Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Bayad sa namatay o nagkaroon ng kapansanan dahil sa trabaho, itinaas

20 March 2023

 Ng The SUN

Sakop ng Employee Compensation Ordinance ang mga FDH na naaksidente o namatay sa trabaho

Itataas ng mula 2.18% hanggang 19.05% ang kabayarang matatanggap ng mga nagkasakit o nagkaroon ng kapansanan nang dahil sa trabaho, simula sa April 13.

Ayon sa bagong amyendang Employees’ Compensation Ordinance na inaprubahan ng Legislative Council noong March 15, ang pinakamababang matatanggap ng pamilya ng isang manggagawa na namatay sa trabaho ay $486,300.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang halagang ito ang karaniwang iginagawad sa mga naulila ng isang manggagawa na pinakamababa ang sahod, katulad ng foreign domestic helper.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

(Nakamit ito ng pamilya ng isang Pilipina na nabangga ng bus pagkatapos sunduin ang alaga sa eskwela o ng isa pa na van naman ang nakabunggo, habang nagmamadali siyang dalhin ang susi ng kotse sa kanyang amo. Ito rin ang ibinayad sa anak ni Rinalyn, na nahulog mula sa isang mataas na gusali habang naglilinis ng bintana).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kung ang manggagawa naman ay nawalan ng kapasidad na makapagtrabaho muli dahil sa kapansanan, ang pinakamababang kabayaran ay $552,190.

Mas malaki pa ang igagawad kung kakailanganin ng tagapag-alaga ng isang naaksidente o nagkasakit ng dahil sa trabaho. Ang pinakamababang bayad ay $661,990.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero kapag ang isang manggagawa ay nabingi dahil sa trabaho, ang minsanang bayad na masisingil nila ay aabot mula $1.75 million hanggang $3.50 million, depende sa edad.

Ang pagtataas ng kabayaran sa mga taong namatay, nasaktan o nagkasakit nang dahil sa trabaho ay isinasagawa sa tuwing ikalawang taon.

Pindutin para sa detalye!

Para sa kumpletong listahan ng mga kabayaran, i click lang ang link na ito: https://gia.info.gov.hk/general/202303/17/P2023031600523_415082_1_1679020907312.pdf

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss