Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Maswerte ka ba sa buwang ito?

Posted on 15 October 2018 No comments
ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Iwasang maging magaspang o gawan ng mali ang mga taong nagbibigay-suporta sa iyo, lalo na ang asawa at katrabaho. Kung ikaw ay pinupuna, makinig sa sinasabi sa iyo at sumunod, kaysa magmatigas pa o makipagtalo. Mag-ingat sa mga tao o grupo na nanghihikayat sa iyong sumali; umiwas at tanggihan ang kanilang alok. Magiging mapalad ka sa maraming bagay. Lucky numbers: 6, 15, 21 at 40. 
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Kakaiba ang sigla mo ngayon na mas mataas kaysa dati, kaya marami kang gustong gawin.  Mag-ingat lagi. Magiging maalab at mainit ang love life mo, kaya magiging masaya ka ng husto. Sa trabaho, makabubuting itigil muna ang ipinagpipilitan mong makamit dahil baka lalong lumaki ang pagkalugi kung patuloy mong gagastusan ang iyong mga proyekto. Ubos pera na, sayang pa ang pagod mo. Lucky numbers: 17, 29, 37 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Ingatan ang kalusugan pero iwasang maging hypochondriac dahil isang uri din ito ng sakit. Uminom lang ng gamot kung kinakailangan at kung inireseta ito ng doktor. Mapapansin mo na hindi makatugma ang obligasyon mo sa gusto mong gawin. Magiging maayos ang takbo ng trabaho, at ang relasyon sa mga kasamahan ay may tsansa pang maging maganda. Iwasan ang mga diskusyon na walang kaugnayan sa trabaho. Lucky numbers: 3, 16, 38 at 45.  

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Makakatulong ang paglalakad at jogging upang lumuwag ang mga muscles sa puso at maiwasan ang paninikip ng dibdib. Maganda ang senyales sa trabaho, pero hindi pa tamang oras para matuloy ang malalaking proyekto; mas mabuti pang pagbutihan na lang muna ang ginagawa mo. Huwag pahirapan ang sarili sa pag-iisip ng sagot sa mga bagay na mahirap ipaliwanag. Lucky numbers: 19, 22, 39 at 43.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
May magandang mangyayari sa love affair, lalo na sa mga walang karelasyon. Kung gusto mong palakasin ang karisma ay kakayanin ito, pero huwag magpadala sa lakas ng imahinasyon. Magiging masaya ang puso at maiibsan ang kabiguang nararanasan sa trabaho. Seryosong away ang mamamagitan sa iyo at anak mo kung patuloy mong igigiiit ang gusto mo. Makokonsensya ka dahil hirap mong balansehin ang oras sa pamilya at trabaho. Lucky numbers: 12, 27, 31 at 42.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Hindi ka mapakali at nag-aalangan sa kilos mo. Gusto mong ilabas ang gusto mong sabihin pero may pumipigil sa iyo. Huwag gaanong umasa sa iba upang maiwasan ang sama ng loob. May alok kang sumali o sumosyo, huwag munang tanggapin ito ngayon dahil baka may nakatagong panlilinlang ito; mag-ingat bago mahuli ang lahat. Sa trabaho, nalilito ka kung ipipilit mo ang gusto mo at ibuhos ang oras mo dito, o sumuko na lang bago dumating ang problema. Lucky numbers: 16, 23, 25 at 31.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Tensyonado ang pagsasama ngayon. Kung single, huwag pabigla-bigla ng kilos para lang makakuha ng kapartner. May darating na pera, pero huwag gastusin agad ito para lang makapagyabang. Mapapaisip ka sa kahulugan ng buhay, kung paano ma-enjoy ito ng husto at ang sikreto ng pagiging maligaya. Bigyan ng kabuluhan ang buhay sa pagtulong sa kapwa at pagbibigay ng kaunting oras at atensyon sa kanila. Lucky numbers: 7, 18, 24 at 39.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Dahil sa pagiging romantiko, papasok ka sa isang relasyon ng walang kapalit o nakatagong motibo at magmamahal ka ng buong puso. Pag-ingatan ang katawan upang makaiwas sa mga sakit. Mag-ingat sa mga nagpapanggap na mga misyonaryo na nanghihikayat na tumulong upang mailigtas ang iyong kaluluwa, pero ang pera mo lang pala ang habol. Lucky numbers: 13, 28, 37 at 40.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maraming bagay ang mangyayari ngayon, positibo man o hindi. Makakaasa ka ng suporta sa desisyon mo at pagbabago na gusto mong mangyari, pero mababahala ka pagdating sa personal na buhay o relasyon. Bibigyan mo ng prayoridad ang pamilya, lalo na ang mga anak. Kung naghahanap ka pa rin ng taong mamahalin, sumangguni sa isang astrologer upang malaman kung anong mga katangian ang nababagay para sa iyo. Lucky numbers: 10, 21, 35 at 36.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Magiging bukambibig mo ang pagnanais mong magbakasyon. Gamitin ang imahinasyon kahit sa maliliit na bagay gaya ng paglagay ng sarsa sa walang lasang pagkain upang sumarap ito, pero magsipag ka pa husto, kung hindi ay baka magkaproblema ka. Hangga’t maaari, iwasan muna ang mahalagang transaksyon dahil baka malaking pera ang mawala sa iyo. May swerteng darating dahil sa mga bagong kakilala. Lucky numbers: 15, 18, 24 at 33.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Mistula kang preso sa sitwasyong hindi naman ikaw ang may gawa, kahit pa sa tahanan o trabaho. Kung mangyari man ito, piliting makaahon at huwag hayaang mangyari ulit ito. Isang mahalagang pagkikita ang magaganap sa bahay ng kaibigan o dadaluhang kasal. Magpa-medical check up upang malaman kung ano ang sanhi ng problema mo sa sikmura, Lucky numbers: 20, 21, 33 at 44.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93

Huwag gaanong mahigpit at mapaghanap sa kapamilya, bigyan ng sapat na kalayaan ang mga anak. Ganado at mataas ang enerhiya mo ngayon. Umiwas sa kamag-anak o mga kaibigan na pilit kang isinasama sa kanilang  samahan o relihiyon. Maging mapanuri sa mga bagong kakilala o kaibigan bago ka magtiwala. Lucky numbers: 16, 23, 26 at 41.

Sali na!

Posted on No comments
Join Guinness record-setting for ‘Most Nationalities in Tai Chi Class”
On Nov. 18, the International Social Service (ISS) Hong Kong Kong will attempt to set a new Guinness World Record for the “Most Nationalities in a Tai Chi Class”. The record-setting bid will take place from 10am-12noon at Southorn Playground in Wan Chai.

Target: around 500 participants from 50 countries taking part in beginner-level Tai Chi class. Beginners are welcome to join.

To enroll, check out http://www.isshk.o rg/60/ . The deadline is Oct 15.


ANNOUNCEMENTS

Coins for Bethune House Project
To all participating organizations, please submit your filled-up cans to the Mission for Migrant Workers at St John’s Church on Garden Road as soon as possible so a final tally of the donations can be made.
For more information, call 2721 3119 or Vicky at 9357 2125 or Edwina, 9488 9044

Caritas Health Courses for Migrant Workers

Sunday: Oct 14, 2:30-5:30pm for body check &
              Oct 28, 2:30-4:00pm for result and explanation

Saturday: Oct 27, 2:30-5:30pm for body check &
                 Nov. 3, 2:30pm-4:0pm  for result and explanation

A minimal fee of $20 will be collected from each participant
Venue: Caritas Fortress Hill Centre,G/F, 28A Fortress Hill Road, Fortress Hill

Contact: Caritas AMP (2147 5988; WhatsApp: 5497 2899)

What's on, where

Posted on No comments
PUBLIC HOLIDAY ANNOUNCEMENT: 
The Philippine Consulate General and all its attached agencies including POLO will be closed on the following date:
Oct 17 – Cheung Yeung Festival (HK)
There will be no official transactions on these dates.
In case of emergency, call:
9155 4023 (Consular assistance)
5529 1880 (POLO)
6345 9324 (OWWA)

Hike to Ng Tung Chai Waterfalls
Oct 17, 9am -4pm
Organized by: The Adventurers Hong Kong
Meet-up: Tai Po Market MTR station
Participants are requested to wear their Adventurers uniform or proper hiking clothes. Bring your own snacks. To join, check out The Adventurers Hong Kong page on Facebook

“Sagip Kapwa”
Free Fire Safety Classes
Second Session: Oct 20 (Saturday) at Wong Tai Sin Fire Station, 28 Fung Tak Road, Wong Tai Sin, Kowloon
Twenty slots are available for each session. Certificates will be given
To register, send your name and mobile phone number by email to gadhongkong@gmail.com with the title: “FIRE”
For other details, check the Philippine Consulate General Facebook page

Card HK’s Basic Financial Literacy Seminar
Oct 21, 9am-5:30pm, Bayanihan Centre, 55 Victoria Road, Kennedy Town. Organizer: Card HK Foundation
Learn how to manage your finances and plan for a strong, secure financial future
For registration please call 9529 6391/ 5423 8196/ 9606 6810 or comment: Card Hong Kong Foundation FB page

Nueva Vizcaya Day 2018
Oct 21 (Sunday), from 10 am, Chater Road, Central
Highlights: Search for Saniata ti Nueva Vizcaya 2018 and Sassy Look International 2018
Organizer: United Nueva Vizcayanos – HK

Katutubo Haute Couture 2018
VIP Opening Cocktail/Gala Dinner& Fashion Show
Nov 10, 6:30pm – 11pm, Sheraton Hotel TST, Kowloon
Tickets @$1,800 available through www.likhangpamana.com
Philippine Ethnic-Cultural Performance
Nov. 11, whole day, Chater Road, Central. Open to the public

OFW Livelihood Festival
Nov. 11, whole day, Chater Road, Central
All Filcom organizations with livelihood programs for OFWs are welcome to join
Organized by: Balikatan sa Kaunlaran HK Council
Contact: Ching at 98559878

Tai Chi Class Record Attempt
Nov. 18, 10am-12nn, Southorn Playground, Wan Chai
Organized by: ISS HK. Enrolment deadline: Oct 15
Check out: out http://www.isshk.o rg/60/

35th Anniversary Celebration
Divine Church of Christ Hong Kong Chapter
Nov 23, whole day
Mariners Signal Hill Garden, TST, Kowloon
Contact: Divine at 67321423

Cordillerans hit dev’t projects as anti-people

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao

Existing or proposed large-scale mining and exploration, dams and geothermal projects in the Philippines are nothing but “development aggression projects” that rob indigenous peoples of their heritage instead of benefiting them, a Filipino migrant leader said.

These projects, normally financed by the International Monetary Fund-World Bank, are behind the worsening plight of the country’s indigenous people, Vicky Casia-Cabantac, chairwoman of Migrante Sectoral Party Hong Kong, said in a speech in Central on Oct 7.

Vicky Casia-Cabantac
She was the guest speaker at the “Dap-ayan ti Umili” poetry writing competition for domestic worker poets from the various Cordillera provinces that was organized by the Pinatud a Saleng ti Umili, or PSU-HK.

“We national minorities have for a long time been victims of national oppression,” Cabantac said, adding that the Cordillerans launched the Defend Land, Life and Resources Coalition last year when the Suyo, Ilocos Sur Association launched its campign  against mining exploration in the municipality.

“Mining exploration is a form of development aggression. Building dams, yun naman ang issue na ni-raise ng mga Kalinga group. This is also another form of development aggression,” she said. Last year, the issue of a geothermal project in Ifugao was also raised as another development aggression, she said.

Josie Pingkihan, secretary general of Bayan Hong Kong-Macau, urged the indigenous peoples to unite against the destroyers of their natural resources, saying that if they don’t act now, the present population and future generations will suffer.

Meanwhile, Cynthia Abdon-Tellez, general manager of Mission for Migrant Workers, praised the Cordilleran indigenous peoples for preserving the tradition of “dap-ayan,” or community gathering to discuss various matters. She urged everyone to use the platform to discuss current issues affecting the Filipino people. 

Cynthia Abdon-Tellez
“I think that is the beauty of dap-ayan and you should keep it,” she urged the Cordillerans.

Elna Apao
Nine poets from various Cordillera workers’ groups entered the contest, which was themed “Empowering Cordilleran migrants on their rights and welfare for the defense of our land, life and resources.”

In the end, Elna Apao of Sadanga Organization won first place with her English poem “Cordillera”, Narissa Gaiwen of Singles & Doubles took second place with her entry “Paraiso” and Eileen Compitay of  Otocan Migrant Workers’ Association placed third with her “Pagiging Igorot Ating Ipagmalaki”.

Cabantac said the so-called World Bank-funded development projects have not really improved the lives of the minorities in the Cordilleras.

“Bakit tayo nandito na nakaupo sa lansangan ng Hong Kong. Bakit nandito pa rin tayo na nagpapaalila, pinapahirapan ng ating mga employer, kung meron namang development na nangyayari sa mining, … sa mga itinatayong dam? Dams, that is another issue, that is another form of development aggression,” she said.

She noted that the IMF/World Bank, which met in Bali, Indonesia, on Oct 12, 13 and 14, is financing development aggression projects. She blamed the IMF for miring the country in debt during martial law in President Ferdinand Marcos’ time. She said the massive government borrowing is again being repeated.

She also scored the government for introducing mandatory insurance, which she said was an attempt to extort from migrant workers again. “Wala nang katapusan ang pangingikil, ang pangogotong sa ating mga migranteng manggagawa,” she said.

‘Take care’

Posted on No comments

Alas dyes na ng gabi at handa ng matulog si Rowena nang marinig ang katok sa pinto at tawag ng among babae. Nagtataka man ay agad niyang pinagbuksan ito at tinanong kung may kailangan. 

Humingi naman ito ng paumanhin bago sinabi ang, “Rowena, I'm so sorry but can you please come with me? Sir got an accident.” Gulat na tinanong niya ang amo kung ano ang nangyari pero sinabi lang nito na magbihis na siya agad para masamahan siya sa paglabas. 

Pupunta pala ito sa Hong Kong University para puntahan ang asawa na naaksidente daw sa may hagdanan doon at hindi makalakad. Halos maputol ang hininga ni Rowena sa paghabol sa amo na mabilis na lumalakad. 

Pagdating sa unibersidad ay nakita nila ang among lalaki na nakasalampak sa may hagdanan at namamaga ang bukong-bukong. Hindi na ito makatayo sa sobrang sakit, at pati ang mga gamit ay nagkalat sa paligid. Pababa daw ito sa hagdanan, at dahil sa sobrang dilim ay nagkamali sa pag-apak. Akala daw nito ay nasa ibaba na siya ngunit may isang hakbang pa palang natitira sa hagdanan kaya ito natapilok. 

Kinailangan nilang alalayan ito sa magkabilang braso para maisakay sa taksi at maiuwi sa bahay. 

Habang naglalakad ay panay sabi daw ng amo sa kanya mag-iingat at huwag gagamit ng cellphone kung naglalakad, lalo na kung bumababa sa hagdanan. Panay “yes ma’am” at “yes, sir” na lang daw ang isinagot niya. 

Dahil sa nangyari ay isang linggong nakabenda ang paa ng kanyang among lalaki at hindi makapasok sa trabaho. Mabuti na lang at ang asawa nito ang matiyagang nag-alaga dahil bugnutin ang among lalaki, na kapag hindi naintindihan agad ang utos ay agad nagkukunot-noo. 

Ang maganda lang, dahil sa aksidente ay lagi na nitong sinasabi kay Rowena ang “You take care” tuwing lumalabas siya ng bahay. 

Sa isip ni Rowena, sa loob ng dalawang taon at anim na buwan niyang paninilbihan sa mga ito ay ni minsan ay hindi siya kinumusta o tinanong tungkol sa kanyang pamilya. Kung di pa naaksidente ay hindi ito magpapakita ng pag-aalala sa kanya. Si Rowena ay 33 taong gulang, dalaga at taga Iloilo. Naninilbihan siya sa mag-asawang Intsik na taga Pokfulam at may dalawang anak. – Ellen Asis

Ayaw sa mapustura

Posted on No comments
Noong bagong dating si Selya ay simpleng simple lamang siya, buhaghag ang buhok at simpleng manamit. Ngunit magmula nang magka boyfriend na banyaga ay unti-unti nang nagbago ang kanyang aura at natuto siyang mamustura. 

Lalo pa siyang nagpaganda nang dumating ang kanyang nobyo mula sa Amerika, at dalawin siya. Ang dating buhaghag niyang buhok ay unat na unat na at makintab. Nagpapayat din siya, at magara nang pananamit. 

Noong dumating ng ilang araw ang kanyang boyfriend ay nagpaalam siya sa amo para makapag day-off ng sunod-sunod na araw. Pumayag naman ang amo pero hindi siya pinayagang hindi umuwi gabi-gabi. 

Ang nangyari, lumalabas siya ng maaga at umuuwi bago mag alas-10 ng gabi. Mula noon ay naging bukambibig na niya ang kanyang boyfriend, na ikinatuwa naman ng kanyang mga kaibigan. Dalaga siya, at wala din daw asawa ang kanyang boyfriend na galante. 

Niregaluhan siya nito ng singsing na brilyante, cellphone at pinag-shopping pa siya. Mula noon ay pinapadalhan din siya ng pera buwan-buwan. Sa darating na Pebrero ay matatapos na sana ang kanyang kontrata, at nag-iisip siyang huwag nang pumirma ulit. 

Pero laking gulat niya noong sabihan siya ng amo na  mag impake na siya dahil dumating na ang kapalit niya. Hindi agad nakapagsalita si Selya sa pagkabigla, subalit pagkatapos mahimasmasan ay agad ding sumunod sa utos ng amo. 

Wala daw sinabing rason  ang kanyang amo, pero sa isip niya ito ay dahil sa pagiging mas mapustura niya ngayon. Binayaran naman daw siya ng isang buwang pasabi at may dagdag pang isang buwang sahod bukod sa ticket pauwi sa Pilipinas. 

Agad siyang nag-report sa kanyang agency at nakuhanan naman siya ng amo bago ang takda niyang pag-uwi sa Pilipinas. Si Selya ay 28 taong gulang at taga Northern Luzon. – Marites Palma

Nadaan sa drama

Posted on No comments
Sising sisi si Ruby sa pagpagamit niya ng kanyang pangalan para makapangutang ang kasabayang nagtraining sa OWWA at ka-agency niya, dahil ayaw nang magbayad ang itinuring niyang kaibigan. Nagmakaawa daw kasi nang husto ito noon kaya naantig ang kanyang kalooban at tinulungan niya. 

Ngayon, siya ang naiwan na nagbabayad sa pautangan para hindi madisgrasya ang trabaho niya sa among mabait pa naman. Takot siyang matawagan sa bahay at mabisto ng amo na nangutang kaya hindi siya pumapalya sa pagbabayad buwan-buwan. 

Ang akala niya kaibigan na iniutang niya ay hindi na niya matawagan sa telepono, at ang mas masaklap ay blocked na siya sa dalawang account nito sa Facebook. 

Dahil sa tiwala niya sa bolerang Pinay ay hindi na niya naisip na papirmahan sa isang kasulatan o hiningan man lang ng kopya ng pasaporte o HK ID  para man lang may pinanghahawakan siya o may ideya kung paano ito hahabulin. 

Mabuti at may isa pa siyang kasamahan sa agency na nagpayo na subukan niyang lumapit sa Konsulado at baka sakaling mapatawag nila ang balahurang kababayan para magharap sila doon. 

Payo ni Ruby sa mga katulad niyang bagong salta sa Hong Kong, huwag basta-basta magtitiwala sa iba at huwag magpadala sa kanilang mga drama dahil sa huli, ikaw na gusto lang makatulong ang siyang kawawa. 

Si Ruby ay tubong Cagayan Valley, may asawa at anak, at mag-iisang taon pa lamang sa mga amo sa Ma On Shan – Marites Palma

Baldado na nang bumalik

Posted on No comments
Ganap nang medical technologist at computer engineer ang dalawang anak ni ate Lenny nang kusang bumalik sa kanilang pamilya ang asawa niya na baldado na noon. Malugod naman siyang tinanggap ng kanilang dalawang mababait na anak  kaya hindi na nakaimik si ate Lenny. 

Iniwan sila ng kanyang asawa nang maliliit pa ang kanilang mga anak, matapos umalis papuntang Hong Kong si ate Lenny. Binalikat niya mag-isa ang pagpapaaral sa kanyang mga anak, na mabuti na lang ay parehong mabait at matalino. 

Naging malas man daw si ate sa kanyang asawa ay naging mapalad naman siya ang mga amo dahil sobrang bait nila sa kanya. Mataas ang sahod na binigay sa kanya at trinato siya na kapamilya. 

Inako din ng mga amo ang pagpasyal-pasyal ng kanyang mga anak sa Hong Kong, at tuwing nagkakaroon siya ng problemang pinansyal ay buong puso siyang tinutulungan at sinusuportahan ng mga ito. Masipag daw kasi sa trabaho si ate at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay, lalo na sa pag-aalaga niya sa kanilang nag-iisang anak,  kaya ganoon siya kamahal ng mga amo. 

Hindi din maselan ang mga ito dahil natuwa pa daw sila sa kanya nang husto nang malaman na kumakain ang kanilang anak ng mga pagkaing Pinoy gaya ng binagoongang baboy, adobo, pinakbet at sinigang. Hanggang ngayon ay mahilig pa din daw sa mga ganitong pagkain ang kanyang alaga na bagamat nag-aaral na sa Europa ay nagpapaluto pa rin sa kanya ng mga ito tuwing umuuwi sa Hong Kong. 

Kamakailan ay dumating ang isa pang biyaya kay ate dahil ang bunso niya ang napili ng kumpanyang pinagtatrabahuan na ipadala sa New Zealand. Biro daw ni bunso sa kanya, baka pagdating ng araw ay pwede na siyang mag-petisyon para doon na lahat silang lahat tumira. 

Napapaluha si ate habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan kamakailan tungkol sa mga biyayang ipanagkaloob sa kanya ng Panginoon, lalo na sa pagkakaroon ng mababait at responsableng mga anak. Nagpapasalamat siya dahil hindi daw siya pinabayaan ng Diyos sa mga panahong hirap na hirap siya. 

Si ate Lenny ay tubong Nueva Ecija, 55 taong gulang at kasalukuyan pa ring naninilbihan sa mga mababait niyang employer na Intsik na taga Shatin. – Marites Palma

Bumagsak ang presyon ng dugo

Posted on No comments

Si Tricia Sallaya 26, taga Isabela ay isinugod sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chaiwan noong Set. 3  matapos  manlambot sanhi ng  pagsusuka.

Ayon mismo sa kanya nangyari ang insidente bandang alas 5 ng hapon matapos silang mag-swimming na magkakaibigan sa Big Wave Beach sa Shek O. Mabuti at agad naman daw nakatawag ng ambulansiya ang kanyang mga kasama.

Kaya pala ganoon na lang daw ang kanyang panghihina, dahil bumagsak sa 69/ 49 na lang ang presyon ng kanyang dugo.

"Akala ko ay mako-confine ako sa ospital,” aniya.

Hindi matukoy ni Tricia kung ano ang sanhi ang biglang pagbagsak ng presyon ng kanyang dugo at pagsusuka. Ang naalaala lang daw niya siya ay kumain siya ng samut-saring pagkain na dala ng kanilang grupo bago  lumangoy sa baybay-dagat.

Sa kanyang pakiwari ang nakain niyang ubas na sobrang hinog, saging at iba pang prutas ay nahalo sa ibat ibang pagkain na posibleng panis.

Ayon naman sa mga kasama niya, nalamigan lang ang kanyang sikmura dahil siya lang naman ang nagkaganoon.

Malaki ang pasasalamat ni Tricia sa Diyos dahil pagkatapos ng dalawang oras na pananatili sa ospital ay pinauwi na siya dahil bumalik na sa normal ang kanyang presyon matapos siyang lapatan ng pang-unang lunas.

Gayunpaman, palaisipan pa rin sa kanya hanggang ngayon kung bakit biglang bumagsak nang ganoon kababa ang presyon ng kanyang dugo. – George Manalansan

Young voters to dominate 2019 polls

Posted on 14 October 2018 No comments
More than one-third of voters in next year’s national and election polls are young men and women under the 18 to 35 age range, the spokesperson of the Commission on Elections (Comelec) said.

At a media forum in Manila, Comelec spokesman James Jimenez said this translates to about 20 million voters out of the 61 million expected number of voters.

Of the number, 1.9 million are potentially overseas Filipino workers.

Crowd at the Commission on Elections.
The young electorate was followed by the oldest demographic (senior citizens aged 60 and up) and then the middle-aged population.

“Malaki ang impluwensiya ng kabataan sa darating na eleksiyon. Dahil nadagdagan ng alumni ng Sangguniang Kabataan na di na kailangang magparehistro ngayon (The youth’s influence in the coming elections is big. This is because those who registered for the [2018] Youth Council polls do not need to register again),” Jimenez said.

The filing of certificate of candidacy started on Thursday “but your time to choose your candidates is running out. By now, you should know who you are looking for,” he said.

“The most important thing right now is for the youth to decide what the issues are. The problem with us is that we get overwhelmed with collateral noise,” he added.

The filing of CoCs for the national and local elections in May next year were set on October 11, 12, 15, 16 and 17.

Those who voted in the recently held barangay (village) and youth council polls are automatically eligible to vote in the 2019 elections, Jimenez said.

Don't Miss