Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Pebrero

02 February 2020


DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Maayos ang takbo ng trabaho kung babawasan mo ang daldal. Hindi ka mapakali dahil gusto mong masunod ang gusto mo, pero ayaw mong masira ang magandang samahan. Hindi mo kailangang magtaas ng boses para makuha ang nararapat na atensyon para sa iyo; tandaan na mas mabisa ang pakikipag-usap ng malumanay. Lucky numbers: 9, 13, 20 at 41.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Gagamitin mo ang iyong intuisyon imbes ang makatwirang paraan, at magbubukas ito ng bagong oportunidad para sa iyo. Madali kang magalit ngayon; piliting kontrolin ang emosyon upang hindi masira ang relasyon sa mga malalapit sa iyo. Kung matitino ang iyong mga kaibigan, bakit hindi ka sumama sa kanila? Ito ang magpapabago sa iyong mga ideya. Mas magiging ganado kang magtrabaho ngayon. Lucky numbers: 12, 34, 36 at 42.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Masigla at mataas ang tiwala mo sa sarili ngayon, na siyang magpapaganda sa lahat ng aspeto sa buhay mo. Hihingan ka ng payo ng mga malalapit sa iyo at malaki ang maitutulong mo, pero maging maingat sa pananalita. Nagiging kumplikado ang lagay ng relasyon kaya minsan ay hindi mo maiwasang magsinungaling, pero kapag nasanay ka rito, mas lalong bibigat ang sitwasyon. Lucky numbers: 17, 25, 31 at 44.

CALL NOW!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Alam mong itaas ang sarili upang anihin ang magandang bunga ng pinaghirapan. Ang anumang alinlangan ay maaalis kaya hindi ka na mahihirapang timbangin ang lahat. Magiging abala ang tahanan; kaanak na aalis, paglilipat o pagpapaayos ng bahay o pagi-istima ng mga bisita. May makakatagpo kang tao na makakapagpabago sa iyong plano. Lucky numbers: 7, 21, 40 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Mababawi mo ang kumpiyansa sa sarili at tapang ng loob. May mga taong magrereklamo tungkol dito pero wala kang pakialam. Ang gawaing iniatang sa iyo ay unti-unti nang nagbubunga ng maganda. Marami kang problemang dapat ayusin sa pananalapi, pero hindi ka gaanong mababahala. Sa trabaho, huwag umiwas makipag-diskusyon dahil mahalaga ito upang mapabuti at mapadali ang trabaho. Lucky numbers: 2, 19, 33 at 40.



CALL OUR HOTLINE

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
May mga pagbabaho sa pamilya o sa trabaho na hindi pwedeng iwasan o balewalain. Sumangguni sa mga mas nakakaalam at sundin ang kanilang payo. Makakaramdam ka na panibagong sigla. Kung nagmamaneho, iwasan ang pagpapatakbo ng matulin. Sa trabaho, kailangan mong manindingan at magkaroon ng sapat na motibasyon upang masunod ang gusto mong mangyari. Lucky numbers: 7, 22, 30 at 39.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Puno ka ng emosyon sa ngayon, pero walang makapagsasabi kung magiging masaya ang love affair mo o kung ang mga katangiang hinahanap mo ay nasa taong napupusuan mo. Kung maayos ang sistema mo sa trabaho, mas magiging madali at organisado ito at iba pang dapat gawin. Piliting masolusyunan agad ang malilit na problema sa samahan. Maging maingat sa mga iniinom na gamot na pampapayat. Lucky numbers: 9, 14, 26 at 37.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Para kang binagsakan ng langit at lupa sa dami at sabay-sabay na problemang dumarating. Mapapaaway ka sa katrabaho at magulo rin ang pamilya. Kumplikado rin ang lagay ng relasyon pero parang wala kang ginagawang paraan na ayusin ito kaya kanya-kanya muna kayo at walang kibuan. Bigyan ng atensyon ang pag-aaral ng mga anak. Lucky numbers: 21, 23, 35 at 43.



UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Kung single, subukan mong maglalabas upang makakilala ng mga bagong kaibigan. Pero magiging maswerte kang makikilala ang taong nakalaan sa iyo at makasama sa habang buhay, kahit hindi mo ito hanapin. Sa may asawa, may mga argumentong magaganap. Mag-ingat sa mga taong m TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
atatamis ang dila na bebentahan ka ng mamahaling kasangkapan. Siguraduhing may garantiya kang pwede itong isoli kung hindi magustuhan. Lucky numbers: 7, 10, 18 at 28.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Posibleng magkaroon ng problema sa pag-ihi at mga pananakit ng katawan. Piliting mag-relax at dagdagan ang pahinga. Kulang ka sa sigla at wala kang ganang magtrabaho; kumilos ka upang malabanan ang lahat na ito at bumalik ang dating tapang. Isipin na ang mga problema ay pagsubok sa buhay na kailangang pagdaanan. Lucky numbers: 16, 33, 45 at 46.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Mabibigyan mo ng atensyon ang love life sa kabila ng pagiging abala. Hindi ka mahihirapang mahanap ang taong mamahalin mo, kaya mababago ang iyong pananaw. Mababawasan ang mataas na ambisyon sa personal at material na bagay at makakaisip ka ng mga bagong ideya na magiging kapaki-pakinabang sa lahat. Gaganda rin ang iyong pinansyal na kalagayan. Lucky numbers: 3, 5, 33 at 39.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Gagana ng husto ang iyong imahinasyon upang makagawa ng plano na orihinal at kakaibang bagay na magugustuhan ng lahat. Sa mag-asawa, hindi maiiwasan ang mga pagsususpetsa at away na kung hindi mapag-uusapan, ay lalong lalala. Iwasang maging mapanghusga at bawasan ang pagiging makasarili. Matutukso ka ring gumastos ng husto at maaari kang mabaon sa utang. Lucky numbers: 5, 8, 18 at 27.

--

I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.






Don't Miss