![]() |
Ang shabu ay nakapaloob sa mga gomang tubo na ito (Customs photo) |
Apat na buwan matapos siyang makitaan ng breast cancer ay naaresto si Nellie A. Pangosban, 36 taong gulang at “recognizance holder” o asylum seeker, matapos tumanggap ng isang pakete na may lamang halos 5 kilo ng “ice” o shabu sa isang carpark sa Yuen Long noong May 20, 2021.
Matapos ang mahabang imbestigasyon ay inamin ni
Pangosban, isang dating domestic helper, ang hablang pagtatangka na mag traffic
o magpasa ng droga, at nasentensyahan siya ng 17 taon at 10 buwan sa kulungan
dahil dito noong August 1ng kasalukuyang taon.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay Judge Douglas Yau, binawasan na niya ng 1/3 ang dapat sanang sentensya ng Pilipina na 26 taon at 10 buwan dahil sa kanyang ginawang pag-amin. Pero dahil gumawa siya ng krimen habang pinipigilan nya ang pagpapauwi sa kanya, kailangan niyang patungan ang sentensya ng anim na buwan, na siyag pinakamaiksi na pinapayagan sa ilalim ng batas.
Hindi naman daw niya pwedeng bawasan pa ang
sentensya dahil may breast cancer ang akusado dahil hindi ito pinapayagan ng
batas.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
“Accordingly it is now well established that except in the rarest cases, a prisoner's medical condition is not a matter to which this Court will have regard for mitigation of a proper sentence, though it may well be a matter for the Executive if brought to their attention and deserving of consideration,” sabi ng korte.
“Plainly, therefore, there is nothing before us that would warrant the intervention of this Court, whatever view the Executive may take if it comes to that.”
![]() | |
|
(Matagal nang sinusunod ang patakaran na maliban sa mga piling kaso, ang kundisyon ng kalusugan ng isang akusado ay hindi nagbibigay-dahilan sa korte na babaan ang kanyang sentensya, liban na lang kung ang Executive ang magsasabi na maari itong ikunsidera.
Pero maliwanag sa kasong ito na walang kahit anong dahilan para baguhin ng korte ang patakaran, o kung ano man ang maging opinion ng Executive, sakali mang makarating doon ang kaso).
Dagdag pa ng hukom, walang pinagkaiba ang aktwal na
drug trafficking at “attempted drug trafficking. Ang pinakamataas na parusa na
maaring ipataw sa krimeng ito ay habambuhay na pagkakakulong at multa ng
$5million.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero pagdating sa ice o shabu, ang nirerekomendang
sentensya ay pagkakabilanggo ng 26 taon at 10 buwan.
Nahuli ang Pilipina sa carpark sa tapat ng palikuran
ng Ng Ka Tsuen sa Kam Sheung Road, Yuen Long nang tanggapin niya ang pakete na nakapangalan
sa isang “Kenneth,” at sinabing ipinagkatiwala sa kanya ang pagtanggap nito.
Lingid sa kanyang kaalaman ay nasabat na ng Customs
and Excise Department ang kargamento mula sa Thailand. Nang buksan nila ito ay nakita ang 4,960 gramo ng halos purong
shabu na nakatago sa limang rolyo ng gomang tubo.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ginawa ng mga taga customs ay pinalitan ng
asukal ang loob ng mga tubo, bago inempake muli ito at dinala sa
nakalagay na delivery address na No. 18 Ng Ka Tsuen.
Pagdating doon ay sinalubong sila ng akusado at sinabing
siya ang tatanggap para kay “Kenneth”, at nagpakita ng Canadian passport sa
pangalan nito. Agad namang tinawagan ng mg taga Customs ang manager ng kumpanya
na nag deliver ng kargamento, at sinabi nitong may iba nga daw tatanggap nito,
at binigay ang pangalan ni Pangosban.
Nang hilingin nila sa Pilipina na magpakita ng
katibayan na siya nga si Pangosban ay naglabas ito kanyang “recognizance
document” na nagpapatunay na isa siyang asylum seeker. Doon na siya inaresto.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa sumunod na pang-iimbestiga ay sinabi ng Pilipina na ang
pakete ay para sa isang kaibigan na dapat ay tatawag sa kanya matapos niyang
makolekta ito. Hindi daw niya alam ang pangalan ng kaibigang ito, pero alam
niya kung paano tawagan. Wala daw siyang tinanggap na pabuya mula dito.
Pero nang hilingin sa kanya ng mga ahente ng customs
na magpanggap siyang nakalusot ang kargamento para mahuli ang sino mang
tatanggap nito mula sa kanya ay tumanggi sya.
Sa sumunod na video interview sa kanya ng mga
awtoridad ay sinabi niya na nakatanggap siya ng alok trabaho mula kay “My
Friend” na kaibigan daw ng dati nyang boyfriend. Nakilala niya daw nya ito
noong September 2020 pero hindi niya alam ang tunay na pangalan. Basta lalaki
daw ito at tinatawag na “Ip-Gu” ng mga kilala nya.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Pagkatapos nito ay tinanggap na niya ang sakdal na
pagtatangka na magpasa ng mga droga.
Sa korte ay sinabi ng kanyang abugado na si
Pangosban ay may dalawang anak na babae, edad 12 at 14, na parehong inaalagaan ng
kanyang nakababatang kapatid. Dati siyang domestic helper na natanggal sa
trabaho noong 2019.
Noong January 2021 ay nakitaan ng breast cancer ang
akusado, pero dahil sa maagap na paggagamot ay “in remission” na siya ngayon, o
hindi na makitaan ng nakamamatay na sakit.
Tinangka ng kanyang abugado na pababain ang
sentensya ni Pangosban sa pagsasabing malapit na itong mag 50 bago makalabas sa kulungan,
at baka din daw bumalik ang kanyang cancer, pero hindi ito binigyang halaga ng
hukom.
Kahit pa daw hindi ang Pilipina mismo ang umangkat ng droga ay malala pa din ang kanyang naging partisipasyon sa tangkang pamamahagi nito.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |