Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy serial ‘peeping Tom’ refused bail

Posted on 24 February 2019 No comments

By Vir B. Lumicao

Pskit was allegedly found 'loitering' in this mall's ladies room

A Filipino resident in Hong Kong has been refused bail by an Eastern Court magistrate following his arrest for straying into a ladies’ toilet in a shopping mall in Quarry Bay.

This is the fourth time the defendant, Eduardo Pakit, 44, has been charged with “loitering causing concern” for sneaking into women’s changing rooms on a beach or toilets in shopping centers to watch or photograph them secretly.

The prosecution did not give details of the three previous cases, but local media reports carried two of them.                                                                                                                                    

In the latest, the prosecution said in a hearing on Feb 21 that a local woman, Madam X, saw Pakit inside the ladies’ toilet in Manly Plaza along King’s Road on Feb 17 and reported the matter to the building security.

Pakit’s presence in the ladies’ room had caused Madame X concern for her safety and well-being, the prosecution said.

The defendant, who works as a bartender, was taken into custody on Feb 19. An identity parade would be held on Monday, Feb 25, to ascertain whether he was the same man seen in the ladies’ toilet.

Magistrate Cheng Lim-chi rejected Pakit’s bail application at the recommendation of the prosecution, which said the defendant was a repeat offender who had three previous criminal records for similar offenses.
 
On Dec 31, 2016, Pakit was charged and convicted after entering a ladies’ changing room in Repulse Bay in July of that year and peeping into a cubicle where two teenage girls were changing their clothes.

But in November 2015, Pakit was acquitted by a judge in Kowloon City of loitering and peeping into a women’s toilet because the witnesses could not identify him positively.

Iwas-bayad ang employer sa long service?

Posted on No comments

Ganun na lang ang sama ng loob ni Aurora, 37, isang Bulakenya, nang hindi na pirmahan ng kanyang amo ang kanilang pangatlo sanang kontrata.

Maganda naman kasi ang kanilang samahan, at gamay na niya ang ugali ng mga ito, kaya umasa siya na pipirmahan siyang muli.

Kaya naisip niya na marahil, gusto lang umiwas sa pagbabayad ng para sa long service ang kanyang amo.

Ayon kasi sa batas ng Hong Kong, kailangang magbayad ng amo ng para sa long service kapag nakapagsilbi ang isang kasambahay ng hindi kukulangin sa limang taon at (1)  pinutol ng amo ang kanilang kontrata, liban lang kung may mabigat na dahilan katulad ng pagsuway ng kasambahay sa isang makatarungang utos; (2) umabot na sa edad 65 ang kasambahay; (3) hindi na kakayaning manilbihan dahil sa sakit; o (4) namatay ang kasambahay.

Marami sa kanyang mga kaibigan ang nagsabi na ginulangan lang siya ng kanyang amo dahil ayaw nitong magbayad ng long service kung sakali.

Isa sa kanila ang nagsabi na ganoon din ang kanyang sitwasyon, at mukhang gusto lang ding umiwas sa dagdag-bayad ng kanyang amo.

Laking takot naman ni Aurora na baka masira ang inumpisahang pag-iipon at pagpaplano para sa kanyang kinabukasan.

Gayunpaman hindi naman niya tuwirang masabi na ilegal ang ginawa ng kanyang amo dahil naaayon pa rin ito sa batas.

Inisip na lang niya na pasalamat na din siya dahil tinapos ng amo ang kanilang kontrata dahil kung na-terminate siya ay mas lalong problema dahil kailangan niyang umuwi at gumastos na naman para makabalik sa pagtatrabaho sa Hong Kong.

Dahil “finished contract” siya, mas madali siyang nakahanap ng bagong amo, at hindi na siya kailangan pang umuwi muna sa Pilipinas. Gayunpaman, kakaba-kaba pa rin siya hanggang hindi pa siya nabibigyan ng bagong visa. – George Manansala

Iwas-bayad sa long service?

Posted on 23 February 2019 No comments

Parating na ba ang swerte mo?

