Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pregnant Pinay seeks compensation for dismissal

Posted on 15 November 2018 No comments
By Vir B. Lumicao

A 44-year-old pregnant Filipina helper and her former employer have failed to settle their dispute in the Labour Tribunal when the latter insisted only on $10,000 as settlement, prompting the officer to set the case down for trial next year.

That means a long wait with an uncertain outcome for the claimant, Alma (not her real name), who is seven months pregnant and due to give birth on Jan 24.

Presiding officer Eric Tam told Alma and her former employer Ng Fong Yu Fanny on Nov 2 to return on Apr 21 next year and argue their cases in another court.

Tam directed them to each present a witness who can support their claim that it was the other party who terminated their work contract.

He gave them until Dec 15 to submit additional statements.

The helper said she would be asking her employment agent to be her witness while the defendant said she would ask her brother to give evidence for her.

The Filipina is claiming a $14,500 compensation including arrears in wages, one month’s wage in lieu of notice, paid maternity leave and the $4,500 security deposit that the court ordered the defendant to put up.

In a counterclaim, the employer is seeking from the maid $9,000 representing one month’s wage in lieu of notice and damages allegedly due to the claimant’s abrupt departure on Aug 30 that left the employer’s ailing elderly father without any caregiver.

The Filipina insisted it was the employer who ordered her out of the house at the height of an argument that night over where the helper’s coming baby would stay.

The defendant denied sending the maid away. She said she was even very happy about her pregnancy.

“You said you were very happy about her pregnancy, but you told her you can’t accept the baby in your house?” the presiding officer blurted.

The employer denied that, but Tam replied, “You sent her a lot of warning letters.”

The defendant told the court she had a video to prove it was the Filipina who insisted to leave while the employer was asking her to stay.

But the maid said that video was just made up by the employer, who allegedly pretended to beg her to stay in front of police officers whom she had called.

At the hearing, Tam called for a break four times in a vain attempt to get the parties to settle. At the third break, he sent them to the tribunal officer to try to work out a deal.

When they returned, the employer agreed to drop her claims against the Filipina and upped her offer to $10,000. But the helper insisted on $10,500 plus the security deposit.

The presiding officer suggested that the employer raise her offer to $12,500 but both sides rejected this, prompting Tam to set the case for trial in April next year.

 Suportahan natin ang ating mga sponsor:










Regalong iPhone8 sa matapat na Pinay

Posted on No comments
Tunay ngang nabibiyayaan ang mga matapat.

Ito ang napatunayan ni Melinda R. Monsalud, o Mhel sa kanyang mga kaibigan, nang agad niyang ibinalik sa may-ari ang napulot na pitaka na naglalaman ng tumataginting na $60,000 noong ika-7 ng Nobyembre.

Melinda R. Monsalud
Bilang ganti sa kanyang katapatan ay binigyan siya ng bagong-bagong iphone8 ng may-ari ng pitaka na isang Danish national.

Ang nakakabilib na kagandahang loob ni Mhel, na isang miyembro ng United Philippine Taekwondo Organization at walong taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong, ang nagbunsod sa isa sa kanyang mga kaibigan na ipaabot sa The SUN ang nangyari.

Araw ng Miyerkules noon, at sakay si Mhel ng bus 5B pauwi sa bahay ng kanyang amo sa Pokfulam mula sa pagdalo sa pang araw-araw na “devotional prayer” sa kapilya ng Iglesia ng Cristo sa Sai Ying Pun nang mapansin niya ang pitaka sa upuan na katapat ng inuupuan niya sa dulo ng bus.

“Nagdalawang isip pa akong damputin dahil baka sakaling nasa loob pa ng bus ang may ari,” sabi niya.

Pero pagkalipas ng ilang minuto ay kinuha na raw niya ito at inisip na iabot sa drayber ng bus, pero naisip niyang mas mapapadali ang pagsauli sa may-ari kung may makikita siyang numero sa loob ng pitaka.

May nakita daw siyang calling card sa loob ng pitaka, at agad niyang tinawagan ang nakapangalan doon para ito na ang magsauli sa may-ari. Alam niya kasing hindi ito ang may-ari, dahil kasama ang pasaporte ng may-ari na ang apelyido ay Fraser at taga Denmark, sa mga dokumento sa pitaka.

“Ilang minuto lang po agad na may tumawag sa akin at yon na nga po ang mismong may ari. Sinabi ko sa kanya na makipagkita po ako sa kanya sa oras na yon (mga 11pm na ng gabi) para iabot na agad ang wallet nya. Noong magkaharap na kami ng may ari ay sinigurado ko na sya nga ang may ari base sa passport na nasa wallet din niya.”

Ayon sa may-ari, pa-suweldo daw ang pera kaya ganoon kalaki. Sinabi naman ni Mhel na nakabalumbon ng tig-$10,000 ang pera sa pitaka kaya madali niyang natantiya na $60,000 ang kabuuang halaga nito.

Pagkaabot niya ng pitaka ay sinabi ng may-ari na magkita silang muli kinabukasan [para sa “reward” niya pero hindi nagkaroon ng pagkakataon si Mhel dahil isang linggong walang pasok ang kanyang mga alaga na nag-aaral sa French International School.

Sa sumunod na Sabado na sila nagkasundong magkita muli.

Nang magkita sila ay muling nagpasalamat ang may-ari, sabay abot sa kanya ng isang iphone 8.

Sa tuwa ni Mhel ay agad siyang nag post tungkol sa nangyari, kasama ang litrato ng pitaka at ng iphone sa kanyang Facebook account, kaya nalaman ng ilan niyang kaibigan.


Pero ang hindi alam ng marami, hindi ito ang unang pagkakataon na nagsauli si Mhel ng mahalagang bagay na napulot niya. Mga dalawang buwan pa lang daw ang nakakalipas ay nakapulot siya ng iphone6 sa bus 5B din, habang pauwi siya sa bahay ng amo.

“Agad naman pong tumawag sa telepono ang may-ari, kaya naisauli ko din agad,” sabi ni Mhel.

Sa pagkakataong ito, isang malugod na pasasalamat ang ipinaabot sa kanya ng may-ari ng telepono na isang Intsik.

May pangatlong beses pa na nangyari ang ganito, nang isang pitaka din na may lamang $8,000 naman ang napulot ni Mhel sa escalator ng Central Library sa Causeway Bay.

May tarheta ang may-ari sa pitaka, kaya agad na natawagan ni Mhel para isauli ito.

“Nag selfie po kami ng may-ari na Intsik, habang hawak-hawak niya ang wallet,” sabi ni Mhel.

Wala ding pabuya na ibinigay sa kanya, pero ayon kay Mhel, sapat na yung malaking pasasalamat na ibinigay nila sa kanya.

Nang malaman ng kanyang simbahan ang tungkol sa pinakahuling pagpapatunay ni Mhel ng kanyang kabutihang loob ay pinarangalan din siya agad noong Linggo, ika-10 ng Nob.

Ayon sa kaibigan niya na si Mercy Permales, isa sa mga pinuno ng UPTO, tunay na kapuri-puri ang ginawa ni Mhel, na isang single mother sa dalawang anak, at tumutulong sa ina niya at iba pang kaanak na nasa Olongapo City.

“Nakaka inspire kasi may pinagdadaanan siya sa buhay noon pero hindi siya nagpadala sa demonyo,” sabi ni Permales. – Daisy CL Mandap 

Suportahan natin ang ating mga sponsor:











Caught in a landslide of real life and fantasy

Posted on No comments
By William Elvin Manzano*

Much like Queen frontman Freddie Mercury’s controversy-laden life and stardom, 20th Century Fox’s Bohemian Rhapsody,  a much-hyped film intended to be a biopic of Mercury and the rest of Queen, was wrapped in intrigue and production chaos from the get-go. On top of a revolving door of directors supposed to be at the helm of the film’s process, reports revealed that the role of Freddie Mercury was to be played originally by actor Sacha Baron Cohen – famous for merciless satires such as Borat, Bruno, The Dictator and the TV show Who Is America? – who quit the film after creative differences with Brian May and Roger Taylor, the surviving members of Queen. During production, director Bryan Singer (The Usual Suspects, X-Men) was fired by the studio for bad behavior on the set, and was replaced by Dexter Fletcher (Eddie the Eagle).

Rami Malek as Freddie Mercury is flawless.
And, much like Freddie Mercury’s relentless spirit, the film not only survived but also soared to great heights, becoming one of the biggest global box office triumphs this year. In terms of mass appeal and marketability, the finished and released theatrical version of Bohemian Rhapsody was undoubtedly a success, its great weight singlehandedly carried by Rami Malek’s flawless performance as Mercury. Artistically, it is an ironically ultra-safe and sanitized portrayal of one of the most unconventional rock bands in pop music history, who were never afraid to experiment and break barriers both in their music and their lifestyle.

The movie makes it apparent early on that it is not intended to be an accurate, biographical piece, but rather a fictionalized and romanticized take on Queen’s illustrious music career. Using the band’s highly regarded Live Aid performance at the Wembley Stadium in 1985 as a narrative frame, the movie opens with Freddie Mercury letting out a few coughs, indicating the AIDS-related pneumonia that would take his life in 1991. (Fact: Mercury was diagnosed with AIDS in 1987, much later than is suggested in the film)

What followed in the next two hours were almost disjointed, tensionless vignettes that always seemed to rush to the next, only picked up and made a whole lot better by Malek’s outstanding presence and Queen’s ever-present music. The film’s biggest flaw is its flat, bland and lifeless screenplay by Anthony McCarten (The Theory of Everything), which made the people around Mercury seem like one-dimensional cardboard characters, especially the cinematic versions of guitarist Brian May (played by Gwilym Lee), drummer Roger Taylor (Ben Hardy) and bassist John Deacon (Joseph Mazzello). The supporting characters only served to advance the plot, delivering cheesy and contrived-sounding lines, without adding any layer and nuance to the scenes.

The movie’s wonderful revelation is how the tragedy of Freddie Mercury, even with the most basic and unchallenging portrayal, never fails to capture hearts and minds. This is the story of a passionate man, a musical genius who did everything to erase his real history to create a larger-than-life, uncanny persona that shocked the world and made us feel uncomfortable, but at the same time forcing us all to fall in love with him. In the end, the life of sex, drugs and rock-and-roll he fully embraced and celebrated became his ultimate undoing, and knowing that it happened to a brilliant, fascinating man turns the narrative into both a cautionary tale and a heartbreaking parable.

Despite all its flaws, the film most importantly succeeds in introducing Queen’s magnificent music to a wider audience and a younger generation. At the end of the day, if Bohemian Rhapsody is inspiring the next batch of young musicians to pick up their instruments and aspire to reach the level of Mercury, May, Deacon and Taylor’s creativity, then it is significantly contributing something beautiful and hopeful to the world.

Rating: B- 

*William Elvin Manzano is a singer-songwriter and theater artist whose bread and butter is his job as a copywriter in a PR agency. He used to work with The SUN.

Suportahan natin ang ating mga sponsor:










Ano ang kapalaran mo sa Nobyembre?

Posted on No comments
ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maganda ang kalagayan sa trabaho; mapapaboran ka sa kabila ng mga problema. Marami kang orihinal na ideya at makakaasa ng tulong sa mga kasamahan. Umiwas sa mga pagkaing ma-rekado at mamantika na makakasama sa sirkulasyon ng dugo sa katawan. Ituon ang atensyon sa mahal sa buhay ngayon. Ang katiwasayan ng loob ay depende sa magandang pagsasama ng malapit sa iyo; kung walang away, magiging maayos ang lahat. Lucky numbers: 17, 22, 30 at 41.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ngayon ay mas bibigyan mo ng importansya ang pagkakaibigan. Hindi rin imposible na ang matalik na kaibigan ay maging karelasyon mo. May magtatangkang bentahan ka ng kasangkapan na depektibo o alukin ng palpak na serbisyo; mag-ingat na mabiktima ka ng mga ito. Saglit mong malilimutan ang pagiging praktikal at realistiko kaya posibleng maharap ka sa isang delikadong sitwasyon. Lucky numbers: 6, 19, 23 at 42
DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Tensyon, pagka-irita at pagod ang mararanasan dahil sa ingay sa iyong paligid. Makipag-usap ng maayos upang masolusyunan ang problema. Alisin sa isip ang negatibong palagay na wala kang silbi, at walang nakaka-unawa sa iyo. Dagdagan ang pasensya at gumawa ng seryosong hakbang upang maisakatuparan ang iyong gustong gawin sa kabila ng mga pagsubok. Ito ang oras na ipaglaban mo ang iyong kagustuhan. Lucky numbers: 11, 25, 31 at 37.


BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Sa halip na manahimik, mas makabubuti siguro kung ilalabas mo ang nilalaman ng puso sa isang taong alam mong mapagtitiwalaan upang gumaan ang pakiramdam, makabawi ng lakas o maka- move on. Huwag magtiwala o maniwala sa mga nag-aalok ng pekeng trabaho o mga gamot na pampapayat. Sa hirap ng buhay ngayon, maging maingat sa pagbitaw ng pera, at huwag magpaloko. Lucky numbers: 3, 26, 33 at 39.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
May tsansa kang makilala ang mga taong maaring makatulong sa iyo na makakakuha ng mahalagang suporta sa trabaho at negosyo. Samantalahin ang panahong ito, simulan nang ayusin ang mahahalagang bagay sa iyong buhay. Tiwala sa sarili at positibong pananaw ang kailangan mo ngayon. Dahil sa kalungkutan, pagka-inip at ang kawalan ng simpatiya ng mga tao, natutukso lang sumali sa mga iba’t ibang samahan; mag-ingat, kilalanin silang mabuti at alamin ang kanilang layunin. Lucky numbers: 5, 18, 40 at 45.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Kung hindi mo pa natatagpuan ang iyong soul sister, makikilala mo na siya ngayon. Bisitahin ang mga lugar kung saan ka pinaka-komportable at mailalabas mo ang totoong ikaw. Nahihirapan ka sa napili mong paraan ng pagdi-diyeta kaya gusto mong tigilan na ito. Kailangan mo ng dagdag pasensya, huwag sayangin ang enerhiya o magalit sa maliliit na bagay na hindi mo gusto. Mag-ingat na gumawa ng ingay na walang katuturan. Lucky numbers: 7, 29, 31 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Masipag, mahusay sa trabaho at masigla, kaya maganda ang resulta ng iyong trabaho. Gaganda ang pinansyal na kalagayan. Pero sa taong mahal mo, kulang ang ipinapakita mong pag-aalaga at atensyon. Makakahanap ka ng paraan na mapagtakpan ang mga pagkaantala ng ilang bagay. Mataas ang enerhiya mo, at ang problema mo ay kung paano ito magagamit ng husto na hindi ka lalabas na sobrang agresibo. Lucky numbers: 12, 16, 32 at 41.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
May mabubuo kang koneksyon sa iyong paglalakbay. Ingatan ang pananalapi dahil hindi maganda ang pasok nito ngayon. Dagdagan ang atensyon sa karelasyon na nakakaramdam na napapabayaan mo. Mag-ingat sa kolitis, kung hindi magagamot ito ng tama ay baka lumala ito. Lagnat at pananakit ng tiyan ang maaring maranasan. Lucky numbers: 16, 20, 33 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Makakaasa ka ng swerte ngayon. Mawawala ang pangamba at kamalasan at muling mabibigyan ng pag-asa dahil sa magandang kapalaran na darating sa iyo. Mas gaganda ang pagsasama dahil pipiliting mong mas maging maunawain at maalaga sa mahal mo sa buhay. Malalasap mo ang pinakamaligayang sandali sa pag-ibig. Magugustuhan ng mga tao ang bago mong pananaw sa buhay at kasiyahan sa kahit simpleng mga bagay. Lucky numbers: 19, 21, 37 at 46.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Mag-ingat sa magagandang alok na wala ring kahihinatnan, at sa mga importanteng tao na wala rin palang kuwenta. Sa madaling salita, hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Umiwas sa mga tukso. Mas magiging maingat ka pagdating sa pag-ibig. Ingatan ang paghawak ng pera, dahil may ugali kang pabigla-bigla ng desisyon, lalo na sa panahong ngayon na kabi-kabila ang mga paninda. Lucky numbers: 6, 15, 30 at 41.



UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Lumabas ka at makihalubilo sa mga tao: dito ka makakatagpo ng mga taong kawiwilihan mo. Hindi masamang makipagkaibigan, lalo kung positibong mababago ang iyong pananaw. Kailangan mong pag-isipang mabuti kung ano talaga ang gusto mo, at kung sino ang gusto mong makasama sa buhay nang hindi nai-impluwensyahan ng materyal na bagay. Sa pamilya, hangad mo ang katahimikan at maayos na pagsasama. Lucky numbers: 9, 14, 25 at 39.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Ang love life ay sisibol nang walang problema o tensyon. Samantalahin ito upang mas lalo pang maging matatag ang pagsasama. Kung single, malaki ang tsansa na makatagpo ng taong magugustuhan mo. Magkakaroon ka ng magandang pagkakataon upang magamit ng husto ang enerhiya at kaalaman. Mag-ingat upang hindi magkasakit. Kailangan mo ng vitamin C at dagdagan ang pag-inom ng mainit na tubig upang lumuwag ang daloy ng plema. Lucky numbers: 5, 13, 27 at 41. 

Suportahan natin ang ating mga sponsor:













Diego nagtangkang mag- suicide?

Posted on No comments
Naging usap-usapan sa showbiz ang diumano’y tangkang pagpapakamatay ng young actor na si Diego Loyzaga, 23. Ayon sa balita, nagtamo si Diego ng maraming sugat sa leeg at kamay dahil naglaslas siya gamit ang kanyang Swiss knife. Mabuti na lang daw at may mga kasama siya sa bahay na agad na nakasaklolo sa kanya at nagtakbo sa kanya sa ospital. May nakapagsabi na hindi naman daw malalim o seryoso ang mga tinamong sugat ng aktor kaya agad itong pinayagang makalabas.

Marami ang nagulat sa balitang ito dahil tila maganda naman ang takbo ng career ng batang actor. Isa siya sa mga bida sa TV series na Los Bastardos na kasalukuyang ipinapalabas sa Kapamilya channel. Ang kanyang inang si Teresa Loyzaga ay nasa Pilipinas na rin at binalikan ang showbiz career. Tahimik din at tila wala nang problema sa kanyang amang si Cesar Montano, na kamakailan ay napag-usapan din. 

Ilang beses na ring naging laman ng mga balita si Diego dahil sa pag-post niya sa social media tungkol sa galit niya sa ama, ang naging away niya sa isang Grab driver, ang pagpo-post niya ng mga larawan sa Boracay, ang break up nila ni Sofia Andres- na umani lahat ng negatibong reaksyon mula sa publiko.

Sa kabila ng mga haka-haka, nananatiling tahimik sina Teresa at Cesar tungkol sa kalagayan ng kanilang anak. Balitang dinala nina Teresa at kapatid nitong si Bing Loyzaga si Diego sa isang pribadong lugar upang magpagaling. Pero hindi siguro ito binawalang gumamit ng internet o telepono dahil nag-post na ito ng larawan ng bottled fruit juices.

Noong March 2010, ang panganay na anak na lalaki ni Cesar at  half-brother ni Diego na si Christian Angelo ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Quezon City.

VICTOR MAGTANGGOL, TATAPUSIN NA
Malungkot na ipinahayag ni Alden Richards na magtatapos na ang kanyang TV series na “Victor Magtanggol” sa November 16. Inamin ng aktor na hindi nakaagapay sa ratings ang kanilang show sa kalabang “Ang Probinsyano” ng ABS CBN, na patuloy pa ring namamayagpag sa ere pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Pero hindi raw totoo ang tsismis na sadyang sinibak na lang ang show dahil dito. Nabuo naman daw nila ang full season, na dapat ay ipapalabas lang ng 13 linggo, pero pinapirma rin sila ng extension contract. 

Naisip din daw ni Alden na pakiusapan ang mga bosses ng GMA 7 na i-extend ang show dahil naawa siya sa staff at crew na mawawalan ng trabaho, kung kailan magpapasko pa naman. “Kaya lang po, ang daming factors na kinunsider, ‘yung show po kasi na darating, ready na po, tapos ‘yung bakasyon ko rin po sa family, hindi ko na mai-move. Saka ‘yun lang din po ‘yung day na napaalam ko sa GMA, last year pa po, actually,” ang paliwanag pa ni Alden. Nakatakdang magbakasyon si Alden kasama ang buong pamilya sa Los Angeles, California sa December.

Gagawa daw siya ng pelikula sa first quarter ng 2019. Gusto rin daw niyang masubukang makagawa ng indie film, pero sa ngayon ay wala pang offer. Baka sa second quarter na raw siya muling gagawa ng teleserye, at sana raw ay drama naman dahil nami-miss niya ito.

MARIAN, PAHINGA MUNA SA PELIKULA
Ipinagpaliban muna ni Marian Rivera ang paggawa ng isang horror film na nakatakda sana niyang umpisahan sa buwang ito, dahil buntis siya. Kinausap daw niya ang management team niya na Triple A na hindi muna siya gagawa ng pelikula, lalo na kung horror film ito, dahil baka makasama sa kanyang kalagayan, at baka pagsisihan niya ito.

Nong July 2018, ipahayag ni Rams David, manager ni Marian, na muling mapapanood sa pelikula si Marian kung mapipili itong kalahok sa Metro Manila Film Festival. Pero dahil nabuntis nga siya, na masayang in-announce nila ng asawang si Dingdong Dantes noong September, nabago ang kanilang mga plano. Isa na rito ang pag-urong ni Dingdong ng kanyang pagtakbo sana sa susunod na eleksyon, dahil kailangan niyang alalayan ang kanyang asawa sa kanyang kalagayan. Ayaw daw niya itong ma-stress ng dahil sa pagsabak niya sa pulitika.

Sa ngayon ay abala pa rin naman si Marian sa kanyang regular shows na Sunday PinaSaya at Tadhana, at may mga product endorsement din siyang ginagawa. Bukod dito, hands-on mom siya sa kanyang anak na si Zia, na magta-tatlong gulang na sa Nov. 23. Huling napanood sa pelikula si Marian noong 2016, sa isang guest role sa pelikulang “Imagine You And Me”.

Samantala, sinabi ni Marian na malakas siyang kumain ngayon sa kanyang pangalawang pagbubuntis, hindi kagaya noong una. Nakakahiligan daw niyang kumain ng maaasim gaya ng kamias at manggang hilaw. Sa tanong kung babae o lalaki ang kanilang magiging anak, sinabi niyang magkakaroon sila ng gender reveal party sa buwang ito, pagkatapos ng check-up niya sa kanyang doctor. Gusto muna daw nilang makasiguro bago ito i-share sa publiko.

MAINE AT ARJO, MADALAS MAGKASAMA
Muling namataan sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na magkasamang nanood ng concert na Karpos Live sa Vertis Tent, Vertis North sa Quezon City noong November 8. Bago ito, nakunan sila ng mga larawan sa isang resort sa Bali, Indonesia noong Halloween break.

Magkasama sina Maine at Arjo sa pelikulang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” na entry sa Metro Manila Film Festival, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto. Tila dito nag-umpisa ang pagkakaibigan ng dalawa dahil ilang beses pa silang nakitang magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City, at sa isang bar sa Bonifacio Global City.

Wala pang inaamin ang dalawa kung may namumuong relasyon sa kanila, pero kinumpirma kamakailan ng dating girlfriend ni Arjo na si Sammie Rimando ng grupong GirlTrends, na break na sila.

Ang kapatid naman ni Arjo na si Ria Atayde ang nagtatanggol sa kanyang kuya sa mga bashers o fans   ng AlDub na galit na ma-link ang kanilang idolong si Maine kay Arjo o kaninuman, maliban kay Alden Richards. Ang tweet ni Ria: “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re for.”

Wala raw sinasabi si Arjo sa kanya, pero alam daw niyang masaya ito ngayon.

HIMIG HANDOG WINNERS
Panalo ang awiting “Sa Mga Bituin na Lang Ibubulong” bilang Best Original song sa katatapos na Himig Handog 2018. Ito ay nilikha ni Kyle Raphael Borbon, at inawit ni JM de Guzman. Sa finale na ginanap sa ASAP noong November 11, si Jason Dy ang nag-perform ng awitin, dahil maysakit daw si JM, kaya hindi nakadalo. Tumanggap sila ng cash prize na Php1 million bilang grand prize winner. 

Ang sampung finalists na nag-perform sa ASAP ay ang mga sumusunod: “Tinatapos Ko Na” (composer: SJ Gandia, interpreted by Jona) ; “Wala Kang Alam” (composed and arranged by Mel Magno and Martin John Arellano and interpreted by Sam Mangubat); “Dalawang Pag-ibig Niya” (composed by Bernard Reforsado and interpreted by Sheena Belarmino & Krystal Brimer with MNL48); “Mas Mabuti Pa” (composed by Mhonver Lopez and Joanna Concepcion and interpreted by Janine Berdin); “Hati Na Lang Tayo Sa Kanya” (composed by Joseph Santiago and interpreted by Eumee); “Sugarol” (composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal); “Sa Mga Bituin na lang Ibubulong” (composed by Kyle Raphael Borbon and interpreted by Jason Dy); “Wasakan” (composed by Philip Arvin Jarilla and interpreted by Agsunta); “Para sa Tabi” (composed by Robert William Perena and interpreted by Boyband PH), at “Kababata” (composed by John Michael Edixon, and interpreted by Kritiko ft. Kyla).

Ang ibang mga nanalo:
Best Original Song: ”Sa Mga Bituin na lang Ibubulong”
Second Best Song: ”Wakasan”
Third Best Song:  ”Kababata”
Fourth Best Song: ”Mas Mabuti Pa”
Fifth Best Song: ”Tinatapos Ko Na”

Special Awards
M.O.R 101.9’s Choice: ”Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
One Music PH’s Choice for Favorite Interpreter:  Sam Mangubat for “Wala Kang Alam”
TFC’s Global Choice of Favorite Song: “Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
Star Music Listener’s Choice: “Mas Mabuti Pa” composed by Mhonver Lopez and Joanna Concepcion, and interpreted by Janine Berdin
Best Produced Track / Music Producer’s Award:  “Tinatapos Ko Na” composed by SJ Gandia and interpreted by Jona
MYX Choice for Best Music Video: ”Sugarol” directed by John Leo Garcia

YAM, KINAIINISAN SA “HALIK”
Laging napag-uusapan ngayon ang hit TV series na “Halik” dahil sa ipinapakitang husay ng mga artista na sina Yam Concepcion, Yen Santos, Sam Milby, at lalo na si Jericho Rosales, na consistent sa pagiging mahusay na aktor. 

Lumabas ng husto ang natatagong husay ni Yam bilang isang palabang kerida na si Jade, dahil nasanay na mga dating nakapanood sa kanya sa mga roles niya na laging tahimik, at mabait. Ang dating napapanood na mahinhin na si Yen Santos bilang si Jackie, ay naging palaban din bilang asawa na niloko at ipinagpalit sa kerida.

Si Sam Milby, na nakasanayang napapanood bilang good boy, ay kinainisan ngayon bilang si Ace, ang asawang manloloko at nangangaliwa. Nagbunyi ang mga masugid na sumusubaybay sa palabas nang bugbog –sarado ang inabot niya kay Lino (Jericho) matapos siyang  mahuli na kahalikan ang asawa nitong si Jade sa isang bar. 

Marami pang eksenang susubaybayan sa “Halik” na patuloy na tinatangkilik dahil marami raw sa mga manonood ang nakaka-relate dito sa tunay na buhay.

Suportahan natin ang ating mga sponsor:












Don't Miss