Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Showing posts with label Buhay Pinay. Show all posts
Showing posts with label Buhay Pinay. Show all posts

Pilipina lilitisin sa sakdal na pananakit sa alaga

Posted on 31 October 2022 No comments

 

Ang gusali sa Tseung Kwan O kung saan nangyari umano ang pananakit.

Isang Pilipina ang itinakdang litisin sa Jan 11-12, 2023 sa Kowloon City Magistracy matapos na  tumanggi siya sa akusasyong sinaktan niya ang apat na taong gulang niyang alagang babae, dahilan para maipeksyon ang ari nito.

Sinabi rin ng abogadong nagtatanggol sa kanya na handang tumestigo si Rizalee Oyson, 39 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bago payagang makalaya sa piyansang $500, pinaalalahanan ni Magistrate Stephanie Tsui si Oyson na kailangan niyang makipagtalastasan sa abogadong itinalaga sa kanya ng Duty Lawyers Service ng korte, upang maging handa siya sa pagdinig.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Idinagdag niya na hindi papayagang maantala ang paglilitis dahil lang walang abugadong magtatanggol kay Oyson.

Sa panig naman ng taga-usig, limang testigo ang ihaharap nila sa paglilitis, kasama ang bata at ina nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kabilang sa mga ebidensiyang inihahanda nila ang video recording ng pagtatanong ng pulis kay Oyson matapos itong arestuhin noong Nov. 19, 2021 sa bahay ng kanyang amo sa Capri, sa Tseung Kwan O.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Unang tinawag si Oyson sa isang pagdinig sa Kwun Tong Court upang basahan ng kaso, kung saan inakusahan siya na nanakit sa kanyang alagang bat, dahilan para ito magsanhi ng kakaibang paghihirap, na paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.

Nagsimula ang kaso laban sa kanya nang biglang umiyak ang kanyang alagang bata, na apat na taong gulang, habang pinaliliguan niya ito noong Nov. 19, 2021. Nagreklamo ito na masakit ang kanyang ari.

Tumawag ng pulis ang ama ng bata at ipinaaresto si Oyson.

Pero ayon sa Pilipina, nangyari ito matapos siyang tanungin ng amo kung payag siyang pumirma ng bagong kontrata, dahil malapit nang matapos ang una, at tumanggi siya. Nakakita na rin siya ng among lilipatan, na suportado siya sa kasong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong Oct. 24, inutos ni Acting Principal Magistrate Amy Chan ng Kwun Tong na ilipat ng kaso sa Kowloon City Magistracy Courts. 

Ang kasong hinaharap ni Oyson ay paglabag ng Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance, na nagtatakda ng parusang aabot sa sampung taong pagkabilanggo, depende sa bigat ng pagkakasala.


Caregivers may upload vaccine passes of kids, elderly

Posted on 28 September 2022 No comments

By The SUN

 

Parents and caregivers can add the vaccination QR code of kids under their care

From Friday, Sept 30, all children aged five and above should have their own vaccine pass to enter certain high-risk premises, including restaurants, swimming pools, libraries and other venues.

To make it easier to get the children through these venues, parents and their carers may now store the kids’ vaccine pass along with their own, in the LeaveHomeSafe app. However, a paper copy of the kids’ vaccination QR code may also be used as vaccine pass.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The new function also allows anyone to store up to eight vaccine passes apart from their own, on their LHS app.

However, these additional vaccine passes could only be those of persons exempted from using the LHS app – such as children aged 15 and below, elderly aged 65 and above, or persons with disabilities.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Children aged 5 to 11 can obtain the vaccine pass after receiving two doses of a Covid-19 vaccine, or within three months after receiving the first jab.

Also starting on Friday, the grace period for persons aged 12 or above to receive the third dose of a vaccine will be shortened from six months to five months under the Vaccine Pass.

How? Pindutin ang poster sa itaas.

The moves came as the government reported 3,911 new Covid infections on Wednesday, including 208 imported cases.

Fourteen more Covid patients – aged between 57 and 97 – have died. Eight of them were not fully vaccinated.

In announcing the new rules for the vaccine pass, the government said that Hong Kong’s vaccination rate for those who have received the third dose has reached 77 percent, so there is certain level of immunity barrier in place.

However, the vaccination rate for the young and old, who are the targeted groups for protection, “still have room for improvement.” Thus, the lowering of the age requirement for the vaccine pass.

Press for details

“We strongly appeal to members of the public for arranging COVID-19 vaccination for their children and/or elderly family members without delay so that the children and elderly can get protection early through vaccination,” said the statement.

BASAHIN ANG DETALYE

“Members of the public who are eligible for the third or fourth dose should also get vaccinated as soon as possible to strengthen their own protection."

CALL US!

Pinay na nakalimot daw magbayad sa grocery, isinantabi ang kaso

Posted on 23 September 2022 No comments

 

Nanatiling malinis ang rekord ng Pilipina matapos dinggin ang kaso niya sa West Kowloon Courts

Hindi niya nabayaran ang kinuha niyang pagkain sa isang grocery na nagkakahalaga ng $94.70 dahil nalimutan daw niya, ayon sa isang Pilipina na humarap sa West Kowloon Magistrates’ Court sa Cheung Sha Wan ngayon (Sept. 23), sa kasong pagnanakaw.

Dahil sa kanyang paliwanag ay minabuti ng taga-usig na iatras na lang ang kaso laban kay G. Reyes, 47 taong gulang at domestic helper, sa kundisyon na hindi na siya lalabag muli sa batas sa loob ng isang taon. Kung hindi niya ito susundin ay pagmumultahin siya ng $1,000 at idadagdag pa ang parusa para sa bago niyang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hinuli si Reyes noong hapon ng Aug 12 nang makita ng isang nagpapatrulyang pulis na kinuha niya ang tatlong pakete ng pagkain sa tindahan ng ParkNShop Fusion sa Sham Mong Road sa Cheung Sha Wan at umalis nang hindi nagbabayad.

Nang imbestigahan siya ay ipinaliwanad niya na nakalimot lang siya at ipinakitang may $653 siya sa bulsa, na sobra sobrang pambayad sa kinuha niya. Gayunpaman, itinuloy pa rin ng pulis ang sakdal sa kanya.


Pindutin para sa detalye

Kinasuhan siya ng paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpaparusa sa pagnanakaw ng pagkakakulong ng hanggang 10 taon.

Pero matapos tawagin si Reyes sa korte at basahan ng sakdal, tumayo ang taga-usig at nagmungkahi na isailalim siya sa isang “bound over”, o pagsumpa na hindi na niya uulitin ang ginawa.

Press for details

Nang tanungin ni Principal Magistrate Peter Law kung sang-ayon siya sa mungkahi ng taga-usig, sumagot agad si Reyes ng “Yes.”

Matapos sumang-ayon si Reyes ay isinantabi ang kasong muntik nang sumira sa malinis niyang record sa Hong Kong.

BASAHIN ANG DETALYE

Sa hiwalay na pagdinig sa harap ni Magistrate Law, napagaang ang kaso laban sa isang Pilipino na unang inakusahan ng robbery, o panloloob at pagnanakaw. Ipinalit dito ang mas magaang na kasong “criminal damage”, o paninira.

Naakusahan si Brian Invento, 22 taong gulang at isang waiter, ng pagsira sa kahoy na pintuan ng isang kumpanya sa ika-16 na palapag ng isang gusali sa Sai Yeung Choi St. South sa Mong Kok.

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa Nov. 8. Nakakalaya si Invento sa bisa ng piyansang $10,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Next batch of HK residents who can get new smart ID cards announced

Posted on No comments

 


Hong Kong residents born in 1996, 1997, 1998, 1999 or 2000 and holding the old form of smart identity card should bring along their identity cards and apply for new smart identity cards, the Immigration Department announced today.

They can do this in person at a Smart Identity Card Replacement Centre (SIDCC) from October 7 (Friday) to December 10 (Saturday). The SIDCCs are open from 8am to 10pm and from Monday to Saturday (except public holidays).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The Territory-wide Identity Card Replacement Exercise covers all Hong Kong residents, whether they are permanent residents or non-permanent residents who are permitted to take up employment, make investment, reside or study in Hong Kong.