Posted on 22 February 2019 No comments
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Masasagad ang kontrol sa sarili dahil sa labis na emosyon at salitang binibitawan. Huwag pabigla-bigla ng desisyon sa mga bagay na gusting pasukan. May pagtatalo sa pamilya tungkol sa isang bagay na binili; maaayos ang lahat ng walang iyakan at sumbatan kung pag-uusapan ito ng malumanay. Sa pag-ibig, matutupad ang kahilingan mo. Lucky numbers: 9, 11, 33 at 35.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Desidido kang hanapin ang kapalaran sa paraang gusto mo. Kung alam mong niloloko ka ng isang tao, makakaganti ka rin sa paraang nararapat.  Sasamantalahin mo ang isang magandang alok sa negosyo. May suwerte sa sugal ngayon. Dahil sa ipinamamalas na kalmado at panatag na kalooban, marami ang hahanga at gusting mapalapit sa iyo. Lucky numbers: 13, 19, 30 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Kung single, masaya ka ngayon kaya masarap kang kasama. Lalakas at mapapansin ang iyong karisma. Gumawa ng paraan na makapagpasaya at piliin ang tamang okasyon; matatapos na rin ang kalungkutan mo. Hindi ka na bumabata kaya bantayan ang kinakain mo. Lucky numbers: 7, 15, 29 at 41.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Mas magiging matapang ka ngayon. Tatawanan mo lang ang mapangahas na bagay na iyong papasukan. Sa pag-ibig, magiging mapusok ka rin, mag-ingat na maging tampulan ng tsismis. Kung ibubuhos ang atensyon sa trabaho at bawasan ang oras sa pangangarap ng gising, madali kang makakatapos sa gawain. Lucky numbers: 16, 26, 28 at 40.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Nakakabahala ang problema sa pagsasama. Ito ay dahil sa magkaibang opinion ninyo sa edukasyon ng mga anak, na lihis sa direksyon ng sariling ambisyon. Maayos ang takbo ng trabaho o negosyo kaya may sapat kang oras para sa ibang bagay. Mahina ng resistensya mo ngayon kaya madali kang magka-allergy. Linising mabuti ang kama at silid. Lucky numbers: 11, 25, 33 at 37.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Nakakabahala ang problema sa pagsasama. Ito ay dahil sa magkaibang opinion ninyo sa edukasyon ng mga anak, na lihis sa direksyon ng sariling ambisyon. Maayos ang takbo ng trabaho o negosyo kaya may sapat kang oras para sa ibang bagay. Mahina ng resistensya mo ngayon kaya madali kang magka-allergy. Linising mabuti ang kama at silid. Lucky numbers: 11, 25, 33 at 37.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Sabay-sabay ang magiging gastusin mo ngayon kaya problemado ka sa pera. Hangad mo pa rin namakatagpo ng taong gusto mo, pero pag-isipan din na huwag tumingin sa magandang anyo lang dahil baka ka mabigo. Kung may asawa, pag-usapang mabuti ang problema bago pa ito lumala. Lucky numbers: 12, 18, 22 at 32.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maging maingat ka sa pakikipag-usap lalo sa kapamilya habang inaayos mo ang lahat. Magsisipag ka ng husto upang makamit mo ang inaasam at mabalanse ang lahat ng bagay sa buhay mo. Ingatang huwag malamigan ng husto upang hindi sumakit at manigas ang leeg. Kung sumakit, subukan ang pampahid na may camphor o gamitan ito ng hairdryer. Lucky numbers: 15, 16, 28 at 31.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Magiging maayos ang lahat sa trabaho kung alam mong itikom ng bahagya ang bibig o bawasan ang salita, at dagdagan ang gawa. Hindi ka mapapalagay dahil sanay kang ikaw lagi ang nasusunod, pero gusto mo rin ang maayos na relasyon sa mga kasamahan. Tandaang hindi nakukuha ang lahat sa lakas ng boses. Mas mabisa ang malumanay na salita. Lucky numbers: 7, 23, 27 at 33.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Bigla kang mapapaisip tungkol sa iyong buhay- ang iyong mga nagawa, pagpili, desisyon at naging asal sa nakaraan. Ang alitan sa kapitbahay ay gamitan ng talino at dilomasya sa halip na maging bayolente, upang maayos ang problema. Pagtuunan ng husto ang iyong ambisyon at pangarap at maaabot mo rin ito. Lucky numbers: 4, 9, 16 at 29.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
May magandang oportunid na darating sa iyo na ikabibigla mo. Ang iyong saya at nakakahawang sigla ang magugustuhan ng mga tao sa iyo. Ikaw ang mamumuno sa iyong pamilya sa mga mahalagang desisyon dahil lahat ay bilib sa kakayahan mo. Maging seryoso ka na at paghandaan ang kinabukasan. Lucky numbers: 15, 19, 26 at 44.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Gagamitin mo ang iyong karisma upang makuha ang gusto. Gagawin mo rin ang makakaya upang mapasaya ang lahat kaya maraming matutuwa sa iyo. Huwag sayangin ang tiwalang ibibigaysaiyo. Iwasang makasakit ng damdamin sa brutal na pagsasabi mo ng iyong opinyon. Lucky numbers:  22, 23, 37 at 39.

Don't Miss