Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ano ang hatid ng kapaskuhan sa iyo

17 December 2019



BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Negatibo ang pananaw mo ngayon kaya hindi ka nakakatulog at makakain ng maayos; kumilos ka! Oras na upang ayusin ang mga gastusin. May mga pagtatalo, tampuhan o paghihiwalay sa relasyon. Pananakit ng likod ang mararanasan. Maayos at mabilis kang mag-isip kaya anumang hindi pagkakaintindihan ay maiiwasan. Huwag matakot na humingi ng payo sa matalik mong kaibigan. Lucky numbers: 11, 19, 33 at 45. 

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Huwag mainggit sa iba dahil pareho mo rin silang maraming problema. Sa pag-ibig,  dagdagan ang pang-unawa at bawasan ang pagiging mapag-angkin. Dagdagan ang pagkain ng gulay at pagkaing sagana sa fiber. Piliting kalimutan ang mga pang-iinsultong ibabato sa iyo. Kailangang bantayan mabuti ang pananalapi upang magbunga ito ng maayos. Lucky numbers: 7, 12, 23 at 44.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Kapag nalulungkot, gusto mong sumubok ng mga bagong bagay at magpakasaya. Mag-ingat sa mga sakit na nakakahawa. Kahit sa palagay mo ay hindi pa napapanahon, ayusin ang mga ari-arian at mga papeles upang maging maayos ang lahat. Mai-enjoy mo ng husto ang oras sa piling ng mga kaibigan. Mainit at masaya ang pagsasama ng pamilya at lalong mapapalapit ka sa mga anak. Lucky numbers:  9, 17, 25 at 37.

Call us!

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Mare-relax ka sa iyong tahanan ngayon. Bantayan ang kalusugan ng mga anak; siguraduhing napabakunahan sila. Ibubuhos mo ang lahat ng makakaya sa iyong proyekto, at makakasiguro ka ng magandang resulta. Ang love life mo ngayon ay parang roller coaster, pero nai-enjoy mo pa rin ito. Mag-ingat sa ilang kaibigan. Kung paiiralin ang pagiging positibo at realistiko, marami kang mapapag tagumpayan. Lucky numbers:  6, 13, 24 at 38.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Magugulatin at nerbiyoso ka ngayon. Sa trabaho, nagsisimula mo nang makita ang magandang resulta ng pinagpaguran. Mag-ingat na ipagkamaling totoo sa tunay na buhay ang iyong panaginip o pangarap dahil baka mauwi ito sa pagkabigo. Masaya ang relasyon sa pag-ibig at pakikipag-kaibigan o maging sa relasyon sa magkaibang henerasyon. Sa piling ng mga taong mahal mo, masaya ang buhay mo ngayon. Lucky numbers:  7, 14, 22 at 39.

Call us now!

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Mag-ingat sa taong pinagkakatiwalaan mo, pero siya palang haharang sa daraanan mo. Iwan sandali ang dating gawain upang makakita at makakilala ng mga bagong mukha. Iwasan muna ang bagong transaksyong pinansyal o tungkol sa bahay at lupa. Magiging mainit ang iyong love life. Upang magtagumpay, mas mabuting sundin ang plano at iwasang lumihis dito dahil mahalagang nasa tamang direksyon ka. Lucky numbers: 20, 21, 35 at 44.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Iwasan ang mga taong lumalapit sa iyo na sumali sa kanilang organisasyon. Posibleng makilala ang taong pinapangarap mo sa hindi inaasahang pagkakataon, at kung magkatuluyan kayo ay magiging masaya ang pagsasama. Iwasan ang alak at mga inuming matatamis. Malaki ang tsansa mong ma-promote o madagdagan ang sahod. Kung nag-iisa sa trabaho, mag-ingat upang makaiwas sa panganib. Lucky numbers: 4, 17, 35 at 36.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Masaya ang pakikisama mo sa iba. Mainit pa rin ang love life na nagbibigay sa iyo ng lakas at tibay ng emosyon. Sa trabaho, hindi ka takot sumubok makipagsapalaran. Ang pinansyal na kalagayan ay hindi matatag, huwag muna ding umasa sa kaunting pagbabagong magaganap dahil panandalian lang ito. Huwag pumasok sa malalaking transaksyon. Lucky numbers:  9, 11, 29 at 47.

CALL OUR HOTLINE!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
May magaganda kang ideya na sayang lang kung hindi mo gagamitin upang gumanda ang katayuan mo sa buhay. Mag-ingat ng husto sa mga gastusin; huwag kang mangutang. Kung single, maswerte mong makikilala ang taong makakasundo mo. Mataas pa rin ang ambisyon mo, at makakaasa ka ng tulong sa masisipag na tao; huwag nang magdalawang isip na makipagtulungan upang matupad ang gusto mo.  Lucky numbers:  11, 27, 33 at 39.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magtatagumpay ka sa iyong karera, pero mag-ingat sa taong naiinggit sa iyo na maaaring kaibigan o kaaway mo. Mag-ingat sa kinakain upang mapababa ang cholesterol mo. Tamang panahon na palawakin ang kaalaman; magbasa ng husto at maging interesado sa iba’t ibang bagay. Iwasang magka-love affair sa trabaho dahil baka ka magkaproblema at masira ang reputasyon mo. Lucky numbers:  14, 23, 26 at 31.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
May hinala kang pinagkakaisahan ka; pakalmahin ang iyong sarili at ang lahat ay magiging maayos para sa iyo. Masaya ang linggong ito para sa mga lonely hearts dahil baka mahanap mo na ang katapat mo. May swerteng darating sa iyo. Maganda ang relasyon sa malalapit sa iyo. Maaaring makaranas ng pananakit ng sikmura dahil sa problema sa panunaw. Lucky numbers: 19, 27, 32 at 43.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Kung single, makakasiguro kang marami ang humahanga sa iyo na nasa paligid mo lang. Piliting makita ang magagandang bagay at ang mga pagpapalang naidulot sa buhay mo. Nababahala ka sa mga materyal na bagay, pero huwag pahirapan ang sarili ng dahil dito. Alagaan ang kalusugan, kumain ng tama at mag-exercise. Sa trabaho, maging maingat at huwag madaliin ang lahat, ituon ang atensyon sa dapat gawin at huwag kang bibitaw. Lucky numbers: 13, 15, 25 at 37.

Don't Miss