



Isang Lunes ng hapon, day off ni Carmen, at katulad ng nakasanayan ay nag-ikot ikot muna siya sa isang mall bago umuwi. Tumitingin siya ng mga relo sa isang tindahan nang may tumabi sa kanya na mag asawang Intsik.

Itinuro ng babaeng Intsik ang isang hilera ng mga relo at tinanong si Carmen kung alin ang maganda. Tapos, bigla siyang kinuwentuhan ng babae, at sinabing kamukha ni Carmen ang anak nila na nasa UK.



CALL NOW!
Binili ng mag-asawa ang tinuro niyang relo, at ganoon na lang ang gulat ni Carmen dahil ibinigay sa kanya.

Kinabahan si Carmen at sinubukang tanggihan ang relo na nagkakahalaga ng $950 (ang original price niya ay $1,990) ngunit pinilit ibinigay ng mag asawa. Sabi lang nila, “It’s a simple gift,” tapos umalis na sila.


Call now!

Hindi makapaniwala si Carmen sa nangyari, at umuwing hindi maintindihan ang pangyayari. Masaya na may kaba.

Ngayon ay lubos na iniingatan ni Carmen ang natanggap na regalo at pinapalangin niya na sana ay marami pang biyaya ang dumating sa mabait na mag-asawang Instik.  Taliwas ito sa ugali ng amo niyang Intsik na pinagtitiisan lang niyang pakisamahan dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho.

Si Carmen ay 37 taong gulang, solong magulang ng isang anak at tubong Tarlac. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Tsing Yi. — Rodelia Villar
===
    I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL NOW!
Don't Miss