![]() |
Ilan sa mga nagsalita sa protesta sa tabi ng gusali ng Konsulado. |
Itinaon sa mismong Araw ng Kalayaan ang protesta ng ilang grupo ng mga migrante kanina, laban sa mga sapilitang dagdag-bayarin ng mga overseas Filipino workers (OFW), na ipatutupad ng gobyerno.
Tinatayang aabot sa Php50,000 taon-taon ang babayarin ng isang OFW sa Hong Kong dahil sa sapilitang pangungulekta ng kontribusyon para sa Philhealth, Pag-IBIG
Fund, Social Security System, at mandatory insurance.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi ni Dolores Balladares, lider ng Asian Migrants
Coordinating Body: “Sana pakinggan ang mga daing ng mga OFW. Wakasan na ang pagturing
sa atin na gatasang baka.”
“Maraming pagkakataon nang pinahiwatig natin ang ating
kahilingan na bigyan ng trabaho ang mga Pilipino para hindi na tayo mapwersa na
mangibang bansa. Pero sa halip na tugunan ang pagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino, hindi ito nangyayari. Sa halip ay pinalakas pa ang pangungulekta, ang
pangingikil, ang panggigipit sa mga OFW,” ika niya.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Nais naming iparating sa ating gobyerno ngayon at sa
susunod na gobyerno na hangga’t hindi nareresolba ang pangmatagalang problema
natin -- ang kahirapan, kagutuman at kawalan ng trabaho -- patuloy na lalabas
ng bansa ang mga migranteng Pilipino,” dagdag niya
Sinabi naman ni Shiela Tebia, na kumatawan sa Gabriela Hong
Kong at Bayan Hong Kong-Macau, na huwad ang kalayaang ipinagdiriwang ng mga
Pilipino.
“Hindi natin ramdam na may tunay na kalayaan ang mga
Pilipino at mga OFW dahil hindi tayo malaya sa mga bayarin, hindi tayo malayang
mamili kung kaya ba natin itong bayaran o hindi. Ang ating pamilya ay wala ring
kalayan dahil hndi rin nila maiwasan ang mga taxes na ipinapataw ng gobyerno sa
atin.”
Ang kinatawan ng Abra Tinguian Ilocano Society naman ay
nagtanong: Bakit pagdating sa koleksyon, ang bilis nila, pero pagdating sa
serbisyo, galaw-pagong? Ito ba ang gobyernong nagmamalasakit sa mga OFW? Hindi
pa man natatapos ang pandemya, bakit parang tinapos lang ang eleksyon at
sinalubong tayo ng sandamakmak na listahan ng sapilitang bayarin?”
![]() |
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dapat pa nga, ika niya, ay exempted na ang mga OFW sa mga singilang ito.
“Bakit? Kulang pa ba ang mahigit 30 bilyong dolyar na remittance
na kinikita ng gobyerno mula sa atin at kailangan pang dagdagan ang mga bayarin?”
Ayon naman sa tagapagsalita ng Cordillera Alliance, “Walang malasakit ang gobyernong Duterte sa ating mga OFW. Ang mahalaga lang sa kanila ay remittances at kita na nakukuha nila sa mga koleksiyong ito."
"Sa halip na bigyan
ng tunay na serbisyo, tulong at proteksiyon ang mga OFW, lalo tayong pinapahirapan
ng mga dagdag-singilin na ito.”
Daing ng tagapagsalita ng Unifil-HK: “Hindi man lang tayo
kinunsulta kung tayo ba ay payag na magbayad ng expanded insurance na isa pang pabigat
sa atin. Ang mga amo ay mayroon nang insurance na ipino-provide sa atin dito sa
Hong Kong. Bakit dadagdagan na naman ng expanded insurance ang mga OFW bago
umalis at tuwing mag-renew ng ating kontrata?”
Sinabi naman ng tagapagsalita ng Mamamayang Liberal na ang gobyerno
ay walang malasakit sa mga OFW.
“Ang Philhealth hindi natin kailangan dahil alam natin na
libre ang pagpapagamot natin dito. Para saan ang karagdagang bayaring hinihingi
sa atin ng gobyerno? Bakit tuwing may ayuda sa Pilipinas, hindi nabibigyan ang
ating pamilya?"
Sana raw ay kasing bilis ng pagpataw ng mga dagdag-singil ang pamimigay ng ayuda sa mga OFW na nagigipit.
Ang Filipino Migrant Workers Union naman ay nakiisa sa mga
manggagawa sa Piliinas sa na itaas sa P750 ang minimum wage sa buong Pilipinas.
“Hindi na nakakaagapay ang mga manggagawa sa Pilipinas sa sobrang taas ng
bilihin at mga bayarin,” ika ng tagapagsalita nito.
Nagpahiwatig din ng pagkabahala ang mga nagprotesta sa biglang pagtaas ng presyo ng gasolina at bunsod nito, ang pagtaas din ng halaga ng iba pang mga bilihin, kaya napipilitan silang dagdagan ang ipinapadala nilang pera sa Pilipinas.
![]() |
PADALA NA! |