To avoid the gathering of crowds, Immigration appeals to applicants to make appointments via its  mobile application, the Internet (www.gov.hk/newicbooking), or the 24-hour telephone booking hotline 2121 1234.

Pindutin para sa detalye

Residents may scan the QR codes below to download its mobile application or to make an appointment for identity card replacement via the Internet. Immigration also appeals to applicants to pre-fill the application form when making appointments through the mobile application or the Internet for faster identity card replacement service.

For this exercise, Immigration is also implementing a caring arrangement under which each eligible applicant for identity card replacement may bring along up to two persons with disabilities to replace their identity cards together during the same visit to an SIDCC.

Press for details

For Hong Kong residents born in 1992, 1993, 1994 or 1995, their specified period for identity card replacement will end on October 6 (Thursday), while that for residents born in 1954 or before will end on January 14, 2023 (Saturday).

BASAHIN ANG DETALYE

The Replacement Exercise will end in early 2023 and those who have not yet applied for a new smart identity card should do so as soon as possible. Eligible Hong Kong residents who cannot have their identity cards replaced during the specified call-up periods due to their absence from Hong Kong can apply within 30 days upon their return to Hong Kong.

For details, visit the website www.smartid.gov.hk or call Immigration’s enquiry hotline at 2824 6111.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Nalibre na sa multa, nakaiwas pa sa kulong

Posted on 13 September 2022 No comments

 

Nakalibre sa multa at kulong ang isang Pilipina sa pagdinig sa Eastern Magistracy

Hindi lang nakalibre ang isang Pilipina sa multa na istriktong kinukubra ng gobyerno sa mga lumabag ng mga panuntunan laban sa Covid-19, nakaiwas din siya sa kulong kahit na nag-overstay siya sa Hong Kong nang halos isang taon.

Hinatulan ngayon (Sept. 13) si Ellyn Pinana, 28 taong gulang at dating domestic helper, ni Principal Magistrate Ada Yim sa Eastern Courts ng dalawang buwang pagkabilanggo, na suspendido ng 24 buwan, matapos niyang aminin ang dalawang sakdal na iniharap laban sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Para sa unang sakdal na pagtitipon-tipon, na labag sa Prevention and Control of Diseases (Prohibition of Group Gathering) Regulation Cap 599G, hinatulan siya ni Magistrate Yim ng 14 na araw na pagkakakulong, na hinati dahil sa kanyang pag-amin kaya naging pitong araw.

Sa ikalawang sakdal na pag-overstay, na labag sa Immigration Ordinance, hinatulan siya ng tatlong buwang pagkabilanggo, na binawasan ng 1/3 dahil sa kanyang pag-amin kaya naging dalawang buwan.

Ang dalawang sentensiya ay inutos ni Yim na tatakbo ng sabay, at sususpendihin nang 24 na buwan, na ang epekto ay tuluyan nang hindi makukulong si Pinana kung hindi siya magkakasala ulit sa loob ng dalawang taon. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

 “Kung ikaw ay gumawa sa loob ng 24 na buwan ng pagkakasala na may parusang kulong,” babala ni Magistrate Yim kay Pinana, “pagsisilbihan mo sa kulungan ang bagong parusa at idadagdag ang parusang ibinigay sa iyo ngayon.”

Hindi naman masasabing nakalusot si Pinana sa kulong dahil napiit siya nang 17 araw mula nang siya ay inaresto noong Aug. 27 hanggang pinakawalan siya ngayon upang mag-report sa Immigration Department para sa susunod na gagawin sa kanya.

Tumagal nang ganito ang kanyang pagkakakulong dahil dalawang beses na pinagpaliban ang pagdinig laban sa kanya. Noong una ay dahil naka quarantine siya dahil close contact ng isang nag-positibo sa Covid-19, at yung pangalawa ay dahil siya na mismo ang naimpeksyon. 

Isa si Pinana sa 46 kataong nahuli sa isang raid noong Aug. 27 na nagtitipon-tipon at nag-iinuman sa LKF The Port bar sa Ho Lee Commercial Building sa D’Aguilar Street, Central, nang lampas sa sa alas dos ng madaling araw, ang tinakdang oras para sa pagsasara ng mga bar.

