Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Kasong pagnanakaw ng saging at sushi, inatras laban sa Pilipina

15 September 2022

  

Iniurong ng taga-usig ang kaso sa Pilipina sa Eastern Magistracy

Nanatiling malinis ang pangalan ng isang Pilipinang domestic helper nang iurong ang kasong pagnanakaw laban sa kanya sa isang pagdinig ngayong araw ng Huwebes sa Eastern Magistracy.

Si M. Rivera, 58, ay inakusahan ng pagnanakaw ng isang pakete ng sushi at tatlong saging, na nagkakahalaga ng $25.40 sa tindahan ng Fresh sa Kornhill Plaza sa Quarry Bay noong June 19.

Inatras ang kaso laban sa kanya sa bisa ng isang bound-over order kung saan nakipagkasundo siya na hindi gagawa ng kasalanan sa susunod na 12 buwan, kung hindi ay magmumulta siya ng 500, bukod sa parusang itatakda sa kanya sa bagong kasalanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bilang kapalit ng pagsang-ayon ni Rivera, inurong ng taga-usig ang kaso at ibinalik ang kanyang piyansa. Ang taga-usig din ang nagmungkahi kay Magistrate Edward Wong Chin-yu ng parusa para matapos na ang kaso.

Ayon sa tagausig, hinuli si Rivera matapos siyang umalis sa supermarket dala ang mga produkto nang hindi nagbabayad.

PRESS FOR DETAILS!
BASAHIN ANG DETALYE

Nang imbestigahan sa istasyon ng pulis, mayroon naman siyang dalang $65 sa bulsa na maaaring naipambayad sana niya sa tindahan.

Samantala, mas malaki ang pinsala na inabot ni Rivera dahil sa nangyari dahil tinerminate siya ng kanyang amo matapos siyang hulihin, ayon sa sakdal na binasa sa kanya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss