Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Showing posts with label DIY Travel. Show all posts
Showing posts with label DIY Travel. Show all posts

Ang nakatagong ganda ng Wang Chung Stream

Posted on 07 August 2018 No comments
Ni Marites D. Palma

Ang pamumundok ay isang masaya at kaiga-igayang paraan ng pagsukat sa kakayahang makapaglakad sa kabundukan. Ito rin ay nagsisilbing komunyon o pagniniig ng tao at kalikasan, kaya mahalaga na mapanatili ang kaayusan sa paligid. Dapat siguraduhin na walang mga bakas o basura na maiiwan sa iyong paglisan. Kasabay ng pag-uuwi mo ng mga magagandang alaala ay dalhin mo na rin ang boteng pinaglagyan mo ng inumin at mga gamit sa pagkain. Ang ganitong panuntunan ang magsisiguro na ang mga magagandang alaala mo ng iyong pamamasyal at paglalakad ay mananatili hanggang sa iyong pagbabalik.

Kabilang sa mga magagandang lugar na maaring puntahan ng isang mahilig sa hiking at swimming ang Wang Chung Stream o Dragon Ball Falls na nasa Plover Country Park sa New Territories.

Ang Wang Chung Stream ay matatagpuan ilang metro mula sa sikat na Bride’s Pool na nasa loob din ng parke. Medyo mahirap ang paglalakad patungo dito dahil gugugol ka ng tatlo hanggang apat na oras mula sa bukana kung saan ka ibaba ng bus. Ang paglalakad ay pakanluran at pataas hanggang sa pinakatuktok ng bundok, at madadaanan ang ilang  matataas na talon na may malalim at malamig na pool o languyan. Ang madulas at matarik na lakaran ay di hamak na mahirap lakaran kaysa sa lugar na tuyo at patag.

Ang talon at ang batis sa ilalim nito ay nagbibigay ng panibagong sigla sa mga pagod sa pag-akyat sa bundok.

Magmula sa bus stop ng Brides Pool Road ay kailangan mong lumakad ng mga limang minuto bago marating ang bungad ng sapa. Mula naman sa dulo nito kung saan matatagpuan ang tulay ng Pat Sin Leng nature trail ay aabutin ka ng hanggang 25 minuto na paglalakad bago ka makabalik sa sa bus stop.

Ang antas ng hirap sa paglalakad dito ay 6/10, na ang ibig sabihin ay may kahirapan pero kaya pa rin ng karamihan dahil maraming may mga edad na ang nakakarating dito. Kahit iyong mga matagal nang naglalakad ay mahigpit pa ring pinapaalalahanan na huwag na huwag subukan na akyatin diretso ang mga malalaking talon, dahil may mga nagbuwis na ng buhay dito. Ang dapat gawin ay taimtim na sundan ang direksiyon ng mga nakataling ribbon sa mga sanga ng mga punongkahoy na siyang nagsisilbing gabay kung saan dapat dumaan para malampasan ang mga nagtataasang talon sa paligid at masiguro ang kaligtasan.

Sa mga mahilig ng live streaming sa Facebook, sorry at mahina ang signal ng internet dito dahil napapagitnaan ng mga matatarik na bundok ang sapa. Mag video na lang at i upload ang mga kuha mo habang naglalakad pabalik sa sakayan ng bus dahil tiyak na may signal na ulit dito. Pero ingat din habang nagkukuha ng mga litrato at baka ka madulas sa basang lakaran.

Ang pinakamagandang parte ng lugar na ito ay ang mababang parte ng sapa dahil dito makikita ang mga naglalakihang talon at malalalim at malamig na languyan.

Marami sa mga pumapasyal dito ang lumalangoy, nag da dive o nag I snorkel sa napakalinis at malamig na tubig.

Ito ang dahilan kaya paboritong puntahan ito ng mga turista, dayuhan man o lokal, tuwing panahon ng tag-araw. Hindi makukumpleto ang pagpunta mo dito kung hindi mo susubukang lumangoy o magtampisaw man lang sa malinaw na tubig. Para kasing nagsisilbing pantanggal ng tensyon at lungkot ang preskong tubig na dumadaloy sa mga languyan na ito.Hindi mo iindahin ang hirap at sakit sa pag-akyat dahil kapag nalampasan mo ang pinakamahirap na parte ay maaari kang magtampisaw muli para buhayin ang iyong damdamin.

Bagamat mahaba-haba at may kahirapan ang pagpunta dito ay lubhang ligtas ang paligid kaya maraming mga iba-ibang grupo ang dumarayo dito. Minsan, hindi maiiwasan na nagpapang-abot ang mga grupo ng hiker sa parteng mahirap daanan, halimbawa sa matarik na bangin, ngunit hindi naman ito malaking sagabal dahil maraming mga ugat at sanga ng punongkahoy ang maari mong kapitan para makatawid. At kahit mainit ang sikat ng araw ay hindi mo masyadong maramdaman dahil maraming mga puno sa daanan kaya malilim. Lubos ka ring maaaliw sa paglalakad dahil presko ang hangin sa paligid, at maraming makukulay na paruparo kang makikita sa paligid. Kitang kita din mula sa malinaw na tubig ng sapa ang ibat ibang uri ng isdang tabang na nabubuhay dito.

 Ang  Wang Chung Stream ay isa sa pinakakilalang stream  sa Hong Kong, napakadaling magtungo dito dahil ang bungad ay malapit lamang sa pinakahuling antayan ng bus sa Bride’s Pool Road.

Para makarating dito, sumakay ng MTR papunta sa Tai Po Market, at paglabas ay sumakay ng bus 75K or 20C na green mini bus patungong Tai Mei Tuk. Maiging mag-taxi mula rito papunta sa Bride’ Pool tuwing ordinaryong araw. Kung Sabado o Linggo naman ay maaring sumakay ng KMB Bus 275 K o 20 R mula sa Tai Po Market station at pupunta ito ng diretso sa Bride’s Pool Road.

Maaring padalhan ng mensahe sa Facebook messenger ang may-akda sakaling may gustong itanong tungkol sa hike na ito.

Balik-tanaw sa Po Toi Island

Posted on 18 May 2018 No comments
Ni George Manalansan

Sa kabila ng malakas na ulan at hangin ay hindi mapigilan ng grupo ni Lia Galve ang pananabik na marating nila ang isla ng Po Toi nang magsagawa sila ng kanilang ika-tatlong “Friendship Hike for a Cause” noong ika-15 ng Abril. Mabuti na lang at mga isang oras matapos silang magdesisyon na ituloy ang lakad ay parang milagrong bumuti ang panahon.

Sa Blake Pier ng Stanley, bandang alas 11 ng umaga, nang magkita-kita ang grupo kasama ang kani-kanilang mga kaibigan para sa kanilang nakatakdang pamamasyal sa Po Toi. Habang naghihintay ng “kaito”, o maliit na ferry na maghahatid sa kanila sa isla ay masayang nagkumustahan ang grupo. Maya-maya pa ay biglang sumungit ang panahon. Dumilim ang langit bago bumuhos ang ulan na may kasamang hangin.

Isa sa pinakamataas na bundok sa isla.
Napaisip bigla ang grupo kung itutuloy pa ba nila ang hiking. Hindi kasi biro ang maglakad sa maputik at madulas na daanan, bukod pa sa siguradong mababasa sila at bibigat ang mga kasuotan.

Lalong tumindi ang kanilang agam-agam nang dumating na ang kaito, eksaktong 11:30 ng umaga. Agad silang nagkunsultahan. Sasakay ba sila o magpapaiwan? Tumingala silang lahat sa langit na para bang humihingi ng senyales sa kalikasan. Isang batikan na sa hiking ang nagsabi na malamang na titigil din ang ulan dahil abot-tanaw ang maaliwalas na panahon sa may di kalayuan. Isa sa kanilang kasama ang nag-alinlangan, pero biglang sumagi ang dating karanasan sa bukid kung saan malalaman mo sa hitsura ng ulap kung magpapatuloy ba ang malakas na ulan o titila din paglipas lang ng ilang minuto. Sa tingin niya, hindi magtatagal ay mapapawi din ang sungit ng panahon kaya sumama na siya sa pagsakay sa bangka.

Pagdaong nila sa isla ay umaambon pa rin, at dahil oras na ng tanghalian, nagpasya silang kumain na muna. Sa hindi kalayuan ay matatanaw na ang ginagawang templong kawayan, at sa bungad naman ay mga lumang tindahan ng mga pinatuyong lamang dagat at sariwang seaweed, na siyang pinaka-kilalang produkto sa isla. Dahil may kanya-kanya silang dalang baon ay nagpasya silang bumili na lang ng seafood noodles para hindi nakakahiyang makigamit sa mga mesa doon.

Pagkakain ay tila nakiayon ang panahon dahil biglang nagliwanag ang paligid. Tuwang-tuwa ang lahat dahil siguradong isa na namang kaaya-ayang paglalakad ang kanilang mararanasan, dito sa mga isla na kilala bilang “South Pole of Hong Kong”.

Sa umpisa ng kanilang paglalakad ay kinailangang tahakin ng grupo ang isang mistulang kagubatan na mga 100 metro ang haba. Bagamat masukal ay naaliw naman sila sa dami ng mga tutubi at paro-paro sa paligid, na para bang umaalalay sa kanilang paglalakad.

Paglampas dito ay agad na tumambad sa kanila ang kakaibang tanawin ng mga bulubundukin at talampas na gawa sa granite, na siyang karaniwang makikita sa mga litrato ng Po Toi. Sa umpisa ay parang nakakatakot na tahakin ang lugar, nguni’t agad ding mapapansin na sementado ang daraanan, at may mga hawakang rehas bilang dagdag sa seguridad sa mga namamasyal dito.
Mabatong lakbayin.

Mula sa daraanan ay makikita ang isang hagdanan papunta sa gilid ng dalampasigan na walang tigil na hinahampas ng alon. Hindi maipagkakaila na malakas ang alon dahil kitang-kita ang pagkahawi ng mga seaweed tuwing salpok nito sa pampang. Ang isa pang nakatawag-pansin ay ang maraming ibon sa naghahanap ng matutuka sa buhanginan.

Ang isla ng Po Toi ay tinatayang apat na kilometro- kuwadrado ang kabuuang sukat, pero may 200 katao lang na naninirahan. Kabilang sa mga na may landmark o muhon sa isla ang Tin Hau temple, ang Old Mansion of Family Mo na may reputasyon bilang isang haunted house, at ang mga naglalakihang mga bato na iba-iba ang hugis, katulad ng Palm Rock na hugis-palad; ang Tortoise Rock na mistulang pagong na gumagapang paakyat; ang Monk Rock na animo ay isang monghe na nakaupo at nagtuturo sa mga maliliit na bato sa paligid na parang mga batang monghe.

Sa isang mataas na bahagi ng isla ay makikita ang isang lighthouse. Matatanaw mula dito ang timog karagatan ng Hong Kong, ang mga naglalayag na mga barko, speed boat, at kaito, ang pati ang mga karatig na isla.

Makatawag-pansin din ang isang pader sa gilid na isang bato kung saan makikita ang mga nakaukit na mga hayop, isda,  ulap, kidlat at tao, at ayon sa impormasyon doon ay mahigit 3,000 taon na ang mga ito. May makikita ding mga inukit na mga anito at totem pole ng mga sinauang tao na nanirahan dito ilang libong taon na ang nakakaraan,

Ang Po Toi ay isa sa walong isla sa Hong Kong na may rock carving sa tabing dagat. Ang iba pa ay Shek Pik, Cheung Chau,  Wong Chuk Hang,  Big Wave Bay,  Lung Ha Wan,  Kau Sai Chau,  Tung Lung Chau.  Ang pag-aalaga sa mga rock carvings na ito ay isinailalim sa HK Antiquities and Monuments Office para masiguro ang kanilang pagpapanatili

Kitang kita ang pagsisikap ng pamahalaan ng Hong Kong na gawing kaaya-aya ang pamamasyal dito dahil maraming mga portable toilet sa paligid para sa mga bisita na hindi mapigilan ang tawag ng kalikasan.

Sa isang dako naman ay may isang sementeryo na kadalasang iniiwasang mahagip ng camera ng mga nag se selfie,

Tuwang-tuwa ang lahat ng mga sumali sa lakad dahil nakakita sila ng mga kakaibang tanawin, at nakaramdam ng kakaibang ihip ng hangin. Kabilang sa kanila sina Edna Solidad at Rowena Arandia, na mga nature lover daw.

May dalawang residente din na nag-enjoy, ang magkapatid na sina Ronnie at Marissa Torralba, na natuwa dahil isang magandaang paraan daw ng pag-eehersisyo ang kanilang ginawa.

Bago umuwi ay hindi nakaligtaan ng grupo na bumili ng mga pinatuyong seaweed sa halagang $10 lang bawat pakete. Bukal sa loob din silang nag-ambagan para sa itinakdang beneficiary ng kanilang proyekto, ang mga bata sa Guimaras Island kailangan ng tulong para sa kanilang mga gamit sa eskuwela, sa pamamahala ng children’s ministry ng Guwainon Fundamental Baptist Church.

Madali lang puntahan ang Po Toi island. Mula sa Central ay sumakay ng bus 6, 6A, 6X, 66, 260 papunta sa Stanley Blake Pier, at mula dito sumakay ng kaito papunta sa isla.

Pineapple Dam Nature Trail and Shing Mun Reservoir

Posted on 21 March 2018 No comments
A monkey stands guard over his own territory as hikers invade.By George Manalansan


A group of 29 migrant workers trekked through the Shing Mun Country Park and its Pineapple Dam Nature Trail on Feb. 11, for their second “Friendship Hike with a Cause” for underprivileged children in Nueva Valencia, Guimaras Island.

The group that simply calls itself “Hong Kong Friends” to the Children’s Ministry of the Guiwanon Baptist Church, raised money for their beneficiaries’ classroom supplies for the coming school year.

Their walk that took them through the Shing Mun reservoir and the Pineapple Dam Trail covered about six kilometers both ways, and took them four hours to complete. The Dam is so named because it used to be one huge pineapple plantation.

The trail is easy, with concrete pavement all the way. There are 14 scenic spots along the way, including the reservoir, catchwater, small waterfalls, rocky formations and interesting trees, including Chinese banyans, hog plum and sweet gum.

On of the 14 scenic spots along the way: the dam.
The temperature was a pleasant 14 degrees when the group started out, but the strain from the walk made them feel hot after the first kilometer or so.

Come lunch time, they all stopped and gathered for a feast prepared for the January and February birthday celebrants. The spread included Filipino dishes, pasta and noodles, as well as cakes and fruits. Everyone had a good time eating, drinking, dancing, and swapping stories.

The only thing they had to be wary of were the hungry and aggressive monkeys around, one of which snatched grapes from trekker Cecil Eduarte. There were signs saying the monkeys were not to be fed, as they have their own food in the forest. The penalty for violators is a fine of up to $10,000.

At the end of the walk, all the participants said they felt energized and grateful that their healthy undertaking also raised money for a good cause.

How to get there?

Take the MTR from Central to Tsuen Wan, then take Exit  A1 to Shiu Wo Street. From there, take mini bus No. 82M all the way to its final stop which is the Shing Mun Reservoir.


Bagong taon sa Dragon’s Back

Posted on 15 January 2018 No comments
One of the highlights of the walk is going through a tunnel of trees.
Ni George Manalansan

Naging masaya at masigla ang pangangatawan at isipan ng mga miyembro ng grupo ni Lia Galve, sa kanilang ginawang pagtalunton sa popular na Dragon’ s Back trail sa  Shek-o Peak, noong unang araw ng bagong taon. Binansagan nilang “Friendship Hike with a Cause” ang kanilang paglakad dahil ang mga dumalong kaibigan ay mula sa iba’ t ibang samahan sa Hong Kong.

Nag-umpisa ang paglalakad mula sa bus stop ng To Tei Wan, bago binagtas ng grupo ang daan hanggang Big Wave Bay Beach. Inabot ng mahigit tatlong oras ang paglalakad na pinasaya ng manaka-nakang pag se “selfie” ng mga kalahok.

Participants of the Hiking for a Cause project (above) pose at one of the stops in Dragon’s Back trail, Shek O, on New Year’s day 2018. 

Habang nasa gasgas na landas, makikita sa lupa ang mga nakausling bato at mga ugat ng mga puno na siyang nagsisilbing  tuntungan sa trail. Ang bahagi naman na walang mga puno, kung saan natatanaw ang Shek O beach, ay paboritong lugar ng mga Intsik na mahilig magpalipad ng remote control airplane.

Sa patuloy na pagtugaygay ay makikita at malalaman kung bakit ito tinawag na Dragon’s Back. Dahil kasi ito sa paalon-alon at paliko-liko na daanan, na animo’y tunay na likod ng dragon.

May bahagi ang trail na parang tunnel, at ito ay nasa gitna ng gubat na napapalibutan ng mga punong madahon, kaya ang simoy ng hangin dito ay lubhang nakakaluwag ng paghinga. Makikita din sa itaas ang maraming maliliit na talon o waterfalls, na ang ilan ay walang tumutulong tubig, at animo’y natuyot na. Ang huling kilometro ng lakaran ay sementado na, at dito makikita ang proyekto ng Water Supplies Department para mas maiayos ang lugar.

Sabi ng isa sa mga naglakad, “talagang nawala ang pananamlay ko at sumigla ang aking katawan at isipan nang dahil sa mga benepisyong dulot ng  paglalakad.”

Kabilang daw sa kanyang mga New Year’s Resolution ang pagsumikapang makasama lagi sa mga lakaran, na agad namang sinang-ayunan ng kanyang kapwa hikers.

Sa pagbaba, makikita ang iba-ibang impormasyon tungkol sa bawat direksiyon na maaaring tahakin, katulad ng Big Wave Beach , Taitam at iba pang lagusan. Mabubulaga din dito sa mga nakapaskel na nagpapaalala ng: “Take your litter home.” Handa naman para dito ang tropa, dahil may dala silang mga plastic na lagayan ng basura.

Makikita din dito ang “Distance Post” kung saan may numero ng telepono na inilagay ng Country and Marine Parks Authority, para madaling mahanap ang kinaroroonan ng isang hiker sakaling mawala o may kailangang itawag na emergency,

Kung ang piniling daan pababa ay ang Big Wave, makikita ang isang maliit na komunidad kung saan may mga nag su surfing at may mga tindahan din ng barbecue at mga restaurant na ang pagkain ay mabibili sa abot-kayang halaga.

Hindi naman ito pansin ng grupo dahil marami ang nagdala ng pagkain, katulad ng biko, pancit, halayang ube, salad, buko pandan, salmon, ham, igadu, mango float, chocolate chip cookies , sandwiches, fried chicken at mga prutas.

Nag-ambagan din sila ng perang nakayanan ng kanilang bulsa, at bukal sa kanilang loob na ibigay. Gagamitin ito para bumili ng gamit sa eskuwela ng mga bata sa isla, na pangunahing proyekto din ng Guiwanon Fundamental Baptist Church, Children’ s Ministry na nasa Nueva Valencia, Guimaras Island.

Balak ng grupo na magsagawa ng apat hanggang limang “Friendship Hike with a Cause” sa mga darating na buwan ng taong 2018.

Para marating ito, sumakay ng MTR papunta sa Shaukeiwan. Lumabas sa exit A, at hanapin ang bus terminus. Sumakay ng bus #9 papunta ng Shek-o, at bumaba sa stop ng To Tei Wan.

Ihaw- ihaw sa Hung Mui Kuk

Posted on 10 January 2018 No comments
Maraming Pilipina ang nakaugalian nang mamasyal ay magpalipas-oras sa parke.


Ni George Manalansan 

Isa ang Hung Mui Kuk barbecue area na nasa loob ng Lion Rock Country Park sa Taiwai, New Territories, sa mga paboritong puntahan ng mga migranteng Pinoy at lokal na residente tuwing piyesta opisyal, o araw ng pahinga.

Ang lugar ay may mahigit 50 ihawan, ngunit kailangan pa ring magtungo dito ng maaga para makasiguro ng puwesto dahil naging ugali na ng mga dumarayo dito ang mag barbecue habang nagkakasiyahan.

May mga lakaran din paakyat ng bundok kaya maaaring mag ehersisyo muna bago magkainan. Kilala ang lakarang ito na tinawag na Hung Mui Kuk Nature Trail sa dami ng magagandang tanawing makikita paakyat ng bundok.

Sa tuktok ay makikita ang kilalang Amah Rock, na ayon sa pabula ay rebulto ng isang babae na nagihintay sa pagbabalik ng kanyang nawawalang asawa.

Ang lakaran o trail ay 1.3 kilometro ang haba, at kakakailanganin ng isang oraso mahigit pa, para ito mabaybay sa kabuuan.

Ayon kay Junalyn Atriginio na madalas mamasyal dito, kailangan na ang isa sa grupo ay magtungo dito ng maaga para masigurado ang puwesto. Saka na lang daw sumunod ang iba na namalengke ng mga iihawing pagkain,

Maaga pa lang kasi ay makikita nang nagbabaan ang maraming tao mula sa mga sasakyan, o naglalakad papunta dito, bitbit ang uling, pantuhog , mga inumin, at ang iba-ibang karne at lamang dagat na iihawin.

Madami din sa mga dumarayo dito ang makikitang may dalang aso, tungkod at malalaking backpack na puno ng mga gagamitin paakyat sa bundok. May bata at matanda, babae, lalaki o ibang kasarian, ang makikita na tinatahak ang matarik na daan paakyat o pababa mula sa bundok. Marami kasi ang halatang bihasa na sa paglalakad kaya balewala sa kanila ang pag-akyat, panaog mula sa bundok.

Sa grupo ni Caroline Canete, may ilan sa kanila ang pinipili ang umakyat muna sa bundok habang ang a kasama nila ay kampante na sa pagkukwentuhan at pag-iihaw sa kanilang kakainin.

Sabi ni Caroline, mahirap akyatin ng diretso ang bundok. Kailangan ay  pahinto-hinto muna para makapahinga, lalo na yung baguhan sa pamumundok. Malaking ginhawa daw ang mararamdaman kapag umabot sa mataas na parte dahil masarap langhapin ang sariwang hangin. Mas maganda daw na umakyat kapag medyo malamig na ang panahon dahil hindi ka masyadong makakaramdam ng pagkahapo at pagod.
Sa entrance pa lamang ay naamoy na ang pagkain mula sa Hung Mui Kuk barbecue area na nasa loob ng Lion Rock Country Park sa Taiwai, New Territories.

Nagpaalala naman si Junalyn na ingatan ang mga dala dahil may mga unggoy sa paligid na mahilig mang-agaw ng  pagkain. Nasanay kasi ang mga unggoy na pinapakain ng mga namamasyal dito kaya parang nakalimutan na nila ang kanilang sariling kakayahan na maghanap ng kakainin sa bundok.

Laging masaya ang mga OFW na dumadayo dito dahil hindi lang basta kainan at kuwentuhan ang kanilang ginagawa, kundi pati kantahan at sayawan sa saliw ng tugtog mula sa kanilang mga cellphone o bluetooth speakers.

Isa sa naging punto ng usapan ng grupo nina Caroline ang mga hitsura ng talong na iniihaw ng mga tao sa paligid. Iba-iba kasi ang laki at hugis, may payat na mahaba, punggok na mataba, may baluktok at diretso. Lalo nang naging berde ang msayang usapan  nang ihain ang mga bagong ihaw na talong na nanguluntoy na sa lambot.

Sabi ni Junalyn, pakiramdam niya ay hindi siya natunawan sa dami ng kanyang kinain, at walang humpay na kuwentuhan at halakhakan.  Sayang nga lang daw at kailangang umalis ng maaga ang ilan sa grupo dahil malayo pa ang kanilang uuwian.

Para makarating dito mula sa Central, sumakay sa bus no 182 papuntang Shatin at bumaba sa unang tigilan pagkalampas ng Lion Rock Tunnel.

Para mapabilis, maaaring sumakay sa MTR at bumaba sa Tai Wai station. Mula doon ay maaring sumakay sa taxi papunta sa Hung Mui Kuk. Hindi na muling papatak ang metro sa lapit ng biyahe.

Kung gustong mamili muna ng iihawin ang pinakamalapit na bilihan ay ang Tai Wai market.

30 taon ng Pixar animation, tampok sa Heritage Museum

Posted on 30 November 2017 No comments
Mga cartoon characters ang makakasalamuha mo sa Hertiage Museum.

Ni Marites Palma

Isa ka ba sa mga namangha at naaliw sa mga animated movies gaya mg Toy Story, Cars, Monsters University at Monsters, Inc?

Ngayon, maaari mo nang masulyapan ang naglalakihang iskultura nina Woody, Buzz Lightyear, Nemo, Carl, Sadness at Joy at iba pang sikat na karakter na likha ng Pixar Animation Films, sa pagbisita sa Hong Kong Heritage Museum sa Shatin.

Sa halagang $20 lamang (may discount sa grupo, at kalahati ang bayad sa mga estudyante, senior citizen at may kapansanan) ay maari nang matunghayan ang piling koleksyon ng Pixar, bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo nito.

Ang exhibit na may pamagat na “Pixar 30 Years of Animation: Hong Kong Celebration of Friendship and Family” ay bahagi ng paggunita sa ika-20 taon ng pagkakatatag ng Hong Kong SAR. Magkatuwang sa pagtatatag nito ang Heritage Museum at Pixar Animation Studios, sa pakikipagtulungan ng Walt Disney Company. Makikita ang exhibit sa Thematic Galleries 1 & 2 sa unang palapag ng museo.

Ang Pixar ay itinatag noong 1986 sa Emeryville California, USA, at nakilala agad sa dahil sa husay nito sa paggamit ng computer animation. Ang kanilang Toy Story na ginawa noong 1995 ay lumikha ng kasaysayan bilang kauna-unang pelikula na ginawa sa pamamagitan ng computer animation.

Ang mga pelikulang ito ng Pixar ay nagbigay ng kasiyahan, hindi lang dahil sa husay ng kanilang computer animation, kundi pati sa kakaibang istorya at adventure ng mga bida sa mga ito. Bagamat cartoon ang kanilang mga hitsura at galaw, ang mga kwento nila sa pelikula ay kahalintulad ng mga nangyayari sa mga tunay na tao. Nagbigay sila ng kalungkutan at kasiyahan, at higit sa lahat ay nagturo sila ng magandang aral sa mga manonood. Sa Pixar, ang artikistikong paggawa at kwento ng pelikula ay kasing halaga ng husay sa teknolohiya.

Ang mga palagiang tema ng mga pelikula ng Pixar at tungkol sa masalimuot at masayang relasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, at mga kaibigan. Sa paraang ito ay nakakapulot ng mahalagang leksyon sa buhay ang mga manonood. Nabubuo din sa isipan nila na gaano man kalaki ang balakid na nakaabang sa buhay ng bawat isa ay may laging tatayo at susuporta sa kanila, mula sa kanilang pamilya o matatalik na kaibigan. Lagi din dapat na positibo ang pananaw sa buhay.

Sa exhibit na ito ay makikita ang ilang mga piling artwork na nagawa mula pa sa traditional at digital media kasama na ang hand-drawn sketches, paintings, storyboards at sculptors. Pinatotohanan ang naging paglikha sa mga ito sa interview sa mga artist at iba pang nasa likod ng Pixar Films. Bahagi ng kanilang kuwento ang kung saan nagmumula ang mga inspirasyon nila sa paglikha.

Kabilang sa kanila si Pete Docter, direktor ng ‘Inside Out” (2015), na nagsabi na habang ginagawa niya ang pelikula ay mas napagtanto niya na ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang nakakapagbigay ng tunay na kagalakan sa kanya. Gayunman, sila din ang sanhi minsan ng kanyang pagkagalit o pagkakaraon ng kakaibang takot at kalungkutan.

Mula naman sa Director ng “The Good Dinosaur” na si Peter Sohn, kahit daw hindi nag-uusap ang mga kasamahan niya sa pelikula dahil magkaiba ang kanilang wika ay  nagkakaunawaan sila sa maraming bagay, at mula doon ay umusbong ang maganda nilang pagkakaibigan.

Naniniwala naman si John Lasseter, Chief Creative Officer ng Walt Disney at Pixar Animation Studios na masisiguro ang paggawa ng isang nakakabighaning pelikula kung (1) mailalahad ang isang makapigil-hiningang kuwento sa paraang halos mahuhulog na sa upuan ang mga nanonood; at 2) makapaglagay ng mga karakter na tatatak at titimo sa puso’t isipan ng manonood. Kapag nagawa mo daw ang mga ito ay siguradong mapapasaya mo daw nang husto ang mga manonood, at marami ang tatangkilik sa pelikula.

Ang Pixar Studios ay pumili ng 180 exhibit na hindi pa nakikita sa Hong Kong at isinama sa kakaibang pagtatanghal na ito. Kasama dito ang artwork at scuplture ng “Coco”, ang pelikulang ipapalabas pa lamang sa mga sinehan sa Hong Kong sa mga huling linggo ng kasalukuyang taon.

Mayroon ding palabas sa may Hong Kong Toy Story Gallery na aabot sa 15 minuto, kung saan makikita ang orihinal na porma ng “Art scape” na ginawa ng iba-ibang artist ng Pixar mula sa tradisyunal na gamit katulad pastel, charcoal at gouache.

Ang mga tampok na gawa na makikita sa exhibit ay ang sumusunod:
* Daisuke “Dice” Tsutsumi Moment Painting: Expeled Monsters University, 2013, digital painting Disney/Pixar
* Bob Pauley, Woody and Buzz, Toy Story, 1995, marker and pencil on paper, Disney/Pixar
* Peter Sohn, Spot and Arlo, The Good Dinosaur, 2015, pencil on paper, Disney/Pixar
* Steve Pilcher, Marida and Mum Bear Brave, 2012, acrylic on board, Disney/Pixar
* Albert Lozano, Joy, Inside Out, 2015, marker and grease pencil on paper, Disney /Pixar
* Budluckey, Tuck and Roll, a Buds life, 1998, pencil on paper, Disney /Pixar
* Greg Dykstra, Russell, Up, 2009, Cast urethane resin, Disney/Pixar

Ang Hong Kong Heritage Museum ay bukas araw-araw liban sa Martes, mula 10am hanggang 6pm. Para makarating dito, sumakay ng MTR papunta sa Lowu at bumaba sa Tai Wai station, bago lumipat sa Che Kung Mui station, at lumabas sa Exit A. Lumakad papunta sa ilog at tawirin ito sa pamamagitan ng footbridge, at makikita na ang museo sa kabilang dulo. Maari ding bumaba sa Shatin MTR station ngunit aabot ng mula 15 hanggang 20 minuto ang paglalakad patungo sa museum.

Ang natatanging exhibit na ito ng Pixar ay matatapos sa ika-5 ng Marso sa susunod na taon.

The Peak’s secret garden

Posted on 07 November 2017 No comments
A Chinese lion guards the pavilion. 

By Vir B. Lumicao

Nestled on a notch atop Victoria Peak in Hong Kong is a jewel of the former Crown Colony that mesmerizes visitors and relives the halcyon days of this bustling, vertically expanding yet sylvan city.

The notch where the green gem, Victoria Peak Garden, sits is part of the crater of an extinct volcano that was first named Mount Austin, for the former Colonial Secretary John Gardiner Austin and later named after the British monarch, Queen Victoria.

The 552-meter-high tree- and brush-covered granite mountain was and through the years became the most expensive real estate belt that is home to most of Hong Kong’s rich and famous.

Perhaps this explains why Victoria Peak Garden has remained an inconspicuous, almost secret community park since the completion of its $146.5 million redevelopment in 2007.

The Victoria Peak that most people know, whether they are Hongkongers or tourists, is a concrete landing where the Peak Tram ends and where stand two multi-level edifices featuring a viewdeck, souvenir shops and eateries. It is also where Harlech Road, Mt Austin Road and Lugard Road converge just below the Peak Tower.

Most visitors who take the Peak Tram or the public double-decker buses to The Peak get the impression that their experience is complete once they have circled Victoria Peak via the 3.5-kilomoter flat and paved Morning Trail.

The Morning Trail, with a pit stop at a small garden at the junction of Hatton Road and Harlech Road, may suffice for individuals or groups who want a leisurely nature walk around Victoria Peak or a short calisthenics session.

For people looking for a bigger park where kids can have fun and adults can sit on the lawn admiring the flowers or take a nap under the trees, Mount Austin Playground is just a 200-meter uphill walk from the Peak Tram.

But the park can get too crowded on Sundays and public holidays when families, tourists and groups of migrant workers stroll and loll on the lawns.

This situation led us on a recent day off to the upper parts of The Peak for a discreet spot to rest. We went further up Mount Austin Road towards the communication towers and discovered the quiet and alluring beauty of Victoria Peak Garden.

A white-and-red concrete pavilion that can take about 50 people under its roof stands on the site of the former Mountain Lodge, an alternate residence of colonial governors of Hong Kong until it was demolished in 1946.

The pavilion, guarded by a granite sculpture of a Chinese lion, was built on a concrete podium that provides a commanding view of points that lie southwest of The Peak, such as Pokfulam, Kennedy and the islands of Lamma and Lantau.

The southeast side of the pavilion overlooks the main garden, which has a gate that opens to a flat, well-manicured sprawling lawn. The centerpiece is a lone hexagonal gazebo from which radiate four flower gardens whose plant beds form four diametrically arranged fleurs-de-lis.   

We learned from frequent visitors that the park is a favorite site for pictorials of newly wed couples, especially those with a retinue of guests tagging along. On the day we were there, we chanced upon two pairs of newly-weds posing for souvenir pictures or walking about the main garden. 

The sunken garden.
A short walk east of the main garden lies a quieter, tree-hedged sunken garden with three Victorian gazebos strategically positioned on the edges of a wide green lawn. Among the few people who were killing time or picnicking on shady patches under the trees were small groups of expatriate families or OFWs.

Near the sunken garden is another pocket of green lawn bounded by vegetation where people take their pets for a walk or for play.

Victoria Peak Garden is ringed by a network of cobblestone paths obviously designed for joggers, pet walkers, exercise buffs, hikers and other people who need a quiet place to enjoy the outdoors. For the tired, there are wooden benches along the paths.

One path from the pavilion leads to a circular dead-end where one can view the top of Mount High West or look farther west to Kwai Chung, Tsing Yi and Lantau or south to Pokfulam. 

From Victoria Peak Garden, a visitor can walk back to the Peak Tower via Mount Austin Road or take the Harlech Road Fitness trail that descends to the Morning Trail at the Hatton Road junction, which winds all the way down to Pokfulam Road.       


Sulyap sa sentro ng Forbidden City

Posted on 08 October 2017 No comments
Ni Marites Palma

Ang Forbidden City, kabilang na ang Great Wall, ang dalawa sa pinakasikat na puntahan ng mga turista sa China. Hindi madaling marating ang mga ito, dahil bukod sa kailangan ng visa ay aabot sa apat na oras ang biyahe sa eroplano, doble ng lipad papunta ng Maynila.

Pero mula ngayon hanggang Oct 15, may pagkakataon na ang mga nasa Hong Kong na masilayan ang isa sa pinakamahalagang parte ng Forbidden City, ang Hall of Mental Cultivation of the Palace Museum, kung saan tumira ang walong emperador ng Tsina. At ito ay sa halagang $20 lamang.

Paano? Pumunta lang sa Hong Kong Heritage Museum sa Shatin para masulyapan ang marangyang bulwagang ito kung saan tumira ang mga sumusunod na emperador ng Tsina: Yong Zheng, Qian Long, Jiaqing, Daoguang, Zianteng, Tongzhi, Guangzu at Xuantong. Tiyak na hindi mapipigilan na mapa “wow” sa ganda ng mga sinaunang gamit na makikita dito, na siguradong limpak-limpak na salapi na ang halaga.

Ang orihinal na Hall of Mental Cultivation sa Beijing ay siyang susi sa pamamahala ng dating kaharian. Kasalukuyan itong sumasailalim sa pagsasaayos kaya ang may humigit kumulang 200 na mga mahahalagang gamit dito na mula pa noong Qing Dynasty ay dinala sa isang touring exhibition sa iba’t-ibang lugar, kasama na ang Hong Kong.

Kabilang sa mahahalagang gamit na makikita ang mga sumusunod: “cloisonne hotpot with floral pattern”, Qing Dynasty 1644-1911; “gold chalice of eternal stability inlaid with gemstones”, Qianlong period 1736-1795, Qing Dynasty; “plaque calligraphic inscription, “Room of Three Rarities”, Emperor Qianlong 1711-1799; “jade seal with characters “Valued Collection of Emperor Tongzhi’s Veneration of His Parents”, Tongzhi period 1862-1874, Qing Dynasty; “gourd-shaped wall vase with familie-rose flowers and poem in reversed panels with gilded floral scroll pattern on blue ground,” Qianlong period, 1736-1795, Qing dynasty.

Ang Hall of Mental Cultivation ay itinayo sa panahon ni Emperor Jiajing noong taong 1557 sa panahon ng Ming dynasty, at inayos muli sa Qing dynasty. Una itong ginawang pahingahan ng mga emperador hanggang naisipan ni Emperor Yongzheng ng Qing dynasty na tumira dito. Magmula noon hanggang matapos ang Qing dynasty ay dito na tumira ang mga emperador.

Ang pangalang Hall of Mental Cultivation ay hango sa tinuran ni Mencius sa Chapter of Dedication: “Leading a frugal life is the best way to cultivate the mind.”

Sa orihinal nitong lugar sa gitna ng Forbidden City ay matatagpuan ang bulwagan sa kanlurang bahagi ng palasyo ng Heavenly Purity. Ito ay itinayong symmetrical o balanse ang bawat parte, at ang pangunahing gusali nito ay binubuo ng pangharap at panglikod na bulwagan.

Binubuo ito ng pitong bahagi, at ang pinakauna ay ang Central Hall kung saan dating nagtitipon-tipon ang mga opisyal kasama ang emperador, para pag-usapan ang kalagayan ng kaharian.

Ang pangalawa ay ang West Warmth Chamber kung saan pinag-uusapan ang mga pang-araw araw na pangangasiwa sa gobyerno. Sa panahon ng panunungkulan ni Emperador Qianlong, ang mga pangalan ng mga opisyal na may ranggong general governor, provincial governor, district magistrate, military rank ng general at garrison commander ay makikita sa West Gate ng bahaging ito. Sa kanlurang pader naman ay ang listahan ng mga posisyon sa gobyerno sa buong bansa at ang paraan ng pagpili sa mga itiatalagang opisyal. Sa panahon ng masipag na emperador na si Yongzheng na natutulog lamang ng apat na oras kada araw ay nakalikha siya ng 92,000 na dokumento at nakapagsulat ng mga pambihirang katha na umabot sa 10 milyon na salita.

Sa pangatlong bahagi naman ng bulwagan ay makikita ang Room of Three Rarities, kung saan nag-aaral si Emperor  Qianlong. Hango ang pangalan nito sa tatlong katangian ng isang iskolar, ayon sa Song Dynasty Confucian scholar na si Zhou Dunyi. Mayroong tatlong mahahalagang piraso ng calligraphy na matatagpuan dito: ang “Timely Clearing after Snowfall” ni Wang Zizhi; “Note on Mid-autum” ni Wang Xianzhi, at” A Letter to Boyuan” ni Wan Xun. Ang napakaingat na pagkakaayos ng mga ito ay napanatili simula pa noong naging emperador si Qianlong na sumikat dahil sa pagkahilig sa mga wall vases na pinong pino ang pagkakagawa. Ayon sa kuwento, may 13 ganitong puswelo na maingat na dinadala ng mga taga palasyo tuwing dumadalaw si Qianlong sa Katimugan. Isinasabit ang mga ito sa sedan chair kaya sumikat ang ito sa tawag na “sedan chairvases”.

Sa pang-apat na bahagi ay makikita ang East Warm Chamber, na ayon sa sikat na French missionary at historian na si Jean-Francois Gerbillon, ay inilaan sa mga pintor, iskultor , tagalilok at iba pang mga artist ng palasyo sa panahon ni Emperor Kangxi. Sa panahon naman ni Emperor Yongzheng ay ginaganap dito ang seremonya para sa pagsusulat. Ang sikretong pamumuno ni Empress Dowager Cixi  noong panahon ng Qing dynasty ay dito rin naganap.

Sa panlimang bahagi naman ay nakapaloob ang Immortals Pagoda Buddhist Hall, kung saan nananalangin at nagninilay-nilay ang mga emperador. Ipinagawang muli ito noong taong 1746 hanggang 1747 para sa pagdarasal ni Emperor Qianlong. Ang pitong palapag na Amitabha Pagoda ay nakatindig sa gitna ng kwartong ito na parang isang mandala. Sa lahat ng naging emperador sa Qing Dynasty si Qianlong lamang ang pinakaaktibo sa kanyang pagsamba bilang Tibetan Buddhism. Maliban sa paghango niya ng mga Buddhist scriptures ay isinagawa din niya ang pag-iipon at pagsasaling-wika ng maraming literary classics ng Tibetan Buddhism, at nagpatayo din siya ng maraming templo sa loob at labas ng palasyo.

Ang pang anim na bahagi ay siyang tulugan ng mga emperador. Mayroong limang haligi sa bawat sulok. Ang likod na bahagi ng Hall of Mental Cultivation ay konektado sa harapang bahagi sa pamamagitan ng isang lagusan kung saan makikita hanggang ngayon ang pinakatulugan ng emperador. Sa itaas na bahagi ng higaan ay may plake kung saan nakalilok ang salitang Intsik na ang kahulugan ay “panibagong araw”. Sa ibaba ng plake ay nakasulat naman ang katagang “fortitude of heaven” o panggalan ng langit. Ang kanlurang bahagi ay ginagamit na hugasan, bihisan at kuhanan ng tsaa. Dito makikita na ang kaharian sa panahong ng Qing dynasty ay nakikilala ang estado ng isang tao base sa mga ginagamit nitong gamit sa pangkain. Iba-iba ang materyal, dibuho, kulay at dami ng gamit, depende sa ranggo ng gumagamit. Ang lahat ng gamit ng emperador ay pasadya, mula sa ginto, pilak, jade, porselana, enamel o ivory.

Sa panghuling bahagi naman makikita ang Imperial Workshop na itinatag noong panahon ni Emperor Kangxi. Ayon na rin sa pangalan ng parteng ito, dito ginagawa ang lahat ng mga gamit ng emperador. Kinakalap ng palasyo ang mga mahuhusay na manlililok sa lahat ng panig ng kaharian para lalong mapaganda ang 61 klase ng produkto na galing lamang sa Imperial Workshop. Ang mga materyales, disenyo, porma at pamamaraan ng paggawa ay ayon lahat sa takda ng kaharian. Mismong si Emperedor Yongzheng ang nagsabi na kailangang mapanatili dito ang mga istriktong pamantayan sa paggawa, at pati na rin ang patuloy na pagtuklas ng mas magandang paraan para sa pagpapadami ng produkto.

Hindi kataka-taka na ang gumagawa ng isang obra maestra ay inoobligahang gumawa muna ng balangkas ng proyekto at humanda para sa anumang puna o panukala ng emperador bago ito isakatuparan.

Ang exhibit ay tatagal ng hanggang Oct. 15. Nakatakdang isagawa ang dalawang family workshop, sa October 1 at 10, para magsilbing inspirasyon sa mga kabataan at kanilang mga magulang na magsabay na pumunta sa exhibit at matuklasan ang ilang mahalagang aspeto ng kanilang kultura. Gagawin ito sa pamamagitan ng laro, kwento, at pagsasadula. Magsisimula ito mula alas tres hanggang alas kuwatro ng hapon sa unang palapag ng museo. Para sa mga katanungan maaring tumawag sa numero bilang 27342178.

Bukas ang museum tuwing Lunes, at mula Miyerkules hanggang Biyernes, 10am-6pm. Tuwing Sabado, Linggo at public holidays ay bukas ito mula 10am-7pm. Sarado ito tuwing Martes.

Ang Hong KongHeritage Museum ay matatagpuan sa  #1 Man Lam Road, Shatin Hong Kong. Maaring tumawag sa numero bilang 21808188 para sa dagdag na kaalaman.

Ang pinakamadaling pagpunta dito ay sa pamamagitan ng pagsakay sa MTR. Bumaba sa Tai Wai station at lumipat ng linya papunta sa Che Kung Mui station. Lumabas sa Exit A at sundan ang direksyon papunta sa museum. Kung bababa sa Shatin station ay kailangang lumakad pa ng mga 15 minuto.

HK hikes a botanical field trip

Posted on 10 August 2017 No comments
By Vir B. Lumicao

Hiking on Hong Kong trails can be an educational field trip for a botany student, and a rewarding outing for a nature tripper, whatever time of the year.

Ripe pod of Asian Oak on Mount
Parker Road in Quarry Bay.
So wide is the biodiversity in a city as small as this former British territory, that there are plants or animals a hiker may encounter in the rugged hills of Tai Po but cannot be seen on the mountains of Lantau.

But then there is a species of African violets that grows on the mossy slopes of Pak Tai To Yan in Fanling that has close relatives on a moist rocky hillside on Victoria Peak as well as on the higher reaches of Mount Parker.

A steady stream of local and visiting hikers are almost always greeted by the mountain’s flora and a few of its less shy fauna like the rhesus macaques (a monkey species) which become aggressive when they sense food or threat to their young; as well as bees, birds or butterflies.

Once, during an early morning hike on a hill in Po Lam, I almost stepped on a two-feet-long green viper waving its pink tail like a rattler as I was going up a secondary trail. I was nimble enough to hop aside and avoid a likely bite.

White Queen's Wreath on Mt Butler. 
Up the rocky trail on the eastern flank of Lion Rock from Old Shatin Pass, white magnolias (Magnolia grandiflora) bloom from February to around April, attracting thousands of honeybees that gather nectar for their breeding season in summer.

I did not notice the bees one Saturday in early April when I and a handful of OFW friends climbed Lion Rock from the Tsz Wan Shan side of the mountain.

Then the buzzing became audible at an elevation of about 350 meters, where the forest cover thinned and was replaced by a carpet of white magnolias and budding rhododendrons growing in crevices of granite boulders.

So attractive were the firm white petals forming a whorl around the yellow pistils that the bees pervaded that part of Lion Rock. But the scene could be entirely different when the pollinated blossoms wither and fall off the stems after mid-April.

Hong Kong trails can come up with surprises to both the ordinary hiker and the avid botanist.

The Birdwood's Mucuna 
On the Bride’s Pool Nature Trail in Tai Po on May 1, for instance, I came across a vine strung above a rocky, sleepy stream that displayed a bunting of green, furry giant pods just meters away from a concrete bridge across the waterway.

It was my first encounter with a Birdwood’s Mucuna, a rare angiosperm which we inhabitants of the forest region of Luzon called “lipay”.

In my primary school days, we used to play lipay shooting games where we lined up the dried mucuna seeds on the ground and flicked them with a “pamato” from a mother seed. A player won all the seeds that he felled in one shot.

Chinese Rhododendron. 
The lipay seeds have now been replaced by electronic gadgets that children play with during recess, depriving the seed gatherer from the jungle of his seasonal income.

Another mountain surprise was the white trumpet lily, which I found swaying in the wind around the peak of Pak Tai To Yan in November last year, when I went hiking with a friend on the Fanling section of the MacLehose Trail. The lily grew up about 10 feet, towering above the vegetation around it ostensibly to reach up for sunlight, an awesome feat as the plant normally has soft stalks when found in the lowlands.

Aside from the endemic Rhododendrons and Melastoma, tiny jewels abound on Hong Kong trails: a wide variety of chrysanthemums, daisies, dandelions and ground orchids, as well as a tapestry of inflorescent reeds, shrubs and trees that drape the hillsides season after season.

Exploring Po Hong Park

Posted on 06 July 2017 No comments
By Arlene Abrugar

For people in Hong Kong, the trees and lush
garden make Po Hong Park a paradise in the city.
The weather was perfect for an afternoon walk. As the wind caressed my cheeks I trekked down  an unfamiliar path of thick greenery  and curved paths. There were a few runners, bikers, as well as brisk walkers like me, trying to make the most of a great day.

I took this walk during my last few days in Hong Kong, where life balance is vital to one’s well-being. To keep our equilibrium in this place where life is always lived on the fast lane, it is important for us to maintain our solitary compartment; unmoved and unspoiled, it helps keep us  calm and collected, especially when faced with adversity.

A visit to a nearby park is always a stress-buster.  Over the years that I had worked in Hong Kong, I became very appreciative of its recreational parks, which often come complete with sports facilities and amenities.

Right now, I am in Po Hong Park, which is just a 15-minute walk from our flat.  This park is huge, covering an area of 4.13 hectares, and is located at number 10, Wan Lung Road in Tseung Kwan-O. It officially opened to the public in 1997.

During Sundays and public holidays, locals mingle with foreign domestic helpers who choose to spend their rest day in this park, which is a perfect place to unwind and to get away from all worries, at least for a day.

It has a lot to offer: football and soccer pitches, a basketball court that doubles as a volleyball court, eight play areas for kids, two fitness spots for the elderly, a roller skating rink, plus well-manicured gardens. All facilities are open 24 hours a day, except for the hard-surface pitches, gateball court and skating rink which all operate from 7am to 11pm.

The elderly people in our flat love to spend their entire day here, soaking in the atmosphere, with only the chirping of the birds and the shrieks and laughter of children at play breaking the monotony of silence.

But for most locals, Po Hong is more popularly known as a kids’ park.

A review posted online says: “The park has many swings and slides and structures for the kids spending hours easily. One of the best options for draining the energy of the children.”

Po Hong Park is accessible through the MTR. Just take the Tseung Kwan O line and get off at Polam station, before taking exit B2. It can also be reached by Bus 91 M, 93 A, 93 K, 296M and 690.

You’re lucky if, like me, you live nearby. This gives you the unique privilege of making this park your private sanctuary. So, my advice to my fellow migrant workers who are in Hong Kong, explore your own neighborhood. You never know what could be in store for you unless you turn on that spirit of an adventurer in you.

Ang Louvre sa Hong Kong

Posted on 03 June 2017 No comments
Ni Marites Palma 

Nais mo bang masilayan ang mga obra maestra ng mga pinakatanyag na pintor sa buong mundo na makikita lamang sa Louvre museum sa Paris? Hindi ka man makapunta doon maari mo pa ring masilayan ang museo na ito nang hindi umaalis ng Hong Kong.

Mula kasi Mayo hanggang sa Hulyo ay makikita ang exhibit na may pamagat na

“Inventing Le Louvre: From Palace to Museum over 800 years, “sa Hong Kong Heritage Museum sa Shatin.

Mula sa pagiging tanggulan na may makakapal na pader noong 1190 hanggang sa gawin itong palasyo ni King Charles V at sa paglaon ay naging museo, ang Louvre ay isa sa pinakasikat na puntahan ng mga turista sa Paris ngayon.

Makikita sa exhibition sa Hong Kong Heritage Museum ang mahigit 120 piraso mga obra na galing sa lahat ng ng malalaking departamento ng Louvre. Ang mga naturang obra ay nagsisilbing paalala sa mahalagang papel na ginampanan ng museo sa kasaysayan ng France sa loob ng nagdaang 827 taon

Sa pakikipagtulungan ng HK Heritage Museum, hinati-hati sa iba-ibang serye ang exhibit para mas madaling maunawaan ng mga turista, kabilang ang mga kabataan. May programa din para sa edukasyon, pagsasadula ng mga makasaysayang pangyayari at pagsasanay.

Sa education zone ay makikita ang “Director Denon’s World of Wonders, ang koleksyon ni Dominique Vivant-Denon, na siyang itinalaga ni Emperor Napoleon Bonaparte bilang kauna-unahang director ng Louvre. Ayon sa salaysay, si Denon ang nangolekta  ng kayamanan  para sa Museo habang naglalakbay si Napoleon sa iba pang parte ng Europa at sa Egypt.

Sa misteryosong World of Wonders ay madidiskubre ang mga iba’t ibang koleksyon na may kasamang nakabibighaning kwento, at sa pamamagitan ng interactive na programa at palabas ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa ibang world-class museums. Dito ay mayroon ding “time machine” na magdadala sa mga turista sa isang kakaibang paglalakbay kung saan makikita nila ang mga taong sangkot sa pagbuo ng Louvre at pati na ang Forbidden City sa China. Sa parteng ito matutunan ang pagkakatulad ng pagsulong ng dalawang bantog na palasyo ng dalawang bansa. Sa paraang ito ay nabibigyan ng liwanag ang pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa na parehong mayaman ang kultura. Bagaman kakikitaan ng malaking pagkakaiba sa pagkagawa at gusali ang Louvre at Forbidden City ay mababanaag ang matagal ng kasaysayan ng France at China. Sa huli, ang dalawang palasyo ay parehong naging pampublikong museo.

Ang guided tour ay mag-uumpisa sa Director General ng Louvre, pagbubukas ng mga pintuan, oras at espasyo mula sa mga daan daang taong lumipas sa magkaibang panahon ng Louvre at Forbidden City na isasabuhay ng mga propesyonal na mga artista ng Hong Kong, na makikisalamuha at makikipagkwentuhan tungkol sa mga bagay na nagkakapareha ng dalawang bansa.

Ipapasyal ng mga nakatalagang staff ng museo ang mga kalahok sa exhibition galleries at ipinapaliwanag ang bawat exhibit para maunawaang lubos ang kasaysayan ng Louvre sa loob ng mahigit 800 taon.

Ang schedule para sa guided tour ay ang mga sumusunod na petsa: May 6, May 13, May 27, June 3, July 1, July 8, July 15 at July 22, 2017, lahat ay Sabado. Unang session; 4-5pm, pangalawang session; 4:15 -5:15pm, pangatlong session; 4:30- 5:30 pm; pang-apat na sesyon; 4:45 -5:45 pm. Binubuo ng 25 na mga katao ang bawat session, maaaring magpalista 30 minuto bago mag-umpisa ang bawat session. Ang tour service counter ay matatagpuan sa ground floor, first come first served at mayroong hawak na admission ticket na nagkakahalaga ng $20.

Nitong Mayo 28 ay nagkaroon ng  lecture na may temang “Understanding More About Louvre from Multiple Perspective”. Ginanap ito sa theatre na nasa unang palapag ng museo mula 3:30-4:30 ng hapon.

Ang Department of Paintings ng Louvre ay mayroong pangunahing collection na nagmula hindi lang sa France, kundi pati sa Italy, Spain at iba pang bahagi ng Europe. Isa sa pinakatanyag na obra sa museo ang “Mona Lisa” ni Leandro da Vinci.

Isa mga tagapagsalita sa lecture ay si Professor Ho Siu-Kee ng Fine Arts Dept. ng  Chinese University of Hong Kong. Siya ang magpapaliwanag tungkol sa kahalagahan ng obra na masisilayan, pati na ang mga iskultura mula sa Ancient Greek at Roman civilizations, mga pangunahing paraan para higit na pahalagaan ang mga display sa loob ng Louvre.

Si Prof Wang Weijen ng naman ng Dept of Architecture ng Hong Kong University ang magsasalita para sa temang “The Louvre and The Palace Museum. Ang mga naging pagbabago sa mga gusali ng Louvre ang kanyang ipapaliwanag. Mula sa moog na itinayo ni Philip Augustus, hanggang sa pagiging palasyo nito umpisa sa ilalim ni Charles V noong 14th century, at ngayon sa modernong disenyong pyramid na gawa ng sikat na American-Chinese architect na si I.M. Pei.

Isisiwalat din ng tagapagsalita kung paano nagiging museo ang mga pampublikong gusali bilang pagpapaliwanag sa koneksiyon ng mga makasaysayang kultura sa makabagong panahon. Ang exhibit ay magtatapos sa July 24.

Para marating ang Heritage Museum, sumakay lang ng MTR at bumaba sa Che Kung Mui station (kasunod lang ng Shatin station) at kunin ang exit A. Dumiretso ng lakad hanggang marating ang museo.

Plover Cove Reservoir

Posted on 08 April 2017 No comments
Itaas, ang puting estatwa ng Tsz Shan Monastery.


Kung kabilang ka sa mga mahilig tumuklas ng mga tagong lugar na magaganda sa Hong Kong, napapanahon na marahil na maglaan ka ng isang araw para mamasyal sa Plover Cove Reservoir na nasa loob ng Plover Cove Country Park sa bandang hilaga ng New Territories.

Matatagpuan ito sa ma-burol na parte ng Tai Mei Tuk, at mararating sa pamamagitan ng pagtahak ng daan sa bungad ng pasilangang bahagi ng Tolo Harbour at Double Haven.

Bagamat liblib ang lugar na ito, madali pa rin itong mapuntahan sa pamamagitan ng mga pampublikong transportasyon. Iyan kasi ang tunay na atraksiyon ng Hong Kong – walang malayo o mahirap puntahan, dahil kahit saan ay may masasakyan.

Mag-umpisa sa Tai Mei Tuk at makipagsapalaran sa mailap na kagubatan ng hilagang bahagi ng Hong Kong. Kapag narating mo na ang lugar na ito ay siguradong  nawawala na sa isipan mo ang pagmamadali para makabalik agad sa siyudad. Sulit na sulit ang mahaba at masikot na paglalakbay sa ganda ng tanawin na babantad sa iyo.

Para makarating dito, sumakay ng MTR papuntang Taipo Market. Mula rito ay sumakay naman ng bus, maaring ang 20C mini bus o kaya ay 75K KMB bus. Kung marami kayo at gusto ninyong mapadali ang biyahe ay maari ding sumakay ng taxi papuntang Tai Mei Tuk.

Gugugol ng mga 20 minuto sa paglalakbay bago marating ang Tai Mei Tuk kung sa mini bus ka sasakay at kung sa KMB bus naman ay aabot ang biyahe ng ng 35 minuto.

Sa bus pa lang ay agad nang gagaan ang pakiramdam dahil magaganda ang iyong madadaanang tanawin, lalo na ang nakapaligid na kabundukang hitik sa punong kahoy. Lubhang nakakagaan ng pakiramdam ang makita ang luntiang mga puno sa paligid, at malanghap ang preskong hangin.
Kapag natanaw na ang Tsz Shan Monastery ay palatandaan ito na malapit ka na sa lugar na bababaan mo. Kakaiba ang ganda ng tanawing tatambad sa  iyo, dahil ang puting estatwa na nasa monasteryo ay parang nakalutang sa itaas ng makapal na kakahuyan sa bundok. Ang malawak na parte naman ng lawa na punong puno ng bakawan sa tabi ng daan ang nakakadagdag ng ganda sa lugar na iyong binabaybay.
Sa pinakahuling tigilan ng bus kailangang bumaba. Agad na tatambad sa iyo ang isang maayos at magandang kanayunan, kung saan ang mga bahay ay hindi lalampas sa tatlong palapag ang taas. May lugar para mag-barbecue, na karaniwan nang ginagawa ng mga bumibisita dito, na ang marami ay mga kasambahay, lalo na tuwing araw ng Linggo o piyesta opisyal.

Para sa mga taong aksyon naman ang hanap, may mga puwesto kung saan maaring umarkila ng bangka o bisikleta ng hindi kukulangin ng 30 minuto.

Kung nais mamundok maaring umakyat sa Family Trail Walk sa loob lamang ng 30 minuto. Sa paikot-ikot na paglakad dito ay makikita na ang kabuuan ng pader ng dam, at iba pang parte ng malawak na parke ng Plover Cove. Medyo hihingalin ka lang ng kaunti sa pag-akyat ngunit sulit na sulit naman dahil kakaiba ang mga tanawing makikita habang iniikot ang Family Trail.

Pagkatapos sa trail ay maari nang dumiretso sa daan pataas papunta sa Water Sports Centre, hanggang marating ang Plover Cove Reservoir.

Ang reservoir o imbakan ng tubig ay kilala dahil nandito ang pinakamalaking dam sa Hong Kong, na ang lawak ay umaabot sa 24 ektarya, at nasa dalawang kilometro ang haba. May tatlo pang maliliit na dam na itinayo sa paligid nito para tuluyan itong mahiwalay sa dagat.

Inumpisahan nitong itayo noong 1960, habang ang Hong Kong ay nag-uumpisang mamroblema sa tubig dahil sa lumalaki nitong populasyon, at walang tulong na maibigay ang Tsina. Labintatlong taon ang inabot bago ito tuluyang natapos.

Pagkatapos itong maitayo noong 1968 ay tinanggal lahat ang tubig-dagat sa loob nito at pinalitan ng freshwater para maging isang lawa. Noong 1973 ay itinaas muli ang pader ng dam hanggang sa siyam na palapag para mas lumaki ang lugar na imbakan ng tubig.

Sa paglalakad sa paligid ng dam ay abot-tanaw ang napakalinis na tubig sa Tolo Harbour, na kilala bilang pinakasentro ng industriya sa perlas noong Tang Dynasty. Sa panahong marami pang perlas ang nakukuha mula sa parteng ito ng dagat ay umabot sa apat ang bilang ng pearl farms sa lugar, na pinangalangang Sham Chung, Lo Fu Wat, Ngau To Wan at Fu Long Wat.

Tuwing Sabado at Linggo at mga piyesta opisyal, ang mga pasyalan sa paligid ng reservoir ay napupuno ng mga mahihilig sa panlabas na aktibidad gaya ng windsurfing, kitesurfing at pamimingwit ng isda. Marami ding mga dumadayo para magbisikleta at magpalipad ng saranggola.
Maari ding maglakad-lakad na lang para magmasid sa paligid, at mapansin ang mga maliliit na isla sa di kalayuan, at pati na ang mga matatayog na gusali sa kabilang parte ng dagat.

Sa dulo ng pader ng dam ay mararating ang isang maliit na isla. Kumaliwa ka at tuluyan nang maglalaho sa paningin ang mga siklista at iba pang abala sa iba-ibang gawain bukod sa paglalakad.
Ang payapa at mala berdeng-asul na kulay ng tubig ng reservoir ang tatambad sa iyong kaliwa, at mas matingkad na kulay asul na tubig-dagat naman ang nasa kanang bahagi. Sundan  ang paliko-likong daan paikot sa napakagandang islang iyong kinaroroonan bago tahakin ang ilang mas maliliit na konkretong dam.

Mula dito ang mas masigasig na pamumundok ay mag-uumpisa na. Ang pag-akyat baba mula sa mga burol ay hindi masyadong mapapansin dahil sa ganda ng tanawin. Nasa iyo na kung hanggan saan ang kaya mong marating bago bumalik sa pinanggalingan.

Para sa mga lulong sa pamumundok na nagnanais maikot ang buong reservoir o ang makipagsapalaran patungong Double Heaven o Wu Kau Tang, kakailanganin ang isang buong araw ng paglalakad. Kailangan itong paghandaan lalo na kung tag-init dahil may kalayuan ang lakaran papunta sa islang ito.

Maaring mag-umpisa sa pamumundok sa Wu Kau Tang kung nais ikutin ang buong lugar. Lumabas lang sa Tai Mei Tuk kung saan maraming kainan, at sumakay pabalik sa MTR station ng Tai Po Market. Mula doon ay sumakay ng 20R minibus patungong Wu Kau Tang. – Marites Palma

Ang ibang landas patungo kay Buddha

Posted on 11 March 2017 No comments


Ni Vir B. Lumicao at Emz Frial

Karamihan ng mga nais dumalaw sa dambana ng Giant Buddha sa Lantau ay sumasakay sa bus mula sa Mui Wo Pier o sa Tung Chung MTR station. Ang malalakas ang dibdib at tuhod ay doon naman sa iba’t ibang mapaghamong landas sa kabundukan dumaraan.

May ilang yugto ng 70-kilometrong Lantau Trail na pamimilian ng mga hiker papunta sa Ngong Ping o sa Fung Wong Shan (Lantau Peak, 934 metro) saan mang dako ng Lantau sila magmumula.
Ang Tung Chung-Ngong Ping Section ng Lantau Trail ay madalas daanan ng mga umaakyat dahil sa magagandang tanawin mula sa matatarik na hagdang-semento o mabatong landas.

Mula Tung Chung ay mahigit dalawang oras ang lakad kung mabilisan ngunit kung mabagal ang lakad at nagpapahinga, aabutin ito ng limang oras. May layong 8.4 kilometro hanggang 10 km mula Tung Chung hanggang Ngong-Ping.

Sa mga naghahanap ng madaling ruta, tahakin ang landas sa Nim Yuen, sundan ito paahon sa mumunting pamayanan ng mga nagtatanim ng gulay bago daanan ang Yeun Tan Temple malapit sa Shek Mun Kap. Doon ay sundan ang Tei Tong Tsai Country Trail hanggang sa campsite sa hugpungan ng Nei Lak Shan at Lantau Peak.

Mas maikli ang rutang ito na tinatayang 7 km lamang, ngunit puro paahon kapag patungo sa Buddha at puro pababa naman kung pabalik sa Tung Chung.

Di sinasadyang napadaan ang pangkat namin kami sa isang madali ngunit doble ang habang ruta nang umakyat kami noong Peb 2 sa Ngong Ping. Natuklasan namin ito dahil sarado ang dati naming landas sa ruta ng cable car at naghanap kami ng iba.

Puro patag ito sa umpisa at nababagay sa mga baguhan. Mula sa Tung Chung, daraan ito sa Ngau Au at pakanang bumabaybay sa Tung Chung Bay sa pagitan ng Chek Lap Kok at Lantau, at tuluy-tuloy sa mga lumang nayon ng mga mangingisda sa San Tau at Kau Liu.

Sa labas ng magkalapit na nayon ay may pavilion at viewdeck para tanawin ang gawing dulo ng paliparan sa Chek Lap Kok. Ito ay may 6.5km ang layo mula Tung Chung.

Ilang kilometro pa at nandoon ang magkalapit ng nayon ng Sha Lo Wan Chung Hau kung saan may ferry pier at ang Sha Lo Wan San Cheung, ang patag na lupaing may mga taniman ng gulay at prutas tulad ng gabi, litsugas, saging, long-an at lychee.

Sa tabing-daan sa San Shek Wan, Sham Shek Tsuen at Nam Tin madaraanan ang ilang luma at bakanteng bahay at mga katabing babuyan na halatang malaon nang sarado.

Mas maluwag na ang daan pagdating sa Sham Wat at paminsan-minsan ay may mga kotseng nagdaraan. Para sa mga ibig maligo sa dagat o kumain ng seafood, ito ang akmang lugar para humiwalay sa mga hiker.

Ang daan paakyat ay mistulang parada ng
magagandang tanawin.
May maliit na aplaya sa Sham Wat kung saan may mga kainang nag-aalok ng mga lutong lamang-dagat. Para sa mga naghahanap ng mas maraming putahe ng seafood, maaring tumuloy sa Tai O, na 3.5km ang layo mula sa kalsadang iyon.

Sa marker sa sangandaan ng Sham Wat ay nakasulat na 4.6 km ang Ngong Ping Road, at mula roon ay may 3.5km pa ng paakyat na kalsada papuntang Po Lin Village sa paanan ng Giant Buddha.

Pag-ahon sa Sham Wat Road ay puro bundok na ang matatanaw at paglingon sa pinagmulan ay matatanaw ang kumikislap na Pearl River Estuary. Ang ginagawang tulay na magkukonekta sa Hong Kong at Macau ay matatanaw din sa kalayuan.

Nasa Sham Wat Road ang hamon sa pag-akyat sa rutang ito at kapag mataas pa ang araw ay dusa ito sa hiker dahil halos walang mga punong masisilungan. Ngunit malamig na ambon ang sumalubong sa amin. Nasundan iyon ng manipis na belo ng ulap na lalong nagpaigting sa makukulay na ligaw na bulaklak.

Gutom kaming umahon sa Ngong Ping, at napawi iyon sa mga bitbit naming snacks, bagamat iba’t ibang uri ng pagkain at inumin ang mabibili sa hilera ng mga tindahan sa gilid ng malawak na liwasan sa Po Lin.

Kung may lakas pang natitira sa iyong mga binti, maakyat mo ang 360 baitang na hagdang-bato papunta sa luklukan ng Giant Buddha na napapaligiran ng iba’t ibang imahe na sinasamba at hinahagisan ng barya ng mga tao.

Mga bato at iba pang kakaibang tanawin sa Po Toi Island

Posted on 09 February 2017 No comments
Ang Tin Hau Temple ang unang mapapansin sa Po Toi islalnd.

Ni Marites Palma

Sa Po Toi Island na nasa katimugan ng Hong Kong matatagpuan ang malalaking tipak ng bato na nakakamangha dahil sa kanilang iba-ibang hugis. Dito rin matitikman ang pinakasariwa at pinakamurang seaweed (o damong dagat) sa buong Hong Kong.

Mararating ang islang ito sa pamamagitan ng bangka mula sa Stanley o Aberdeen. Kung tatanawin mula sa malayo ay magmumukhang parang nakalutang na entablado ang isla – na sinasabing siyang dahilan kaya tinawag itong Po Toi.

Dahil sa layo nito sa mga mataong siyudad ng Hong Kong, aabot lang sa 200 katao ang lahat ng mga nakatira dito. Nguni’t ayon sa kasaysayan, dati ay may 1,000 ang populasyon nito, na pawang mga magsasaka, mangingisda at nangangalakal ng seaweed. Nakatira sila sa dalawang nayon ng Po Toi, ang Chang Shek Pai at Shan Lui.

Kasabay ng mabilis na pag-asenso ng Hong Kong ay nagpasya ang maraming naninirahan dito na lumisan at makipagsapalaran sa mataong siyudad. Dahil dito ay kapansin-pansin na pawang may edad ang mga nakatira sa islang ito ngayon.

Ilan sa mga Pilipinang nauna nang nakarating sa Po Toi.
Pagdaong ng sinasakyang bangka sa isla ay makikita agad ang mga maliliit na kainan kung saan ang pinakatampok na luto ay may sangkap na seaweed, katulad ng green bean soup with seaweed, isang tradisyunal na minatamis ng mga Intsik. Naglipana din ang mga matatanda na naglalako ng pinatuyong seaweed sa nakakamanghang presyo na $10 lang bawat tumpok.

Hindi kumpleto ang pagbisita dito kung hindi muna titikman ang kanilang ipinagmamalaking sopas na may seaweed. Pagkatapos makahigop ng malinamnam na sopas ay maaari nang lumarga.
Umpisahan ang paglalakad sa pagtalunton sa lakaran na nasa gawing kaliwa ng mga kainan. Habang naglalakad ay makikita ang maraming lumang bahay, o iyong nasira ng mga nagdaaang bagyo at hindi na inayos pang muli. Katulad ng karamihan ng mga nayon sa baybayin ay makikita sa paligid ang mga pinapatuyong isda na nakasabit sa alambre, at pati na rin mga pinapatuyong seaweed.
Sa umpisa pa lang ng pag-akyat sa burol papunta sa templo ay mabibighani na agad sa ganda ng tanawin, nguni’t ang lahat ng ito ay walang panama sa makikita pagdating sa kinatatayuan ng Tin Hau Temple, paharap sa Tai Wan Bay. Walang kasing ganda ang paligid, na mistulang disyerto sa tabi ng dagat!

Agad mababakas na lumang luma na ang templo, na itinayo bilang gabay ng mga mangingisda hindi lang sa Po Toi, kundi sa iba pang mga isla. Walang makikitang ulat tungkol sa kung kailan itinayo ang templo, ngunit may mga dokumento na nagpapatunay na ito ay kinumpuni noong 1893.
Malapit sa kinatatayuan ng templo ay may bako-bakong daan paakyat sa tuktok, na ang tanging gabay ay ay ang isang kadenang metal na nagsisilbing hawakan sa pag-akyat. Agad na sisidhi ang interes na tuntunin ang daang ito na napapalibutan ng makakapal at mala-bonsai na mga punong kahoy. Gaano man katindi ang pagod ay agad na mawawala kapag nasilayan ang kamangha-manghang tanawin mula sa tuktok ng isla. Magpapasalamat ka sa Poong Lumikha ng wala sa oras, dahil sa ganda ng tanawing siya lang ang maaaring may gawa.

Pagkatapos ng isa’t kalahating oras na paglakad mula sa templo ay aabot sa isang sangandaan malapit sa pavilion. Kung ang pinili mong daan ay yung papunta sa Ngau Wu Teng Pavilion, mas maraming magandang tanawin kang makikita. Sa pinakatuktok ng lakaran ay mapapamangha kang tunay sa mala-paraiso at walang hanggang tanawin ng South China Sea.

Bukod sa templo, ang isa pang atraksiyon ng Po Toi ay ang mga naglalakihang mga bato sa paligid na iba-iba ang tabas at hugis, at nabuo mula sa granite.

Ang pinatuyong isda ay isa sa mga produkto ng lugar.
Mula sa pavilion ay unti-unti kang bumaba hanggang matanaw mo ang Monk Rock, isang batong parang  balingkinitan na taong naka-abito ang hugis, at siyang mistulang nagbibigay pugay sa mga dumarating. Sa di kalayuan ay makikita ang Tortoise Rock na ang hugis ay parang isang napakalaking pawikan naman.

Sa daan pabalik sa pier mula sa Nam Kok Tsui, mabubungaran ang napakalaking bato na mistulang higanteng kamay, kaya tinawag itong Buddha’s Hand o Palm Cliff. Ito ang pinakasikat na palatandaan ng sa Po Toi.

Sundin lang ang daan pababa mula sa hagdan at madadaanan ang Rock Carvings, mga nililok na higanteng bato na pinaniniwalaang ginawa noong Bronze Age, o noong 500-700 BC. Ang mga idineklarang monumento ng “prehistoric totems” ay kumupas na sa kalumaan kaya tinakpan ang mga ito ng transparent na fiber glass. Bagamat ilang libong taon na ang nakakaraan magmula nang ukitin ang mga batong ito, nadiskubre lang sila noong mga 1960s.

May isa pang kakaibang atraksiyon ang Po Toi, at ito ang tinatawag na “Deserted Mansion of Family Mo,” isang pinaniniwalaang haunted house. Itinayo ito ng pamilya Mo noong mga 1930s sa Chang Shek Pai, at bagamat sira-sira na at walang nakatira ay nananatiling nakatayo. Popular ito sa mga kabataang bumibisita sa isla. Ayon sa kuwento ng ilan, kusang tumitindig ang kanilang mga balahibo habang papalapit sa abandonadong bahay.

Ang lakarang ito ay may layong apat na kilometro, at matatahak sa loob ng hanggang tatlong oras. Madaling lakaran ito dahil pati mga bata ay kinakayang umakyat sa bundok ng isla.

Paanong marating ang Po Toi? Maaring sumakay ng kaito o maliit na ferry mula sa Aberdeen Pier, at aabot ng isang oras ang biyahe. Ang kaito dito ay may takdang oras ng paglalayag, at masasakyan lang tuwing araw ng Martes, Huwebes, Sabado, Linggo at piyesta opisyal.

Kung gusto mo ng mas maikling paglalayag, sumakay sa Stanley Blake Pier. Sa loob lang ng 30 minuto ay mararating mo na ang Po Toi. Mas bihira ang biyahe mula dito, dahil tuwing Sabado, Linggo at piyesta opisyal lang ang naglalayag ang mga kaito.

Lamma: ang pang-akit ay pagkain at tanawin

Posted on 12 January 2017 No comments
Mga seafood restaurant ang nangungunang dahilan kung bakit dinarayo ag Lamma. 


Ni Marites Palma

Gusto mo bang maranasan ang buhay sa isang tradisyunal na nayon ng mga mangingisda, o matikman ang mga tanyag na lutong Cantonese ng mga isda at iba pang lamang-dagat?
Sumakay sa Hong Kong Kowloon Ferry sa Pier 4 sa Central patungong Yung Shue Wan, o sa iba pang pribadong shuttle ferry sa Pier 9 at magtungo sa Lamma Island.

Sa kalahating oras na biyahe sa ferry, ikaw ay malilipat mula sa ingay at kislap ng isa sa pinakamodernong lungsod sa mundo papunta sa isa sa mga pinakalumang baryo ng Hong Kong na tila sadyang iniwasan ng pagbabago.

Doon tikman mo ang iyong paboritong putahe ng pagkaing-dagat, sa magkabilang hilera ng mga tanyag na restaurant, at namnamin ang tahimik at di nagmamadaling pamumuhay na hindi mo makikita sa lungsod.

May kakaibang pang-akit ang Lamma sa mga turista. Maliban sa pagiging daungan ng mga mangingisda, mayroon itong nakatagong mga hiyas pangkultura at pangkasaysayan.

Malaon nang may mga nakatira sa Lamma. Tinatayang noong Bronze Age pa lamang ay mayroon nang mga bangkang pamalakaya na lumulunsad sa karagatan mula sa tahimik na dalampasigan ng isla.

Maipagmamalaki rin ng Lamma ang mga makasaysayang pook sa pulo na nakasama sa talaan ng mga historical site ng Hong Kong. Kabilang sa mga atraksiyong ito ang mga templo, mga lumang bahay sa nayon na nahaluan ng mga makabagong tirahan.

Ang tradisyunal na industriya ng lamang-dagat at handicraft ay nakikita sa maliliit na tindahang ng mga pinatuyong pagkaing-dagat at, gayundin, mga makabagong paninda.

Dahil ang Lamma ay ilang dantaon nang isang pamayanang nabubuhay sa pangingisda, tabi-tabi sa isla ang mga seafood restaurant na nagbebenta na rin ng mga buhay at sariwang mga lamang-dagat pinaluluto ng mga kakain sa estilong Cantonese.

Matatagpuan ang maraming seafood restaurants sa magkabilang daungan sa isla – ang Yung Shue Wan at Sok Kwu Wan. Kung seafood ang dahilan ng pagpunta mo sa isla, ang Sok Kwu Wan ang makakapagbigay sa iyo ng lahat ng hanap mo.
Ang templo sa pinaka-plaza ang unang
tatambad paglabas ng lugar ng mga kainan.

Pero kung ang gusto mo ay yaong may maraming pagpipilian ng putahe at mas marami kang panahong manatili sa isla, ang Yung Shue Wan ang nababagay sa iyo.

Bukod sa masasarap na luto ng pagkaing-dagat, marami pang atraksyon ang dinarayo sa Lamma – ang mapuno, maayos at malinis na kanayunan nito, ang magubat at mabatong kabundukang nagbibigay ng likas na ganda sa isla, at ang mapayapang dalampasigan.

Isa sa mga atraksiyon sa isla ay ang Hung Shing Yeh Beach. Pinamamahalaan ng gobyerno ng Hong Kong ang nasabing beach kaya may mga nakatalagang lifeguard sa tag-araw, may mga kubeta, bihisan, at lambat laban sa mga pating, at puting buhangin.

Makikita rin sa isla ang tatlong “Kamikaze Cave”, mga labi ng isang malungkot at nakakalimutang bahagi ng kasaysayan ng Hong Kong nang sinakop ito ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa mga nasabing yungib na inuka umano ng sundalong Hapon mga mananakop sa ilalim ng bundok itinago ng mga Hapon ang mga speedboat na ginamit nila sa mga suicide attack sa mga bapor ng US. Ang unang yungib, na tinawag ding “Kamikaze Grotto” ay may layong limang minuto ng paglalakad mula sa Sok Kwu Wan ferry pier.

Tradisyunal na pangingisda naman ang makikita sa Lamma Fisherfolk Village. Ito ang “living history at heritage discovery center” na pinamumunuan ng mga retiradong mangingisda. Layunin nitong mapanatili ang natural na estilo ng pangingisda at pamumuhay ng mga mangingisda. May bayad na $80 para sa may edad na at $60 para sa bata, kasama na ang bayad sa bangkang maghahatid sa village mula sa pier.

Makikita rin sa Lamma ang isang electric wind turbine na tulad ng mga nasa Ilocos Norte. Bukas ito para sa sinumang nagnanais makasilay at makaranas na tumayo nang ilang metro ang layo mula umiikot na turbine.

Ang electric wind turbine ay bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-6 ng hapon araw-araw at maaaring lakarin mula sa Yung Shue Wan sa tagal na 40 minuto. Sulit na sulit and paglalakad dahil sa ganda ng tanawin.

Karamihan sa mga nagagawi sa isla ng Lamma ay naglalakad mula sa ferry pier patungo sa Lingkok Shan Hiking Trail. Makikita ang opisyal na signpost sa hiking path na iikot sa magagandang bahagi ng isla paakyat sa bundok at pababa sa Sok Kwu Wan. Ang pagtahak sa landas ay umaabot ng dalawa o tatlong oras.

Ang Lamma Island Family Trail ay dinisenyo para sa mga ayaw umakyat nang paikot dahil ang rutang ito ay mula sa Sok Kwu Wan papuntang Yung Shue Wan. May mga hilltop pavilion sa daan na puwedeng pahingahan at maaari ring magpiknik.

Matatagpuan din sa Yung Shue Wan playground ang Tin Hau Temple, ang pinakaluma at pinakamahalagang templo ng diyosang patron ng mga mangingisda sa mga Taoist. Ito ay inayos noong 1876 at pinaniniwalaang pinakaluma sa lahat ng mga templo sa Lamma.

Mula noong dekada 1960 ay napapanatili ang pinakabagong Stone Lions na may kakaibang estilo. Dito nakalagak ang pinakamahabang isda sa mundo, ang giant oar fish (Regalecus glesne) na may habang 2.7 metro na nahuli noong 2001 ng isang mangingisda sa dagat ng Lamma.

Ang pinakamataong lansangan sa Lamma ay ang Yung Shue Wan Main Street, kung saan may iba’t ibang mga kainan may lutong Tsina, Europa, Gitnang Silangan at iba pang mga putaheng nagmula sa lahat ng bahagi ng Asia.

Mayroon ding arkilahan ng bisikleta at bike trial para sa mga malalakas ang loob -  at katawan - na gustong tuklasin at ikutin ang buong isla.

Don't Miss