Ayon sa salaysay na binasa sa korte, bandang 3:45am na nang katukin ng mga pulis at ahente ng Food and  Environmental Health Department ang bar,  at bumungad ang malakas na tunog ng sound system, at nakita nila ang mga taong magkakatabing nakaupo at nag-iinuman.

Sa mga sinita sa The Port bar, si Pinana lang ang inaresto at dinala ng pulis dahil wala siyang maipakitang Hong Kong ID. Ang iba ay agad pinagmulta ng tig $5,000.

Sinabi niya sa mga pulis na may sinamahan siyang mula anim hanggang walong katao, at nagpunta sila sa The Port dahil alam nilang bukas yun hanggang madaling araw.

BASAHIN ANG DETALYE
Sa imbestigasyon, lumabas na dumating siya sa Hong Kong bilang domestic helper noong Agosto  13, 2019 at nag-renew pagkatapos ng dalawang taon. Ngunit na-terminate siya nong Sept. 20, 2021 at dahil dito, dapat siyang umalis pagkatapos ng 14 na araw o sa Oct. 5, 2021.

Sinubukan daw nyang humingi ng extension sa kanyang visa pero hindi na nagpakita sa kanyang appointment sa Immigration. Nang mahuli siya ay mahigit sampung buwan na siyang overstay.

Sinabi ng kanyang abogado na hindi agad siya nakaalis ng Hong Kong dahil naghanap muna siya ng bagong employer, pero nabigo.

Hiniling ng abugado na pababain ang sentensiya ni Pinana na may asawa daw sa Pilipinas at 10 taong gulang na anak na babae. Nagsisisi daw siya sa kanyang nagawa kaya agad na inamin ang sakdal laban sa kanya.

Pagkatapos ng pagdinig ay sinabihan si Pinana na maaari na siyang lumabas ng kulungan. Hindi lang malinaw kung ano na ang mangyayari sa kanya ngayon, dahil nahuli na siya sa kanyang pag-overstay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Sali na sa buhul-buhol na istilo ng pag-guhit

Posted on 10 September 2022 No comments

 


Magkakaroon na ulit ang Guhit Kulay, isang grupo ng malikhaing OFW sa Hong Kong, ng workshop matapos ang dalawang taon ng pandemya.

Sa September 18 ay magbibigay ng workshop si Jacklyn Evangelista ng isang espesyal na istilo ng pagguhit, ang “scribble.” Ito ay ang mabilisang paggulit ng buhul-buhol na linya upang makagawa ng mukha ng tao.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE


Ayon kay Jacklyn, natutunan nya ang istilong ito dahil sa sitwasyon ng kanyang trabaho lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Laging nasa bahay ang mga amo at kulang ang oras nya sa pagguhit, kaya lagi syang nagmamadali.

Bilang isang ina at malayo sa pamilya ang pagguhit ang naging libangan niya upang maibsan ang kanyang lungkot at kahit pa tuwing araw ng pahinga niya ginagawa nynag produktibo sa pamamagitan ng pag-guhit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa taong 2022 ang “scribble” ang pangalawang workshop na ginawa ng Guhit Kulay.

Noong July 26, nagkaroon ng Basic Photography na itinuro ni Jhoan Estrera bago siya tuluyang umalis ng Hong Kong upang magtayo ng sariling negosyo na pagiging litratista ng mga kasal, binyag, at iba pang okasyon.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE


Ang “scribble workshop” ay gaganapin sa Bayanihan Center sa Kennedy Town sa Sept. 18, mula 10 nga umaga hanggang 12 ng tanghali.

Sa mga intresadong sumali mag WhatsApp lang sa numerong ito 59909724 -- Cris.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Hindi pwedeng magkaso kung pumayag sa ilegal na trabaho, ayon sa Labour Tribunal

Posted on 13 August 2022 No comments

 

Hindi umusad ang kaso ng isang Pilipina sa Labour Tribunal pero may natutunan naman siyang paraan kung paano matagumpay na magreklamo laban sa amo.

