Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pilipina nakaiwas-kulong sa inaming pagnanakaw

22 March 2023

 

Ang tindahan na pinangyarihan ng nakawan

Isang Pilipina ang nakaligtas sa pagkakakulong ngayon sa Eastern Court nang isailalim siya sa bind-over order bilang parusa sa inamin niyang pagnanakaw ng mga pagkain at panlaba sa isang tindahan sa  Quarry Bay.

Hindi agad nakasagot si M.F. Peig, 41 taong gulang at isang domestic helper, nang tanungin siya ni Magistrate Daniel Tang kung payag ba siyang sumailalim sa bind-over at hindi siya makukulong kung mangangakong hindi magnanakaw muli.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nang tumango si Peig at nagsabing payag siya, ibinigay ni Magistrate Tang ang mga kondisyon -- na magbabayad sya ng $1,000 kung magkakasala ulit sa loob ng isang taon, maliban sa kaukulang parusa sa bagong kasalanan.

Kinasuhan si Peig ng pagnanakaw matapos siyang mahuli sa pagtangay nang hindi nagbabayad ng mga produktong mula sa Aeon Supermarket sa Kornhill Plaza sa Quarry Bay noong Oct. 4, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa pulis ito ang kanyang mga ninakaw: isang pakete ng steamed cheese cake, dalawang pakete ng milky steamed cake, isang bote ng soy milk, apat na pirasong chocolate candy at dalawang laundry capsule.

Ayon sa Theft Ordinance, ang pagnanakaw ay may parusa na hanggang 10 taong pagkabilanggo.


BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Matatandaan na noong Dec. 5, sa West Kowloon Magistracy, napatawan ng anim na araw na pagkakulong si Genelyn Cusay dahil nag-shoplift sa isang tindahan ng Wellcome Supermarket sa Lantau noong Nov. 22.

Pero dahil nabisto rin na overstay na siya nang higit sa anim na taon, na paglabag sa section 41 ng Immigration Ordinance, pinarusahan din siya ng dalawang buwan sa kulungan,  na kasasabay niyang pinagdusahan.

Pindutin para sa detalye!

Sa araw ding iyon, pinagmulta naman ng $1,000 si Apryl Ruth Peningeo matapos umamin sa West Kowloon Court na nag-shoplift sa Wellcome Supermarket sa Mei Foo Sun Chuen sa Cheung Sha Wan, Kowloon, noong Nov. 25. Ang ninakaw niya: tatlong pakete ng gulay, isang pakete ng tinapay, at isang pakete ng salmon na nagkakahalaga ng kabuuang $138.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

 

Don't Miss