Feature

Dumulog sa Labour Tribunal ang isang Pilipina upang ireklamo na niloko siya ng kanyang mga amo at singilin ang mga dapat bayaran sa kanya. Hindi pinayagang umusad ang kanyang kaso, pero ang mga dahilan dito ay pwedeng magsilbing aral para sa lahat.

--

Kakaiba ang kasong inihain ni RSV, isang Pilipinang domestic helper, sa Labour Tribunal.

Sa mga kaso na dinudulog sa Tribunal, laging ang nakapirmang amo o kumpanya lang ang inirereklamo ng isa o mahigit pang manggagawa. Pero sa reklamong isinampa ni RSV ay tatlong employer ang kanyang kinasuhan,  na tatawagin nating Defendant 1 (D1), Defendant 2 (D2) at Defendant 3 (D3).

Sinabi ni RSV na sa unang kontrata niya, ang pumirma ay si D1. Sa ikalawang kontrata naman ay pumirma si D2.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tinanong siya ng presiding officer na si W. H. Pun kung bakit kasama si D3 sa kaso kung hindi naman siya pumirma sa kontrata.

Ang paliwanag ni RSV,  na pinagtrabaho siya kay D3 ng dalawang pumirma ng kontrata, at si D3 din ang nagbayad ng kanyang suweldo,  ay naka-alarma kay Pun.

“Ang sinasabi mo sa akin ay pagkukumpisal ng isang kriminal na gawain,” ika niya. “Ang ginawa mo ay malamang na maging problema para sa iyo.”

Pindutin para sa detalye

Ang pagtatrabaho sa taong hindi pumirma ng kontrata ng isang dayuhang DH ay paglabag sa mga kondisyon nang binigyan siya ng visa, paliwanag ni Pun.

Sumagot si RSV na dumulog nga siya sa Tribunal dahil gusto niyang pa-imbestigahan ang ipinagawa sa kanya.

“Pero wala kaming kapangyarihang mag-imbestiga,” ani Pun.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang tanungin naman niya si RSV kung nagreklamo na si RSV sa Immigration tungkol dito, sumagot ito ng hindi dahil hindi niya alam ang gagawin.

“Kapag ipinilit mo ang ganitong takbo sa iyong reklamo at nakarating ang kaso sa husgado, kahit manalo ka pa, posibleng magkaroon ng resultang hindi mo magugustuhan. Posibleng idemanda ka ng Immigration Department, at kanselahin ang iyong visa.”

Pinayuhan niya sa RSV na kumusulta sa abogado kung gusto niyang ipilit ang ganitong linya ng reklamo.

PRESS FOR DETAILS!

Tinanong naman ni Pun kung saan nakatira ang tatlong inireklamo ni RSV.

Nang sabihin ni RSV na magkakahiwalay sila ng bahay, tinanong siya kung bakit iisa ang address na ginamit niya para padalhan ng kopya ng kanyang reklamo ang tatlo.

Kailangan ng korte ang tamang address ng mga inirereklamo, paliwanag ni Pun, dahil kung hindi nila natanggap ang reklamo, hindi pwedeng umusad ang kaso laban sa kanila.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Nang sabihin ni RSV na umalis na sa Hong Kong si D3, na siyang tunay na may atraso sa kanya, sinabi ni Pun na ang korte ay may kapangyarihan lamang sa mga taong nasa loob ng Hong Kong.

Ang huling tinalakay ni Pun ay ang hinahabol ni RSV na hindi pa nabayarang suweldo, taunang bakasyon at mga statutory holiday.

Pinansin niya na walang paliwanag si RSV kung bakit nagkautang ng ganito ang mga inireklamo niya.

“Kailangan mong ipaliwanag at magbigay ka ng ebidensiya kung bakit dapat kang bayaran para sa mga ito,” ika ni Pun.

Sa huli ay binigyan ni Pun si RSV ng panahong pag-isipang mabuti kung paano niya ipiprisinta ang kanyang kaso. “Ayaw kong pagsisihan mo ang iyong napiling direksyon.” dagdag niya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss